Chapter Thirteen

121 6 0
                                    

Choose

Inilapat ko ang likuran ko sa malambot kong higaan. Hanggang ngayon hindi pa rin mabura sa isip ko ang nangyari kanina.

Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Unti-unting nagkakaroon ng awang sa pagitan naming dalawa. Dahan-dahang dumudulas ang kaniyang kamay sa aking likod. Tumitig ako sa mga mata niya hindi ko mabasa ang mga nasa mata niya. Lumamlam ang mga titig niya na para bang may gusto sabihin pero hindi ko mabasa ang mga sinasabi ng mga mata niya.  Nang tuluyang lumaki ang agwat namin sa isa't-isa, nakita ko ang pagkurba ng ngiti niya. Mapait na ngiti.

Napabalikwas ako sa aking kinauupan nang makarinig ako ng iilang katok. Agad ko naman binigyan ng permiso para pumasok. Napaawang ang mga labi ko nang makita ko kung sino iyon. It's Lian, he's so damn handsome.

Lalo na kapag nakangiti siya litaw na litaw ang kaniyang biloy sa pisngi. Maayos ang pagkakaayos sa kaniyang buhok. Matikas ang kaniyang pagtayo talagang lalaking ang datingan. He is perfectly fit for my project.

"Oh, you're here. Inaasikaso ko na ang mga materials na gagamitin para sa shoot mo. Thank you for dealing with me saka nga pala sorry kagabi dahil kay Caleb."

"No, okay lang 'yon pero bago pa ang lahat pwede ba kitang maimbitihan na kumain sa labas," sabi pa niya sa tono na nanghihingi ng permiso.

Ilang segundong natigil ako at iilang lunok pa bago ako tuluyang makapagsalita.

"Oo sige, walang problema mukha matagal pa naman ang preparation ng shoot mo," sabi ko.

Sabay kaming lumabas sa opisina, sinalubong kami ng mga kakaibang tingin ng mga nasa labas. Mga tao talaga kung ano-ano nang iniisip.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya ako. Mukhang mayaman siya ha, may sariling kotse. Hindi na ako umalma pa dahil ayaw ko naman sabihan na maarte.

Huminto kami sa isang restaurant. Maganda dito at mukha mamahalin base sa mga nakikita ko. Pumasok kami sa loob. Iginiya niya ako sa daan, malamig sa loob ng restaurant. Marahan kong hinihimas ang magkabila kong braso para maibsan ang lamig na nararamdaman ko.

Matapos na kaming pumili ng makakain. Siya na rin ang nagpumilit na magbayad kaya hinayaan ko nalang siya.

"Thank you for choosing me to do your project," pag-uumpisa niya.

I smiled.

"I think you are deserve for this project, saka 'wag ka sa'kin magpasalamat. Sa mga empleyado ko, ikaw magpasalamat dahil sila ang naghanap sa'yo," sabi ko pa.

Mahina lang siyang tumawa habang inayos niya ang iilang buhok na lumalagpas sa noo niya. Ano ito nagpapa-cute?

Mas lalo akong nilalamig kaya mas niyakap ko ang sarili ko habang patuloy na hinihimas ang magkabilaang braso ko para mabawasan ang lamig. Para akong nasa isang cooler, manipis lang suot kong damit hindi ko naman kasi alam na dadalhin niya ako sa isang malaking refrigerator na restaurant.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Tumayo siya at tinatanggal niya ang butones ng kaniyang suot na coat. Tinititigan ko siya. Anong ginagawa niya? Nang matapos niyang matanggal iyon ay inabot niya sa akin.

"Suotin mo 'yan. Nilalamig ka." Tinignan ko lang ang coat na inaabot niya sa akin. Nakakahiya naman kung kukunin ko. Kaya ko pa naman magtiis.

Umiling siya at muling binawi ang hawak niyang coat. Umalis siya sa pwesto niya, tinatahak niya ang daan papunta sa akin.

Pinatong niya sa balikat ko ang coat niya. Napangiti naman ako dahil kahit papaano ay naibsan ang lamig na nararamdaman ko. Tanging white longsleeve na lang ang suot niya. Muli siyang bumalik sa pagkaka-upo niya at kiming ngumiti.

Chasing KatrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon