Labag man sa kalooban ni Shayne na makasama ng matagal si Jaime ay wala siyang magagawa. Trabaho ito, at kahit ayaw man niyang aminin, malaking project ito at makakatulong sa company nila. Kaya wala na siyang magagawa kundi tiisin ang presensiya ng lalaki."Thank you" pasalamat niya rito nang ipagbukas siya nito ng pinto ng kotse nito. His car is very expensive, just like the man himself. A Range Rover Autobiography, isang mamahaling SUV at very luxurious. Everything about the car reflects the owner, a luxurious car for a very wealthy owner.
Bumagay din sa may-ari ang sasakyan, very manly ang dating, just like the owner, lalaking-lalaki. Lihim niyang pinagmasdan ang binata nang umikot ito sa kabilang panig ng sasakyan matapos siyang pagbuksan. Sa kabila ng suit na suot nito, ay kita kung gaano kaganda ang katawan nito, and there's a distinct authority that surrounds him na kahit saan ito magpunta at kahit ano ang suot ay mapapansin at mapapansin ito ng mga tao.
Marami na ang nagbago sa lalaki mula nang huli silang magkita, ang taong nagdaan ay nakadagdag sa kaguwapuhan nito, hindi niya ikakaila iyon. Mas naging maganda ang built ng katawan at dumagdag sa appeal nito ang maturity. Kung noon ay poloshirt at jeans ang madalas nitong suot, na bumagay dito noon, ngayon ay madalas na itong nakabusiness suit which he carried well.
"It's okay to stare baby, I don't mind. Baka sumakit lang ang mata mo niyan sa pasimpleng pagtitig sa akin", naaaliw na sabi ni Jaime nang mahuli ang pagmamasid niya. Umingos lang si Shayne at ibinaling sa labas ang tingin upang itago ang pamumula ng mukha.
"Huwag kang conceited, bakit naman kita tititigan", nakaismid na sagot ni Shayne.
"Ikaw naman baby, ang init na agad ng ulo mo", pang-aasar ni Jaime.
"Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin niyan"
"But you're my baby", ani Jaime na nakangisi. Alam niyang napipikon na si Shayne sa kaniya, base na rin sa pamumula ng mukha nito at pagkunot ng noo.
"No, I'm not......", sikmat ni Shayne. Natawa na lang si Jaime sa dalaga, at sa halip na lalo pa itong asarin ay pinaandar na niya ang sasakyan.
Si Shayne naman ay muling ibinaling ang tingin sa labas ng bintana, this is gonna be a long drive.
"How have you been, all these years Shayne?", tanong ni Jaime nang bumibiyahe na sila.
"Fine", walang ganang sagot ni Shayne.
"Hindi ka man lang ba magkukuwento?"
"Wala akong ikukuwento?"
"Sige, ako na lang ang magkukuwento", ani Jaime, still trying to struck a conversation.
"Hindi ako interesado Jaime, save it sa gustong makinig", walang interest na pambabara ni Shayne na ipinikit ang mga mata.
Matutulog na lang siya o magpapanggap na tulog upang hindi na siya kausapin ng lalaki. Nang makita ang ginawa ni Shayne, ay napabuntong hininga na lamang si Jaime. Masakit man ang pambabalewala na ginagawa ni Shayne sa kaniya, wala siyang magagawa. It's the price he have to pay for what he have done."I see, sige matulog ka na muna. I'll wake you up, when we get there", mahinang sabi ni Jaime at itinuon na ang atensiyon sa pagmamaneho.
Nakatulog na rin ng tuluyan si Shayne kahit wala sa plano niya, marahil dahil na rin sa kakulangan ng tulog kagabi, na ang dahilan ay ang taong kasama niya. Nagising siya sa mahinang pagtapik sa kaniyang balikat.
BINABASA MO ANG
LOVE ME AGAIN
RomanceWith love comes trust....but what if that trust has been betrayed......will you be able to forgive and forget? Shayne fell in love and gave her all to the man she thought will love her forever, but was left broken in return. Not just her heart but a...