Chapter Seven

96 6 1
                                    

Cuddle

Nagising ako nakatabi ko si Caleb. Naririnig ko ang munti niyang hilik. Lunes ngayon at parehas kaming hindi nakapasok. Baka mag undertime nalang ako mamaya.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin. Gulo gulo ang kaniyang makapal na buhok pero kahit ganoon ay 'di pa rin nababawasan ang kaniyang kagwapuhan.

Bumangon ako at sumilip sa terrace niya. Tinatanaw ko ang mga ulap na ang gaganda sa sobrang kulay puti. Huminga ako ng malalamim, dinadama ko ang masarap na simoy ng hangin na nagmumula sa terrace.

Nagulat nalang ako may yumakap sa akin mula sa likod.

"Good morning!" bati niya sa akin kahit basag pa ang boses niya.

Ngumiti ako sa kawalan. Ang saya ko, basta masaya ako.

"Hindi ka ba papasok sa trabaho?" tanong ko.

"Hmmm eh, ikaw?"

"Baka mag-undertime nalang ako," sagot ko habang nanatili pa rin kami sa posisyon namin.

"H'wag nalang tayo pumasok. I want to stay here, to stay here with you," bulong niya sa tenga ko.

Masyado naman 'atang maaga, siniko ko siya sa tagiliran. Inalis ko rin ang pagkakayap niya sa akin.

"Ako Caleb, tigilan mo ako."

"Hindi kita titigilan. Kukulitin kita pero 'wag kang magsasawa sa'kin, ha."

Imbes na sagutin ko siya umiwas ako ng tingin. Nakailang lunok din ako bago ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Nakakita ko ang pagbabago ng hitsura niya na para bang nagkatataka.

"Ah, e-h, kape? Gusto mo?" pag-iiba ko ng usapan.

Hindi siya sumagot, nagkibit balikat lang siya at muling sumalampak sa kama. Napailing nalang ako. Nagtatampo na naman ako.

Walang gana akong sumunod sa kaniya. Umupo ako sa gilid ng kama malapit sa kaniya. Nakadapa siya, nakatakip ng unan.

Dahan-dahan kong inalis ang unan pero mas lalo niya pang hinigpitan.

"You may leave now!" Utos niya.

"No, I won't!" Laban ko.

Tinanggal niya ang pagkakatakip ng unan sa mukha niya. Bumagon siya ng kaunti at hinarap ako.

"Hindi ba't iiwan mo rin ako? You may leave now!" nagtatampo niyang pananalita.

"Heto naman, matagal pa 'yon saka 'wag mo nang isipin 'yan. 'Di ba nangako tayo sa isa't-isa hangga't wala ka pang girlfriend ay mananatili akong nasa tabi mo." Pinisili ko ang ilong niya.

"Eh, kung paano kung ikaw ang umalis?" 

"'Yan ay kung may papalit na sa akin."

"Ikaw lang." Saka niya hinigit ang bewang ko papalapit sa kaniya.

Nakalingkis ang kaniyang mga braso sa aking tiyan para bang ayaw na niya akong pagalawin pa. Habang ang mga ulo niya ay nasa sandal sa leeg ko.

"I'll listen to your heartbeat."

"Hindi ikaw ang tinitibok niyan," sabi ko pa.

"Hmmmp, tsk!" Rinig ko sabi niya.

Sanay na kami sa ganito pero ngayon lang ulit ito nangyari na makasama ko siya. Parehas kami na abala sa kaniya kaniya naming negosyo.

I caressed his soft hair— his long hair has a sweet scent. I love to smell his hair.

"I miss this," bulong niya. Tinignan ko siya pikit ang kaniyang mata habang hinahaplos ko ang buhok niya.

Ayoko magkaroon ng malalim na pagtingin kay Caleb kasi natatakot ka na baka isang araw dumating ang oras na iwan namin ang isa't-isa. Masasaktan lang ako at siya, Kami.

Kaya't hanggang maari nasa tabi lang niya ako para umalalay. Pinanghahawakan lang namin ang pangako namin na aalagan namin ang isa't- isa hanggang sa mahanap na namin ang para sa amin.

Alam ko naman na hindi niya ako tipo at malayong matipuhan ko siya. Dahil ba naman sa mga magagandang babae na mas lamang sa akin na naikakama niya araw-araw.

Wala pa sa isip ko ang makipag-settle. Marami pa akong dapat gawin sa buhay lalo na ang makamit ko ang hustisya para mga magulang ko.

Simula nang mawalan ako ng magulang si Caleb na ang nakasama ko ganoon din siya. Ako ang nakasama niya mula nang umalis ang mga magulang niya papuntang ibang bansa.

Kaya mas kinailangan namin na magtulungan at maging mas matibay. Our friendship are strong because of time and conflict that we had.

Kaya masasabi kong mahirap para sa amin ang maghiwalay dahil hindi lang basta-basta ang pinagsamahan namin. Hanggang ngayon ay mas pinagtitibay pa namin.

Narinig ko ang mga munti niyang hilik. Muli na naman siyang nakatulog. Dahan-dahan ko siyang inalapag para hindi ko na maabala ang pagtulog niya.

Lumabas ako ng kusina para ipaghanda ko siya ng umagahan. Naalala ko pa nga noong mga bata pa kami. Madalas din siyang sa bahay kung mag-umagahan kulang nalang ay dalhin niya ang gamit niya sa bahay para tumira.

Pero natututo na siyang mag-isa kaya heto mag-isa sa siya sa condo unit. Paminsan-minsan ay binibisita ko siya.

Nang matapos ko na ang paluluto. Narinig ko ang yabag niya hudyat na gising na siya. Hindi ko na ibalang tignan pa siya dahil abala ako sa paglalagay ng kubyertos sa mesa.

Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Nakakagutom. Dito ka nalang kaya tumira?" sabi niya.

"Hindi p'wede. Maaga akong tatanda kapag ikaw ang kasama ko. Nakakaputi ka ng buhok."

"Ganoon din naman ang mang-yayari sa atin. Magkasama tayong tatanda." Bawi pa niya.

"Ewan ko sa'yo Caleb, ito mag-umagahan ka na pagtapos mo aalis na ako."

"Hindi ka na papasok. Pina-cancelled ko na lahat ng meetings and appointments mo kay Fonda," kumpiyansa niyang sabi.

What the hell are them? Sinasagad nila ako at talagang partner in crime sila pagdating sa pangbu-bwisit sa akin.

"All we have to do is stay to together. It's been a week noong huli kang pumunta dito. Na-miss kaya kita. Hindi mo ba halata?"

Nang matapos kaming kumain dumiretso naman ako sa banyo habang siya nanonood ng basketball sa sala. Mabuti nalang at may iilang damit ako sa unit niya.

Mabilis ako naligo. Sinuot ko ang kulay abo na v-neck na t-shirt hapit na hapit sa akin kaya litaw na litaw ang hubog ng katawan ko. Pinaibabaw ko ang kwintas ko.

Ngumiti ako sa harap ng salamin habang hawak-hawak ang ko ang kwintas. Maganda palang tignan kapag suot ko ito.

Lumabas ako ng banyo at nagulat ako ng nakita ko naka-ayos siya ng damit. Nakasuot siya ng puting t-shirt naka-tokong na short.

"Mas lalo kang gumaganda kapag suot mo 'yang kwintas. Don't you ever do that again ha, kung ayaw mong magalit ako sa'yo," naglalambing niyang tono.

"Saan ka pupunta? Bakit parang aalis ka?

"We are going to place that only have you and I."


+++

Chasing KatrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon