Chapter 1

1K 14 1
                                    

"Heto na 'yon Besh, ang big break na hinihintay natin. Nakuha natin ang project, sa atin ibinigay ng kliyente ang kontrata. My gosh I'm so excited. Malaking kliyente ito Shayne. This is the big break we've been waiting for para sa Elegance " excited na pagbabalita sa kaniya ni Kristoff. Kaibigan niya ito at partner sa itinayo nilang firm ng magbalik sila sa Pilipinas dalawang taon na ang nakakaraan.

​Naging kaklase niya ito sa kursong Fine Arts major in Interior Design sa University of London. Dahil parehong Pilipino ay agad silang nagkahulihan ng loob at naging magkaibigan. Pagka-graduate ay nagpasya silang umuwi ng Pilipinas at magtayo ng sarili nilang firm.

Si Kristoff ang in-charge sa marketing at advertisement. Siya naman ang bahala pagma-manage ng opisina nila. May mga designers na rin silang kinuha, maliban pa sa personal din silang nagde-design para sa mga bigating kliyente nila. Sa nakalipas na taon ay unti-unti na silang nakikilala at dumadami na ang clients nila. May mga mayayamang kliyente na nagpapa-renovate ng bahay, hotels and resorts na nagpapaayos ng interior decor nila. Alam niyang may nilulutong deal ito ngunit di pa nito nababanggit sa kaniya kung sino ang bagong kliyente nila.

​"Ano ba Kristoff, pwede bang kumalma ka muna diyan, para kang hindi maanak na pusa. Ano ba kasi yang sinasabi mo?" tanong niya rito sabay abot sa planner niya upang tingnan ang schedule niya sa buong na linggo."

​"Yong deal sa isang realty developer, ano ka ba naman Shayne, di ba nabanggit ko na 'yon sa'yo? May bagong tayong condominium sa Tagaytay ang developer na ito at fully furnish ang mga unit na ibebenta nila, tayo ang nakakuha ng contract sa pag-aayos ng interior design ng bawat unit. Malaking project to Shayne. Dito na tayo sisikat ng husto Besh. Imagine, ang interior design ng isang first class condo, tayo ang gagawa.", excited na wika ng kaibigan.

​"Talaga!, maganda nga yan para sa atin" natutuwang sagot niya. Ang mga malalaking proyektong katulad nito ay madalang dumating para sa mg nagsisimula pa lamang na katulad nila. At usually kapag ganyan kalaking project, ang kinukuha ng may-ari ay ang mga sikat ng interior designer. Marahil ay na-impress talaga ang client sa portfolio nila, kaya sila ang kinuha.

​"May naka-set tayong meeting sa CEO nila bukas , dapat samahan mo ako at magpaganda ka ng husto"

​"Kaya mo na yan, forte mo ang mga ganyang bagay. Saka na ako kapag inspection na ng site"

​"Samahan mo na ako Besh dahil baka di ako makapag-concentrate kapag kaharap ko na ang may-ari. Gosh their CEO is so handsome, gorgeous and so damn sexy. He's oozing with sex appeal, makalaglag panty talaga. You should meet him, para naman magkabuhay ang non-existent mong lovelife. "

​"Teka anong realty company ba ang tinutukoy mo, at puwede ba tantanan mo ang lovelife ko, di ka naman niyan inaano", nakaingos na wika ni Shayne sa kaibigan.

​"Excellent Builders Besh, ang isa sa mga pinakasikat na real estate developer sa bansa. And correction, hindi ko tatantanan ang lovelife mo, dahil naaaburido ako sa iyo. Gosh Shayne, may balak ka bang maging old maid? Sayang ang genes girl, ang ganda mo pa naman, bubulukin mo lang ang matris mo!", nakapilantik ang daliri at nakataas ang kilay na wika ni Kristoff.

​Nagulat siya sa tinuran nito at nabitawan ang hawak na planner" Lumikha iyon ng ingay ng bumagsak iyon sa sahig kaya nilingon siya ng kaibigan.

​"Hoy anong nangyari sa 'yo?"

​"Excellent Builders ang bagong client natin, ang kompanyang pag-aari ng mga Buenavista?" kumpirma niya dito ngunit kumakabog na ang dibdib niya sa kaba.

​"The one and only. Isang big time client", kumpirma ni Kristoff.

Nanghihinang napasandal sa kinauupuan niya si Shayne. Para bang kinakapos siya ng hininga. Ramdam niya ang panginginig ng buong katawan.

LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon