Bastard
"Ano ba? Umuwi ka na nga!" bulyaw kong sabi sa kaniya.
"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi kong bakit ka nagkakaganiyan."
"Caleb, I'm tired could you please stop?" naiinis kong sabi.
Bumagsak ang mga balikat niya at hinalapos niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad.
"Okay, I'll stop just let me stay here." Pagsuko niya. Umiling nalang ako at huminga nang malalim.
Pumasok ako sa kwarto. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Mas lalo tuloy akong inantok. Inilapat ko ang likod ko sa malambot na kama.
Bahala siya. Naiinis pa rin ako sa kaniya. Ewan ko ba't nanggagalaiti ako sa kaniya. Napatawa nalang ako. Bakit nga ba ako nagkakaganito? 'Di naman ako nagseselos naasar lang ako sa kaniya.
Hindi ako makapakali sa kama kanina pa ako paikot-ikot. Hindi ko alam kung bakit. Pagod ako pero 'di ako makatulog.
Bumangon ako at sinapo ko ang mukha ko. Bahagya kong pumilig-pilig. Ano ba ang nangyayari sa akin?
Bumaba ako ng kama para silipin siya. Dahan-dahan akong humakbang sinigurado kong hindi ako makagagawa ng ingay.
Pinihit ko ang seradura at nang buksan ko iyon ay nakita ko ang bulto na nakatayo sa harap ko.
Walang bahid ng ngiti ang kaniyang mga labi habang ang kaniyang kilay ay salubong. Nakahalukipkip siya at pretendeng nakaupo.
"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko. Pero hindi siya sumagot.
"Tabi dadaanan ako," pagdadahilan ko. Hindi siya nagpatinag. Hinarang niya ang matitipuno niyang braso sa dadaanan ko.
"At saan ka pupunta?" Ang boses niya ay may bahid pa ng tama ng alak.
"Bahay ko 'to wala kang pakialam kahit saan ako pumunta o kahit na magpagulong-gulong ako dito wala kang pake," inis ko sabi.
Bigla niyang inilapit ang kaniya mukha sa mukha ko. Binigyan niya ako ng titig na para bang nakikipag-away. Hindi rin ako nagpatinag lumaban ako sa titig niya.
"Feisty woman," bulong niya. Amoy ko ang amoy alak.
"Umuwi ka na nga Caleb, kung 'di—"
"Kung 'di ano? Iiwan mo 'ko?" tanong niya. Lutang na lutang ang mga mapupungay niyang mata dala ng kalasingan.
Aba! Siya pa itong may ganang maging ganito! Siya nga itong babaero at napakalandi. Eh, ano kung iwan ko siya? Ang tanong kaya ko ba?
"Masyado ka nang maingay Caleb, matulog ka na."
"Then make my mouth shut! Kiss me!" Seryoso niyang sabi ang mga titig niya ay na sa akin pa rin.
Halos maningkit ang mata ko sa sobrang inis. Gusto ko siyang paliguan ng kurot ng matauhan naman siya sa mga sinasabi niya.
Bahagya akong umatras at agad kong sinarado ang pinto. Napabugtong ng hininga na lang ako.
Pero hindi pa siya nadala. Nag-iingay siya sa labas at sunod-sunod ang pagkatok. Tinakpan ko ang tenga ko dahil naiirita na ako sa pag-iingay niya.
"Katrina! Open this fucking door!" he keep on calling my name. I ignored him.
Umalingaw-ngaw ang katahimikan sa pagtigil ng pagkatok niya. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi nagtagal naputol ang katahimikan dahilan na lalo akong nainis.
"If you won't open this fucking door. I'll force to open this and I assure that I will make your tummy lump," sigaw niya na halos parang gustong gusto na niyang pumasok.
BINABASA MO ANG
Chasing Katrina
RomanceKatrina Dela Vega, a woman who fell in love with a man who was part of her past. Her heart was completely captured by Caleb Montecarlos-but everything has changed when the day Katrina ran away from him. What will he do to win back the woman he lov...