Wet
"Ano Trina? Nawalan ka lang ng bracelet napalitan na agad ng kwintas at mukhang mamahalin talaga," sabi ni Manang Felisa. Kinakapa ko naman ang kwintas na nasa leeg ko. May pendant itong hugis puso.
"Hindi naman manang Felisa, nakita niyo na ba ang bracelet?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Oo, naiwan mo sa banyo. Sa susunod ngang bata ka mag-ingat ka. Mabuti na lang at dito mo sa bahay naiwan." Pagsesermon niya.
"Opo, manang," nakangiti ko sang-ayon."
Buhay pa sila Mama at Papa si manang Felisa na ang kasambahay namin dito. Siya na rin ang tumayong ina sa akin. Marami rin naiturong bagay sa akin si Manang Felisa tungkol sa buhay.
"Oh, mag-umagahan ka na, para pwede ka na ulit magpahinga."
Abala si Manang sa paghahanda ng umagahan. Ako at siya lang naman ang tao rito sa bahay, nasanay na akong kasabay siyang kumain.
Wala naman akong pasok ngayon kaya makakapagpahinga ako nang maayos. Sabay kaming kumain ni Manang Felisa, puno ng kwentuhan habang sabay kaming kumakain.
Nang matapos kaming kumain agad din ako bumalik na ako sa kwarto at naiwan si Manang para asikasuhin ang gawaing bahay.
Muli akong humiga sa kama ko habang hawak ko ang cellphone ko. Nagtitingin ako ng mga messages sa inbox ko at nakita ko ang unread message mula kay Caleb.
I opened it.
Good morning
Pwede ka ba mamaya? Labas naman tayo.
I miss you.
Hindi ko na siya ni-replyan pa. Bahala siya! Gusto kong magpahinga. Hindi ba siya napapagod weekends na nga lang ang pahinga namin.
Kinapa ko ang suot kong kwintas. Why he's doing this to me? Ano bang meron? Malaya kong kinakapa ang kwintas hanggang sa makapa ko ang pendant na hugis puso. Simple lang ang disenyo pero ang ganda at talagang mamahalin.
I found myself smiling, oh! What the hell. Itigil ko ang kahibangan mo Katrina, huwag kang magpadala kay Caleb.
Pinilig ko ang ulo ko nang matigil ko ang kahibangan ko. Masaya naman ako na kasama ko siya, masaya ako sa set-up namin. Nasanay naman na ako sa mga 'the moves' ni Caleb, talagang babaero.
Alam ko naman lahat ng ginagawa niya ay wala lang 'yon dahil mula nang makilala ko siya ay ganoon na siya. Hindi ako ang tipo ng babae ni Caleb. Mataas ang standard noon sa babae. Sa pagkakakilala ko sa kaniya. He is womanizer slash deverginizer halos araw-araw may kinakama, daig pa ang sundalo araw-araw sumasabak sa gera at gabi-gabing may napapatumbang bataan.
Nakilala ko siya noong ay nasa grade school pa ako. Naging kapit-bahay ko siya. Sabay kaming lumaki kaya alam ko ang hilatsa ng bituka niya. Ang mga magulang niya at magulang ko ay magkakilala kaya mas naging mas malapit kami sa isa't-isa, dati rin na mag kasyoso sa negosyo ang magulang namin.
Sadyang maloko ang tadhana hanggang sa naging classmate ko siya sa college, siya nalang ang naiwan sa bahay nila dahil may kailangan daw ayusin ang pamilya niya sa ibang bansa. Mula noon mas lumalala siya mas naging wild.
Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto ko. Dali dali akong bumangon para pagbuksan ng pinto. Nakita ko si Manang na nasa harap ko.
"May mga bisita ka," pahayag niya ni Manang.
Agad naman na kumunot ang noo ko. Bisita? Wala naman 'ata akong natatandaan na may inanyayahan ako.
BINABASA MO ANG
Chasing Katrina
RomanceKatrina Dela Vega, a woman who fell in love with a man who was part of her past. Her heart was completely captured by Caleb Montecarlos-but everything has changed when the day Katrina ran away from him. What will he do to win back the woman he lov...