Nasa gym silang magkaibigan at nanonood ng pageant na isa sa mga highlight ng foundation day celebration ng university nila nang biglang may umupo sa tabi ni Shayne.
"Hi baby", bati sa kaniya ng ngiting-ngiting si Jaime nang lingunin niya ito.
Ganun na lamang ang pintig ng puso ni Shayne nang makita ang lalaki. Hindi niya alam ang gagawin at sasabihin kaya nanahimik na lang siya at hinayaan na lang itong maupo sa tabi niya.
Napakalapit nito sa kaniya kaya naman ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Amoy na amoy din niya ang perfume nito and his natural clean smell na nagdudulot sa kaniya ng kakaibang pakiramdam. Napakalakas talaga ng epekto nito sa kaniya sa tuwing nakikita niya ito, lalo na ngayong malapit ito sa kaniya. Hindi siya mapakali sa kaniyang pagkakaupo at nawala na ang atensiyon niya sa pinapanood dahil masyado na siyang aware sa kaniyang katabi.
"Who do you think will win as the new Mr. and Miss University?" untag nito upang marahil ay magsimula ng usapan. Marahil ay napansin nito ang pananahimik niya at hindi pagpansin dito. Hindi siya sumagot sa tanong nito at itinutok na lang ang tingin sa harapan. Ang katabi niyang si Janeza ay patingin-tingin sa kanila.
"Hey, I'm sorry about what happened the other day. It was rude on my part to say those things and really out of line. I' m really really sorry".
Nagulat si Shayne sa paghingi nito ng paumanhin kaya nilingon niya ito. Noon niya nakitang titig na titig ito sa kaniya at mababakas sa mga mata nito ang sincerity sa paghingi ng tawad. This is a first, base sa pagkakakilala niya rito ay napakataas ng tingin nito sa sarili kaya nakakagulat ang paghingi nito ngayon ng paumanhin. Nagkibit-balikat na lamang siya at sinagot ito.
"Forget it"
"Thank you, I'm Jaime by the way, Jaime Lemuel Buenavista" pakilala nito sa sarili sabay lahad ng kamay nito.
"Shayne " tipid na sagot sagot niya at inabot ang kamay dito, tanda ng kagandahang-asal.
"Shanaia Jane Aurello. Ang prinsesa ng mga Aurello " anitong pinisil ang palad niya at iniangat sa mga labi upang halikan.
Namumula ang pisnging agad na binawi ni Shayne ang kamay mula rito. Nagtatakang napatingin siya rito kung paano nito nalaman ang buo niyang pangalan ngunit ngumiti lang ito sa kaniya ng makahulugan sabay kindat. Naiilang na ibinaling na lamang niya sa harap ang tingin.
Shayne tried her best na mag-concentrate sa pinapanood at sinikap na huwag pansinin ang lalaking katabi na hindi naman na umimik pa. Ilang saglit pa ay tumayo na ito upang umalis ngunit bago tuluyang tumayo ay bumulong muna ito sa kaniya.
"It was nice to have finally meet you Shayne. I'll see you again, and baby, next time just don't let anyone sit beside you for your own good" anito bago ito dere-deretsong umalis.
Gusto niyang mainis dito pero hindi niya magawa, dahil ang tanging tumimo sa puso niya ay ang endearment na itinawag nito sa kaniya. Napakabilis ng tibok ng puso niya at hindi niya maiwasang kiligin. Sa totoo lang matindi talaga ang pagkakagusto niya sa binata, but she knew very well that she is way of out of his league. Hindi niya kayang makipagsabayan sa mga babaeng nakakasalumuha at nakakarelasyon nito. Those women he's been with are sophisticated and liberated, hindi katulad niya na masyadong sheltered. Maliban pa sa katotohanang napakayaman ng pamilya Buenavista. May-kaya din naman ang pamilya niya, may mga pag-aari silang gasolinahan na nagkalat sa buong bansa.
"Natulala ka na diyan Shayne, ano ang ginawa sa iyo ng lalaking iyon?", tanong ng kaibigan. Nahihiyang nilingon ito ni Shayne at umiling.
"Wala naman, ang sabi lang niya sa akin ay huwag ko daw payagan na may lalaking basta na lang umupo sa tabi ko next time"
BINABASA MO ANG
LOVE ME AGAIN
RomansaWith love comes trust....but what if that trust has been betrayed......will you be able to forgive and forget? Shayne fell in love and gave her all to the man she thought will love her forever, but was left broken in return. Not just her heart but a...