Isang linggo na silang nasa Tagaytay ngunit nakapagtatakang hindi pa kumikilos si Jaime. Kahit ang panliligaw nito, ay hindi nito binabanggit at hindi din nagpaparamdam. Kahit araw-araw silang nagkikita at magkasama sa bahay ay puro trabaho lang ang pinag-uusapan nila, at lumalapit lamang tuwing kasama nila ang mga tauhan niya.
Kasalukuyan siyang mas may hardin at nagpapaantok, mahihirapan na naman kasi siyang makatulog dahil sa pag-iisip sa lalaking iyon. Ang ibang kasama nila sa bahay ay nagpapahinga na dahil sa pagod. Mabuti na lang at pahinga nila bukas kaya ang ilan sa kanila ay naisip ang mamasyal at ang iba ay uuwi naman sa mga bahay nila. Siya naman ay mas gusto ang magpahinga bukas kung kaya baka maghapon na lang siyang matutulog.
Hindi naman niya alam kung ano ang plano ng isa pang taong kasama nila. Nagsisimula na siyang mainis sa ipinapakita nitong kawalan ng interes. Bahala na nga ito sa buhay nito kung hindi na ito lalapit sa kaniya. Naiinis na sinipasipa niya ang maliliit na pebbles sa paaan niya nang magulat siya sa biglang nagsalita sa kaniyang likuran.
Kanina pa pinagmamasdan ni Jaime si Shayne mula sa bintana ng kuwarto niya. Marahil ay hindi ito makatulog kaya naisipan nitong magpaantok sa labas. Hindi pa rin siya nakakatiyak kung hindi na ba siya nito ipagtatabuyan kung lalapitan niya ito kaya naman ilang araw na din siyang dumidistansiya na muna. Pero miss na miss na niya ang dalaga kung kaya hindi na niya napigilan ang sariling lumabas ng kuwarto at puntahan ito.
"Malamig dito, baka magkasakit ka", banayad na sabi ni Jaime at ibinalot sa dalaga ang bitbit niyang jacket.
"Huwag ka ngang nanggugulat", ani Shayne na napahawak pa sa tapat ng dibdib.
"Sorry.........you seem to be deep in thought. Care to tell me, what is it?"
"Nothing" matipid na sagot ng dalaga.
Bahagyang umusod si Shayne nang umupo sa tabi niya si Jaime.
"Can we talk now", nanantiyang tanong ni Jaime.
"About what? If it's about work..."
"Damn it Shayne, it's not about that" , sikmat ni Jaime.
"I want us to talk about US"
"What about us Jaime?"
"For god's sake Shayne, hanggang kailan mo ba iiwasang pag-usapan ang tungkol sa atin."
Frustrated na naihilamos ni Jaime ang ang kamay sa mukha. He'd been trying to be patient and wait for her to tell him everything, pero tao lang siyang marunong mainip.
"Hirap na hirap na ako, hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa iyo. I can feel it,.....that you still love me, but I don't know what's keeping you from giving us another try. I need you Shayne.....badly....... I love you very much baby, please come back to me" nagsusumamo ang tinig nito. Mababakas din sa mukha nito ang sakit at paghihirap.
Pinagmasdan lang ni Shayne ang binata. Masakit din para sa kaniya ang nangyayari ngayon sa pagitan nila. Marahil ito na ang tamang panahon upang palayain niya ang sarili upang maging masaya naman sila ni Jaime. Unti-unti tumulo ang luha niya at lahat ng pait na naranasan niya ay unti-unti niyang pinakawalan.
"Hindi lang ikaw ang nahihirapan Jaime. I've been through pain..........pain that you can't imagined."
"Tell me about it baby and I'll do my best to make it up to you"
Natawa ng pagak si Shayne sa sinabi ni Jaime....paano ito babawi? Paano nito ibabalik ang isang buhay na nawala?
"How Jaime, tell me, paano mo na maibabalik ang anak ko. I may have survived but a part of me died when I lost our child", mahinan at puno ng pait na wika ni Shayne.

BINABASA MO ANG
LOVE ME AGAIN
RomanceWith love comes trust....but what if that trust has been betrayed......will you be able to forgive and forget? Shayne fell in love and gave her all to the man she thought will love her forever, but was left broken in return. Not just her heart but a...