Chapter Twelve

116 5 1
                                    

Kiss in the rain

"Katrina!"

I looked back to know who is it. I saw him standing while his arms are crossed. 

My heart beat fast.

Ang kaniyang makapal na kilay salubong. Humakbang siya papalapit sa pwesto namin habang ganoon pa rin ang kaniyang ekspresyon.

"Who is he?" matigas niya sabi pero ramdam ko ang malamig niyang pagkakabigkas.

Akma sana akong tatayo para magsalita nang biglang tumayo si Lian lukot din ang kaniyang ekspresyon na para bang hindi niya gusto ang tabas ng pananalita ni Caleb.

"Lian, dude, I am under of her property and you, who are you?" maangas na tono niya. 

"What!? Property? What does he mean?" balik na tanong sa akin ni Caleb.

Magsasalita na sana ako ng muli akong napatigil nang magsalita si Lian.

"Sino ka ba? Ang lakas mong umasta ng ganiyan?" naiiritang sabi ni Lian. Kunot na rin ang kaniyang mga noo.

Ano ba itong mga ito! Dito pa gumagawa ng iskandalo. Nakuha na namin lahat ng atensiyon ng mga tao na nasa loob. Napawak nalang ako sa ulo ko.

Sarkastikong natatawa si Caleb habang umiiling-iling. My goodness, Katrina! Gumawa ka ng paraan.

"Shut your mouth, you don't know me well." Simple lang pero nag-aapoy ang mga salita ni Caleb.

"Wait Caleb, he is my new model for my new project, please don't act like that," inis ko sabi.

"Then, what project?" balik nito.

Hindi na ako sumagot pa dahil hahaba lang ito.

"Uhm, Lian, pasensiya ka na pero mauuna na kami." Pagpapaalam ko. Ngiti lang ang sinagot niya sa akin.

Hinawakan ko siya sa braso at hinatak papalabas ng shop. Sa una ay nagmamatigas pa siya pero buong pwersa ko siyang nilabas doon. Hiyang-hiya na ako sa pinag-gagawa, Napaka-iskandaloso.

"Who is he? And what are you talking about new project?" singhal niya sa akin.

"Wala ka na doon Caleb, that's my business," inis ko sabi sa kaniya.

Ang dating ekspresyon niya na nang-gagalaiti ay biglang naging malambot at nanlamig.

"Okay, fine." Pagsuko niya. Bigla naman may kung anong naramdaman ang puso ko.

Mukhang nasaktan ko yata siya sa sinabi ko. Paano naman kasi, lahat nalang kahit kay Truck why is he so possessive?

"Okay, I'm sorry," mahina kong sabi.

"Get in that car, I'll drive you home,"  walang emosyon niya sabi.

"No, I'm okay, mauna na ako," sabi ko pa. Magsisimula na sana akong humakbang nang biglang kumulog ng napakalakas dahilan ng mapasigaw ako.

"I said get in the car." Malaki ang boses niya pero hindi ako nagpatinag.

Sinimulan ko na ang paglalakad, magmamaneho nalang ako pauwi tutal naman ay wala ng trapik ng ganito oras. Habang naglalakad ako pasimple ako sumisipat sa likuran para tignan siya pero sa tingin ko ay wala na siya. Wala naman na rin ang sasakyan niya.

Hindi ganoon karami ang tao sa daan dahil tapos naman na ang rush hour kaya wala na rin trapik. Binibilisan ko na ang paglakad nang makaramdam ako ng iilang patak ng ambon kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad. Medyo malapit na rin naman ako sa building kung saan ang opisina ko.

Nakngtokwa! Minamalas nga naman! Ilang saglit pa ay sunod-sunod na bumabagsak ang malalaking patak ng ulan. What the hell! Mas binilisan ko ang paglakad ko halos lakad takbo na ang ginagawa ko. Wala rin akong masilungan dahil wala man lang waiting shed. Impit na napapamura na lang ako.

Huli na nang makakita ako ng masisilungan dahil basang basa na ako ng ulan. Mabuti nalang naka-plastic envelope ang contract na dala ko. Nanginginig ako sa lamig lalo na kapag umiihip ang malakas na hangin para akong naliligo sa yelo.

Narinig ako ang busina ng sasakyan. Nilingon ko kung sino iyon at oo siya na naman. Bakit sa tuwing kasama ko siya o 'di kaya si Fonda nagkakanda-kanda malas ako.

Binalik ko ang tuon ko sa daan at patuloy na naglalakad. Simple ako sumisipat at nakita ko ang pagsunod ng sasakyan niya. Mayamaya pa ay sumasabay na ang sasakyan niya sa paglalakad ko.

"Hard headed, I told you to get in my car," sabi niya mula sa loob ng sasakyan bukas ang bintana ng passenger seat.

Hindi ko siya iniimik. Yakap-yakap ko ang sarili ko habang naglalakad. Lumingon ako sa gilid ko wala ang kaniyang sasakyan. Mabuti na lang at wala na siya.

Natatanaw ko na ang sasakyan ko na nakaparada sa tapat ng building. Nagulat ako nang may humigit sa aking braso mula sa likod ko dahilan ng mapaharap ako.

It's him Caleb, walang emosyon siyang nakatingin sa akin. Ang mga titig niyang nakakatakot. Walang sabi niya akong siniil ng halik.

Bigla ako nanigas sa kintatayuan ko. Wala akong maramdaman. Ang dating nilalamig kong katawan napalitan ng init.

Ramdam ko ang init ng kaniyang mga labi. Mas hinigit niya pa ako para mas maging malalim ang halik na binibigay niya sa akin.

Hindi ako magalaw, nanlalambot ako, gusto ko siyang itulak papalayo sa akin pero wala akong lakas. Nakakulong ako sa mala-bato niyang mga bisig.

Kasabay noon ay malakas na pagbuhos ng ulan. Para bang balewala ang lamig na bumubuhos sa amin. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko lumulundag ang puso ko. Tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko.

Pinutol niya ang paghalik niya sa akin atsaka bumulong, "That's your punishment for being a stubborn."

Nanghihina ako dahilan na mapahawak ako sa batok niya. Nakita ko ang pilyo niyang pagngisi niya. Muli niya ako hinalikan pero dampi lang. Sinamaan ko siya ng tingin at pinilit kong makatayo.

"Bakit mo ginawa 'yon?" mahina kong sabi.

"No further question," sabi niya.

Aba! Ano siya sinuswerte? Libreng halik? Hindi 'ata pu-pwede 'yon. Agad ko siyang siniko sa tagiliran at tinapakan ng madiin ang kaniyang paa. Akma na sana akong lalayo nang muli niya akong hinigit sa kaniya.

Kinulong niya ako sa mga bisig niya. Mahigpit niya ako niyakap at tila pa ayaw na niya akong makawalan pa. Dinig ko ang bawal pintig ng kaniyang puso.

"Stay here, pakinggan mo ang sinisigaw niyan." Nanatiling yakap-yakap niya ako.

"Bakit kailangan ko pang pakinggan?" mataray kong sabi. Dahil doon ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko. Bakit ganito? Napapakalma niya ako.

"May sinisigaw 'yan, ang pangalan mo."

"Hindi ako ang sinisigaw niyan at kahit kailan hinding hindi ako ang magiging tinitibok niyan."



Masakit pero 'yon ang alam kong totoo.

+++

Chasing KatrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon