Someone
"Ano ganap ma'am Katrina? Nakakaloka kayo ha, —halos dalawang araw kayong magkasama!" Ang aga-aga bunganga na naman ni Fonda ang naririnig ko.
Hindi ko nga alam kung sino na ang boss sa aming dalawa eh, kung ako pa ba o siya na.
Hindi ko pa rin mawaglit sa isip ang mga sinabi niya.
"For me? I would like to wish on a star, kung ano tayo ngayon, ganito nalang tayo at sana h'wag kang aalis sa tabi ko."
Paulit-ulit kong naaalala. Hindi ko maalis sa isip ko 'yung mga ngiti niya, tawa niya nang gabi na 'yon. Para kaming nasa ibabaw ng mga ulap habang mga halakhak lang ang naririnig namin.
Hindi ko alam ang ibig kong sabihin pero naging masaya ang nitong mga nakaraang araw pero hanggang maari hindi pwedeng magkaroon ng nararamdaman kay Caleb.
"Naku, ma'am Katrina, tinatanong kita kung anong nangyari pero pangiti-ngiti ka lang! Ano? Nagde-daydream ka?" panunuya niya. Inirapan ko lang siya.
"Alam mo samahan mo nalang ako lumabas, ako ang taya." Pag-iiba ko ng usapan.
Halos mamilog naman ang mata niya. Diyan siya sa magaling. Napailing nalang ako.
Hindi naman gaanong mabigat ang trabaho ko sa opisina. Maaga rin na tapos ang mga iilang meetings ko kaya maaga akong nag-out. Madilim na nang nakalabas ako ng building kasama ko si Fonda at talagang go na go sa pupuntahan namin.
Martes ngayon kaya hindi gaanong matao sa mall dahil weekdays. Gutom na rin ako kaya dumaan muna kami sa kainan.
"Saka nga pala Fonda, naihatid mo na ba ang business papers sa kabilang department? Kailangan nila 'yon ngayon."
"Oo, ako pa ba? Gutom na ako. Saan pa ba tayo kakain? Ikaw ang taya ha, walang bawian. Wala pa ang sahod ko," mabilis na sabi niya. Ewan ko sa babaeng 'to 'di ko alam kung saan niya dinadala ang pera niya.
Pumasok kami sa isang kainan. Kanina pa rin ako nagugutom eh. Hinayaan ko na si Fonda ang um-order ng pagkain. Umupo nalang ako para hinatayin siya.
Pinagmamasdan ko ang paligid ng kainan nang tumama ang tingin ko sa pamilyar na hitsura. Halos tumalon ang puso ko nang makita ko kung sino iyon. Nakita ko siya, oo, siya si Caleb nakangiti at mukhang masaya pero hindi lang siya mag-isa may kasama siya. Isang babaeng mukhang may lahi dahil sa kulay ng balat niya na maputi at kulay mais nitong buhok.
Nakikita mula sa pagkakaupo ko habang sila ay nasa labas. Nakalingkis ang braso babae sa braso ni Caleb. Boom! One point! May maboboom boom na naman siya.
Pero bakit iba ang nararamdaman ko? Parang naiinis ako dapat na hindi naman. Napailing ako habang kiming nakangiti. Nakngtokwa!
I shouldn't feel this way. Nagbago bigla ang timpla ko sa nasaksihan ko. Wala naman akong karapatang mainis. That's his life. Wala naman akong magagawa kung 'di suportahan ang gusto niya. Tama nga baka hanggang alalay lang namin ang isa't-isa.
"Hoy! Mars! Ano? Bakit parang pang-biyernes santo 'yang 'itsura mo?"
Umiling ako at ngumiti na nagsasabing okay lang ako.
"Teka, si Fafa Caleb ba 'yon? May kasamang anak ng araw?" tanong niya.
Umakto na parang hindi ko sila nakita. Nilinga-linga ko para hanapin sila.
"Ah, may bago na naman siyang babae. Wala na bang bago?" sarkastik kong tanong.
"Alam ko na! Kung bakit pang mahal na araw ang mukha mo. Na-hurt ka 'no?" pang-iintriga niya.
"Why would I?" kaswal kong sagot.
Nagitla ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman ba sinagot.
"Good evening ma'am Katrina, gusto ko lang ipaalam na natatabunan ang kaso kailangan natin gumawa ng kaunting hakbang."
"Ganoon ba? Magkita tayo ngayon." Pagkasabi ko ay agad ko binababa ang tawag.
Mabuti nalang at patapos na kami kumain. Tinapos namin ang pagkain at nagmamadali kaming tinatahak ang daan palabas ng restaurant.
"Ay! Kabayo!" Nabigla ako nang may nabangga akong tao.
Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko. Halos mapamura ako kung sino 'yon. It's him.
"Katrina?" gulat niyang bulaslas.
Bahagya siyang lumayo sa babaeng katabi niya. Nakaawang kaniyang mga labi para bang gulat na gulat.
"My friend, Katrina. She is Martha. Martha, Katrina." Pagpapakilala niya.
"We have to go!" pagpapaalam ko.
Mabilis namin na narating ang parking lot. Sumakay ako agad hingal na hingal kong pina-start ang sasakyan.
"Ano ka ba? Nagseselos ka pati ako nadadamay kanina pa kita hinahabol, hiningal tuloy ako sa'yo." pagrereklamo niya.
"I don't care. I just want to see my lawyer, we need to talk," sabi ko pa.
Mabilis namin narating ang lugar kung saan kami magtatagpo ng aking abogado.
Kanina pa tumutunog ang cellphone ko dahil sa sunod-sunod na tawag ni Caleb. Wala ako sa mood makipag-usap. Hindi ko alam kung bakit nanggagalaiti ako. Naiinis ako dala siguro ng pagod.
"Magandang gabi Ms. Katrina, may napag-alaman ako tungkol sa krimen na nangyari sa magulang mo. Ang ugat nito ay maaring sa negosyo."
"Gawan n'yo ng paraan para malaman kung ano ba talaga ang nasa likod ng nangyari," sabi ko.
Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Sino ba ang hayop na gumawa sa magulang ko noon.
Pinigil ko ang luha nagbabadyang papatak. Ngumiti ako. Kaya ko 'to, makakamit ko rin ang hustisiya.
Gabi na nang matapos ang pag-uusap namin ni Mr. Cruz at umuwi din ako dahil gusto ng magpahinga sa sobrang pagod.
Minamaneho ko ang sasakyan ko nang makita ko ang sasakyan ni Caleb na nakaparada sa harap ng bahay ko. Malapit lang naman ang exclusive subdivision ko sa opisina ko. Mas pinili kong bumili ng bagong bahay at ibinenta ang dati naming bahay na kung saan nangyari ang malagim nakaranasan sa buhay ko.
Dali-dali akong bumaba ng kotse. I saw him standing outside my house. Is he drunk? Mapupula at mapupungay ang kaniyang mga mata.
"Saan ka galing?" tanong niya.
"Diyan lang," tipid kong sagot.
"Saang diyan lang gabi na oh, kanina ka pa daw nag-out," sabi pa niya.
"Pagod ako Caleb, gusto kong ng magpahinga," I said with cold voice.
"May problema?"
"Wala eh, ikaw may problema?bakit ka nag-inom?" matapang kong tanong.
"Tinatawagan kita bakit 'di mo sinasagot."
Tinitigan ko siya at ganoon din siya. Para bang nagsusuntukan kami gamit ang mga titig namin.
"Bakit ba ang dami mong tanong?" naiinis kong tanong.
"Are you jealous?" matigas niyang sabi habang kunot ang noo niya.
Makapal din pala ang apog nito. Inikot ko ang mga mata ko bago ko siya sinagot.
"Why would I? May karapatan ba ako?"
"Aha! 'coz you saw me with someone else that why you're acting like that?"
"Umuwi ka na!"
"Hindi ako aalis dito hangga't 'di mo 'ko kinakausap ng matino," matapang niyang sabi.
Namumula ang kaniyang mga mata ganoon din ang kaniyang pisngi indikasyon na nakainom nga siya. Amoy ko rin ang amoy alak sa kaniya.
Akma akong papasok sa gate nang bigla niya akong hinarangan.
"Dito ako matutulog." Sabi pa niya saka ako iniwan dahil nauna siyang pumasok sa loob ng bahay.
He is so fucking crazy!
+++
BINABASA MO ANG
Chasing Katrina
RomanceKatrina Dela Vega, a woman who fell in love with a man who was part of her past. Her heart was completely captured by Caleb Montecarlos-but everything has changed when the day Katrina ran away from him. What will he do to win back the woman he lov...