Chapter Eleven

98 4 0
                                    

New Project

Mahigpit na hinawakan ni Caleb ang pulupusuhan ko habang lakad takbo ang ginagawa namin marating lang ang parking lot.

"Ano bang problema?" inis kong initsa ang pagkakahawak niya sa pulupulsuhan ko.

"Please, stay away from him!" singhal niya sa akin.

"Hindi kita maintindihan." Balik ko.

"He's a fucking harmful bastard. Lumalayo ka sa kaniya." Halos makita ko na ang ugat sa kaniyang leeg dahil sa mataas na boses niya.

Naguguluhan ako, sumasakit ang ulo. I combed my hair irritatedly. I took a deep breath. Sunod-sunod kong pinilig ang ulo ko.

Nagitla ako nang bigla niyang hawakan ang pulupulsuhan at buong pwersa niya ako dinala at initsa sa niya ako sa loob ng kaniyang sasakyan.

"Don't you dare to make move, stay here!" Nagngangalit ang kanyang mga mata— kitang kita ko sa ekspresyon niya.

Ano ba ang problema niya? Hindi ba siya masaya na makita niya ang isa sa mga kamag-anak niya?

Marahas siyang pumasok sa loob ng sasakyan niya at dali-daling pinaandar. Halos liparin namin ang daan papunta sa aking opisina. Para bang takot na takot sa taong nakita niya.

Ilang beses kong naririnig ang mga impit niyang mura at iilang paghampas sa manibela.

"You don't know him well," matigas niyang sabi.

Tumigil ang sinasakyan namin sa tabi. Tuwid pa rin ang mga tingin niya. Hindi ko alam kung ano ba ang kinagagalit niya.

"He is Montercarlos," diretso kong sabi.

"Bastardo ng ama ko," lumambot ang boses niya.

"Ha? Hindi kita maintindihan. Hindi ba't ikaw lang ang nag-iisang anak ng Montecarlos?" naguguluhan kong sabi.

"Please, I don't wanna talk about it anymore and please, please stay away from him," malamig niyang sabi. Pagtapos noon ay mabilis niya pinatakbo ang sasakyan.

Hinatid lang ako ni Caleb sa tapat ng opisina. Ramdam ko ang pagbabago ng timpla niya. Pinagtataka ko lang kung paano niya nalaman na may meeting ako.

Pagod akong umupo sa swivel chair at marahan kong ginagalaw para maibsan ang tensiyon kong nararamdaman. Hilot-hilot ko ang sintido ko habang prenteng nakaupo nang may bigla pumasok sa loob ng opisina ko.

It's Caleb's secretary. He looks decent because of his attire. He smilled.

"Hindi ba uso kumatok sa inyo? Manang-manang ka talaga sa amo mo!" sabi ko pa. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"Nakakatawa 'yon? Siraulo!" pabiro kong dagdag. Kimi siyang ngumiti, walanjo! Cute naman 'tong lalaki 'to.

Sumandal ako sa upuan at umayos ng pagkakaupo. Nananatili pa rin siyang nakatayo sa may tapat ng pinto habang nakasuksuk ang mga kamay niya sa magkabilaang bulsa niya. Ano pati siya nahawa na sa kabaliwan ni Caleb?

"Hoy! Rico pagbubuhulin ko kayo ng amo mo! Ano bang ginagawa mo dito?"

Tanging ngisi lang ang sagot niya at nananatiling nakatayo. Nakarinig ako ng iilang tunog na naglalakad na nakatakong. Alam ko na kung sino iyon. Bumukas ang pinto at iniluwa si Fonda at nakita ko ang bahagyang pag-awang ng kaniyang labi.

Nakita ko rin ang paglaki ng mata niya. Tila parang sinesenyasan niya si Rico.

"Aha! Don't tell me Fonda!" Bigla akong napatayo. May kung anong may nag 'ting' na sumagi sa isip ko.

Chasing KatrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon