Maagang gumising si Shayne, gusto niyang panoorin ang pagsikat ng araw kaya madilim pa lang ay nasa dalampasigan na siya. Hindi siya halos nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kay Jaime. Sa tuwing pipikit ang mga mata niya ay nakikita niya ang eksenang naabutan sa opisina nito. How could he do that to her.....she trusted him and his promise not to hurt her......Kanina pa pinagmamasdan ni Jaime si Shayne sa dalampasigan, madaling araw pa lang ay bumiyahe na siya. Nasa lobby siya kanina at paakyat na sana sa kuwarto nito nang makita niya si Shayne na palabas. Mabilis niyang iniwan saglit ang gamit sa receptionist at sinundan ang dalaga.
Nakita niya itong umupo sa may dalampasigan, mukhang panoorin ang pagsikat ng araw. Hindi na muna siya lumapit dito at hinayaan itong mag-isa. He can see the pain in her face at malinaw niyang nakikita sa mukha nito ang lungkot at kakulangan nito ng tulog. Kasalanan niya iyon........kahit hindi direkta......kasalanan pa rin niya.
Ilang minuto ng nakaupo si Shayne nang maramdaman niyang tila may nagmamasid sa kaniya. Paglingon niya ay nakita niya si Jaime na nakatayo sa likuran niya at pinagmamasdan siya.
Dahan-dahang naglakad si Jaime palapit kay Shayne. Hindi alam ni Shayne kung paano nalaman ni Jaime kung nasaan siya. But that's not important right now, the question is what will she do now that Jaime is here?
"Hi baby", mahinang bati ni Jaime na may alanganing ngiti sa labi.
"What are you doing here?", sa halip ay tanong ni Shayne sa halip na batiin ito.
"Sinusundan ka"
"Why?"
"To explain.....", ani Jaime na tuluyan ng nakalapit sa kaniya.
Sa halip na umupo sa tabi niya ay pinili nitong tumayo at tumanaw sa karagatan. Si Shayne ay ibinalik din ang tingin sa dagat.
"Noong weekend lang masaya tayong nandito....", ani Jaime na ang tinutukoy ay ang bakasyon nila noong nakaraang weekend. Sa resort na ito sila tumuloy matapos nilang maglayag maghapon gamit ang yate ni Jaime.
"What do you want Jaime", mariing tanong ni Shayne.
"I want you to listen to me.....to what I have to say........for my explanation"
"What's there to explain? Malinaw ang mga pangyayari..."
"It's not what you think Shayne......"
"Did you not kiss her?"
"No I didn't......."
"I saw you....., will you deny that you two shared a kiss? Hindi ako bulag Jaime"
"I will not deny that there was a kiss. Pero baby, hindi ako ang humalik sa kaniya."
"So gagamitin mo rin ang madalas na alibi ng mga nahuhuli.......'it wasn't you but her'.....hindi ba masyadong gasgas na iyan Jaime?", sarcastic na wika ni Shayne.
"But it's the truth baby.....si Sheila ang humalik sa akin at ang nakita mo ay nang itinutulak ko siya palayo sa akin. I know, based on your point of view, sa itsura namin that time, it's as if naghahalikan kaming dalawa. But baby.....I can't do that to you....please believe me"
Tumalungko si Jaime sa harapan niya upang magpantay ang kanilang mukha. Ginagap nito ang palad niya saka siya tiningnan sa mata.
"I promised you baby when you accepted me that I will not do anything to hurt you. I kept that promise. Believe me baby......I will not do anything to hurt you. I will never cheat on you. I love you so much. I've loved you for so long that I can't love another, but you", madamdaming pahayag ni Jaime.
BINABASA MO ANG
LOVE ME AGAIN
Storie d'amoreWith love comes trust....but what if that trust has been betrayed......will you be able to forgive and forget? Shayne fell in love and gave her all to the man she thought will love her forever, but was left broken in return. Not just her heart but a...