Chapter 13

495 11 0
                                    

Kanina pa nahihiwagaan si Shayne sa mg kakaibang ngiti ng mga kasama niya sa table, at iyon ay ang mga magulang niya, daddy ni Jaime at si Kristoff. Nagkaayos na ang daddy niya at ang daddy ni Jaime at mukhang bumabawi sa ilang taong hindi pagkikita ang magkaibigan. Balita niya sa Mommy niya ay madalas maglaro ang mga ito ng golf o kaya ay mag-sailing.

Kanina pa niya napapansin ang bulungan ng mga ito gayundin ang sekretong usapan ng mga ito at ni Jaime. Speaking of Jaime, kanina pa ito busy na umiikot sa mga bisita. Alam naman niyang kailangan nito iyong gawin kaya okay lang naman sa kaniyang wala ito sa tabi niya at nakakapagtakang hindi siya nito ipinapakilala sa mga bisita nito na madalas nitong ginagawa.

Pero mula ng dumating siya kanina at matapos siya nitong batiin ay hindi na ito lumapit sa kaniya. Nagtaka pa nga siya na ipinasundo lang siya nito sa driver nito at hindi ito ang personal na sumundo sa kaniya, which is a first. Isa pa ay ang sadyang late na pagsundo sa kaniya.

Nagsimula na ang party ng dumating siya at naroon na rin ang parents niya, ngunit ayon kay Jecca ay tamang-tama lang daw ang dating niya.  Ganun din ang sinabi ng Daddy nito at parents niya ng dumating siya. Even Kristoff agreed.

Naputol ang pag-iisip ni Shayne nang marinig na tinatawag na si Jaime. Bilang CEO ng Excellent Builders, ito ang magpe-present ng bagong tayong condo ng kompanya nito.

Pinagmasdan niya si Jaime nang umakyat ito upang magpasalamat sa mga dumalo at i-present ang condo. He is standing in that stage, exuding with wealth, power and authority, an epitome of a successful businessman. Pero bahagya nang nakakaramdam ng inis si Shayne, kanina pa siya halos hindi tinatapunan nito ng pansin.

Nang matapos sa presentation si Jaime at palakpakan ito ng mga tao ay biglang dumilim ang paligid. Ang tanging natira ay ang spotlight na nakatapat kay Jaime.

"Ladies and gentlemen, if I could have more of your attention please", wika ni Jaime.

Lahat ay napatingin dito gayundin si Shayne. Makikita ang ngiti sa mga labi nito at tila may kakaibang ningning sa mga mata. Ngumiti ito sa mga nanonood dito bago muling nagsalita.

"I would also like to announce something very important.......", he said with a wistful smile and looked at where Shayne is sitting.

Although madilim sa kinaroroonan nila Shayne, alam niya kung saan nakaupo ang kasintahan. Alam niyang medyo nagtatampo na ito sa hindi niya paglapit dito. Sinadya niyang hindi ito sunduin at lapitan. Nag-aalala kasi siyang makahalata ito sa sorpresa niya.

Nakatingin si Shayne kay Jaime kaya naman nagtama ang mga mata nila nang tumingin si Jaime sa kaniya sa kabila ng madilim na paligid. There's a gentle expression in his face and he seems nervous about something. Nakita niyang humugot muna ito ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"I would like to announce my upcoming wedding...........", patuloy ni Jaime.

"That is........if the most important woman in my life will accept me"

Nagulat si Shayne nang biglang tumama ang spotlight sa kaniya. Nakita niyang naglakad na rin si Jaime pababa ng stage at palapit sa direksiyon niya, habang nakasunod ang isa pang spotlight dito.

Nakatingin lang siya kay Jaime hanggang makalapit ito sa kaniya. Nakangiti ito habang masuyong nakatitig sa kaniya nang kunin nito ang kamay niya at alalayan siyang tumayo. Hinila siya nito patungong gitna at huminto sila sa tapat ng malaking screen na biglang umilaw.

Kung kanina ang nakadisplay doon ay mga pictures ng rooms at amenities ng condo, ngayon ay picture nilang dalawa ni Jaime ang naroon. Kuha iyon sa deck ng yate nito nang huling maglayag sila. May nakasulat ding mga kataga doon na tuluyan ng nagpatulo ng luha ni Shayne. Written in bold letters were these words ......

LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon