Spongebob
"Wala ka ng kawala. Nasa puder kita," sabi niya bago niya tuluyang bigyan ng malaking espayo ang aming sarili.
"Okay, fine nang makabawi ako sa'yo. Siguro naman sapat na 'yon para mapatawad mo ako."
"That's not enough, today you will be my ginnie. You will do whatever I want," he smirked at me.
Ano ba itong pinasok ko. Bakit sa isang Montecarlos pa ako nagkaganito.
Tumungo ako sa kusina para tignan ang mga pwede iluto sa kaniya.
"Tutal nandito naman din ako, ipagluluto na kita saka pwede ba? Magligpit ligpit ka nga sa bahay mo. Matu-turn off ang mga babae mo, sinasabi ko sa'yo."
"Matagal mo nang nakita 'tong magulo ito. Hindi ka naman naturn-off," laban niya pa.
"Oo halos na nga ng kababuyan nakita ko na sa'yo," sabi ko pa.
"Oo nga pati nga alaga ko noon nakita mo na," kaswal niyang sabi.
Napatigil naman ako sa sinabi niya. Pinandilatan ko siya ng mata saka ko pinaikot ang mata ko.
"Umayos ka! Pinagbibigyan lang kita Mr. Spongebob."
Nakita ko ang pagkagulat niya ng tawagin ko siyang Mr. Spongebob. Nagbago ang hitsura niya para bang naasar.
"I couldn't believe at your age you're still wearing a kids cartoon character. Malala pa Spongebob pa." Panunuya ko sa kaniya
"Stop it, Katrina," alma niya.
"Aye aye captain! I can't hear you!" Pang-aasar ko pa.
Nagsalubong ang makakapal niyang kilay at padabog na tinungo ang kinatatayuan ko.
"I said stop it! If you don't stop I will make you mouth shut," pagbabanta pa niya.
Pilit kong pinipigil ang tawa ko. Natatawa ako sa reaksyon niya. Paano ba naman kasi ang laki laking tao spongebob ang paborito.
"Okay, I'll shut my mouth." Pagsuko ko.
Nagmartsa siya papasok sa loob ng kwarto niya. Sinimulan ko na ang pagluto ng nilaga. Paborito niya 'to kaya ito nalang ang niluto ko. Habang nagpapalambot ako ng baboy. Naisipan kong ligpitin ang mga nagkalat niyang gamit.
Sinimulan ko sa pagpupulot ng mga basyo ng alak. Mga damit niya nagkalat kung saan saan. Inayos ko rin ang mga nagkalat na gamit tulad ng mga magazine, unan at mga libro niya sa sala.
Nakakatuwa kasi meron din siya mga collection ng mga laruang spongebob. Nakakaloka, hindi ko akalain na mahilig pa siya sa spongebob. Hindi ko nga siya nakita na nanood ng spongebob noon.
Nang matapos ko linisin ang mga kalat muli akong bumalik sa kusina para tignan ang pinapakulo ko. Habang 'di pa malambot ang baboy ay hiniwa ko muna ang mga rekado na kasama.
Ilang sandali pa ay ipinag-isang kutsa ko na ang mga sangkap at hinihintay ko nalang na kumulo. Habang hindi pa luto ay naghanda na ako ng pinggan at baso sa mesa.
Pinihit ko ang seradura ng kaniyang kwarto at tumambad sa akin hubad niyang katawan habang suot ang spongebob na boxer.
Lumapit ako sa kaniya para gisingin. Umupo ako sa kama malapit sa kaniya. Ang gwapo niyang tignan kapag mahimbing na natutulog. Mukhang siyang anghel pagtulog ganoon din naman kapag gising ang kaibihan lang. Kapag tulog siya parang anghel na inosente pero kapag gising anghel na manyak.
Kitang kita ko ang medyo makapal niyang labi, matangos niyang ilong, at makapal nakilay. Nasisilayan ko na rin ang mga patubo na bigote niya.
Gulo gulo ang buhok niya kaya hinawi ko ang iilan sa mga ito. Narinig ko ang munting pag-ingit niya.
"Hmm, Trina." Sambit niya habang hawak niya ang kamay ko.
"Hmm Caleb? Tara na, let's eat." Pag-alok ko sa kaniya. Tanging ingit lang ang sagot niya.
Nabigla ako nang bigla niya akong higitin dahilan para mapahiga ako sa tabi niya.
"Caleb, ano ka ba?" Inis ko sabi.
Mahigpit niya akong niyakap. Nakakulong ako sa mga malalaki niyang braso. Amoy na amoy ko ang manly scent niya.
"You will stay with me right? kahit anong mangyari?" Mahina niyang sabi dinig ko ang buo niyang sinabi dahil magkalapit lang kami.
"Ano ka ba? Bitiwan mo nga ako. Kumain ka na kasi tayo."
"'Di ba?" Paninigurado niya pa.
"Oo na, sige na."
"Sabi na eh, napipilitan ka lang sa akin." Sa tono niya palang ay alam ko na nagtatampo siya.
"Alam mo kumain na tayo." Pag-iiba ko.
Narinig ko ang ilang sunod sunod na pagbuntong hininga niya. Bumangon na siya at hinigit niya ang bewang ko para mabuhat niya ako. Halos mapasigaw naman ako sa ginawa niya. Binitbit niya ako hanggang sa makalabas kami ng kwarto. Nilapag niya ako sa upuan.
"Pwedeng pwede na. Pwede na kita asawahin," pabiro niya.
"Asawa mo mukha mo!" Ganti ko.
"Aba! You will be the luckiest girl, if you marry me." Pagmamayabang niya pa.
"Bakit naman?" taas kilay kong tanong.
"Of course. I am smart, handsome, wholesome and hustler in threesome" Nakangiti niyang sabi.
Bastos talaga itong lalaking 'to.
"Baka ako ang the most pitty girl in the world if I would marry you." Bawi ko.
"Bakit naman?" balik tanong niya sa akin.
"Kasi babaero ka na, manyak ka pa," inis kong sabi.
"Hindi sa totoo niyan. You will be the luckiest girl. Kasi matalino ako, mabait, matino at malaki 'to."
Kahit kailan puro kahalayan ang nasa isip ng lalaking 'to.
"Lets eat!" Pag-iiba ko kasi kung hindi ko pa puputulin ang usapan na ito baka saan pa mapunta.
"Subuan mo ako," sabi niya na para bata.
He's so childish the way he act and the way he think. Nakakainis nalang minsan sa sobrang kulit.
Hindi na ako makatanggi pa sa kaniya baka kasi lalo pang magtampo.
Mas lumapit pa ako sa tabi niya para masubuan ko siya. Sumalok ako ng kain at ulam para isubo sa kaniya.
"Say ah!" sabi ko.
"Ahhhhhhhh!" sagot niya.
Sinubo ko naman sa kaniya at pinahigop ko rin siya ng mainit na sabaw. Hindi ko na mabilang kung beses siyang nakasubo ang alam ko lang ang dami na niyang nakain.
Tagatak ang pawis niya sa init at sarap ng sabaw. Marahan kong pinunasan ang mga pawis sa kaniyang noo at sa ilong.
"Basta sa tabi lang kita ha." Ngumiti siya sa akin. Yung ngiti niya na para bang ang saya saya niya.
"After this let's watch movies," dagdag pa niya.
Nasa kalagitnaan na kami sa aming pinapanood. Kanina pa siya namumula sa katatawa. We're watching comedy movie. Namumula na ang pisngi niya sa kakatawa.
Nakangiti ko siyang minamasdan lalo siyang gumagwapo sa paningin ko. Swerte ang babaeng magiging kaniya.
Mahigpit na nakakapit sa bewang ko ang kamay niya habang isa naman ay pangkuha niya ng pop corn. Hating gabi na ay nanonood pa rin kami.
"Thank you for staying with me tonight." He held my hand tightly. He smiled so sweet.
Binaling ko ang ulo ko sa kaniyang balikat.
"As long its okay, I'll stay with you. Mr, Spongebob."
"Thank you, Katrina," bulong niya.
He kissed my hands. I felt his warm lips.
Ang alam ko lang ngayon masaya kaming dalawa.
+++
BINABASA MO ANG
Chasing Katrina
RomanceKatrina Dela Vega, a woman who fell in love with a man who was part of her past. Her heart was completely captured by Caleb Montecarlos-but everything has changed when the day Katrina ran away from him. What will he do to win back the woman he lov...