Chapter Eight

104 4 0
                                    

Stars

"Stop crying, I'm here. H'wag ka ng umiyak nalulungkot ako." Tumabi sa sa'kin habang hinahaplos ang likuran ko.

"Everything will be alright,"sabi pa niya. Ramdam ko ang pakikiramay niya.

Hindi ko matanggap na wala na si Mama at Papa, hindi ko kayang isipin na nilapastangan sila ng walang awa.

Ilang linggo na mula nang maihatid sa huling hantungan si Papa at Mama. Hanggang ngayon ay nanunuot pa rin sa akin ang sakit. Hindi ko lang lubos maisip na kayang gawin ng tao ang ginawa sa kanila.

Natagpuan silang walang buhay sa loob ng sarili namin pamamahay. They were victim of massacre.

"I am here, from now on I won't let anyone will hurt you." Niyakap niya ako ng mahigpit.

Pakiramdam mo ligtas ako kapag kasama ko siya. Sinagot ko ang mga yakap niya.

Napatigil ako sa pagbalik tanaw ng magsalita siya mula sa tabi ko. Binaling ko ang tingin ko sa kaniya.

"Are you alright? Malapit na tayo 'wag ka ng mainip."

Tumango-tango lang ako at ngumiti ng maluwag sa kaniya. Ilang sandali pa tumigil na ang sasakyan namin hudyat na nasa may pupuntahan na kami.

Halos mapaawang ang mga labi ko sa nakikita kong magandang tanawin. Mga naglalakihang puno ang nakapaligid mga magagandang bulaklak na nakapaligid. Puno ng sari-saring klase ng bulaklak ang nakapaligid. Ang ganda tignan ng paligid napakakulay.

"We're here in Secret Forest Park," pahayag niya.

"Ang ganda ng lugar na 'to!" namamangha kong sagot.

Inaya niya akong pumasok sa loob ng parke. Nasa labas palang ay napakaganda na paano pa kaya sa loob.

Hindi naman masyadong matao kaya sakto ang pagpunta namin dito. Pagpasok ko pa lang ay talagang namangha na ako. Dahil sa mga punong nakapaligid na mga puno ay hindi ka gaanong natatamaan ng sikat ng araw. Presko ang hangin dito, malamig din ang simoy ng hangin.

"Do you like it?" tanong niya. Tumango lang ako.

"Here." Abot niya sa akin ng milk tea.

Masyado siyang matangkad kung ikukumpara sa akin siguro ay nasa mga 5'11 siya samantalang ako ay 5'2 lang. Inabot niya sa akin ang milk tea.

Nilibot pa namin ang iilang parte ng forest dahil sa sobrang laki ay napagpasiyahan namin na tumigil muna sa isang gilid kung saan tanaw na tanaw mo ang malalaking bundok na kulay berde.

Nakakarelax tignan ang paligid. Sumisimsim ako sa milk tea habang nagmamasid ang sa paligid. Ang ibon na malayang lumilipad sa kulay asul na kalangitan.

Hindi ko tuloy mapigilan  na maikumpara ang sarili ko sa ibon. Mabuti pa ang ibon malaya habang ako nakakulong pa rin sa madilim kong nakaraan.

Mapait akong ngumiti sa kawalan. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong inakbayan. Kinuha niya ang iniinom kong milktea.

Nakaawang ang bibig ko habang pinapanood ko siyang nilalagok ang ininuman ko nang milktea.

What the hell inirect kiss.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"May problema?" inosente niyang tanong.

Chasing KatrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon