Kinakabahan man ay buo ang loob na pumasok si Jaime sa opisina ng ama ng kasintahan. Nalaman na nito ang relasyon nilang dalawa kaya naman ipinatawag siya nito at ngayon nga ay haharapin niya ang galit nito. Ilang araw na ding hindi nakakapasok ang dalaga. Ayon kay Janeza ay hindi ito pinapalabas kaya naman absent din ito sa mga klase nito.
Nakaupo ang matanda sa swivel chair nito at nakatutok agad sa kaniya ang tingin pagpasok pa lamang niya.
"Good afternoon Sir"
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Buenavista, I don't want you for my daughter, so leave her. "
"I'm afraid I can't do that Sir, I love your daughter so much"
"Huwag mo akong patawanin Buenavista. Alam ko kung anong klaseng lalaki ka, you'll only make my daughter cry. Hindi ko papayagang maging laruan mo lang ang anak ko."
"Iba si Shayne Sir, I love her and I'm willing to marry her when the right time comes", Jaime said sincerely.
"Listen to this Buenavista I will never allow my daughter to marry you, not now, not ever. You'd do well to remember that. I won't have any connection in any way to your family", galit na wika ng ama ni Shayne.
"Kapag ang anak niyo na po ang nagsabing ayaw na niya sa akin at layuan ko na siya, I might consider , however as long as Shayne will have me, hindi niyo po ako maitataboy"
"We will see young man. I'll be sending her to her grandmother in London just to keep her away from you. At walang magagawa si Shayne kundi ang sumunod, otherwise itatakwil ko siya. Wala akong pakialam kung sa iyo siya tumakbo pero kakalimutan ko ang anak ko. And it will be on your shoulder Buenavista."
Jaime clenched his fist sa pagtitimpi ng galit habang nakatingin sa mapaghamong mata ng kaharap. Maliban sa paghahamon ay tila may nababanaag pa siya doong galit at hindi lang simpleng galit. Para bang kaytagal na galit na iyon na itinatago lamang nito. He shuddered at the tought na seryosohin nga nito ang banta nito. Alam niyang masasaktan ng husto si Shayne kapag nagkataon. Still, hindi niya hahayaang paglayuin sila ng kasintahan.
"Don't even think of following her in London dahil malalaman at malalaman ko iyon. At oras na nangyari yon, kakalimutan ko ng anak ko si Shayne. So kung kaya ng konsensiya mo, magmatigas ka. It's up to you young man"
Nakipagtagisan ng titig si Jaime sa ama ng kasintahan. Mukhang nakahanda nga itong totohanin ang banta.
Alfonso smirk habang nakatingin sa binata. Alam nitong panalo ito sa pagkakataong iyon.
"I'm giving you a week to break up with her. Makakaalis ka na", anang ama ng kasintahan na hindi na tumingin sa kaniya. Kuyom ang kamaong lumabas ng opisina nito si Jaime. Nakahanda siyang panagutan si Shayne kahit na itakwil pa ito ng ama, ngunit ang tanong ay kung iyon ba ang gustong mangyari ng kasintahan. Magulo ang isip na umalis siya ng lugar na iyon.
"What's wrong son?" Nilapitan siya ng ama nang makitang umiinom siya sa tabi ng pool nila.. Iniisip niya ang napag-usapan nila ng ama ng kasintahan kanina.
"Wala naman Dad, nothing that I can't handle"
"I know you son, alam ko kung kailan ka may seryosong problema. You can always talk to me. Whatever it is na gumugulo sa iyo", anang amang naupo sa tabi niya.
Malapit silang mag-ama dahil mag-isa itong nag-alaga sa kaniya nang mamatay ang Mommy niya sa sakit sa puso noong five years old pa lamang siya. Mula noon ay silang mag-ama na lamang ang magkasama. Hindi na din ito nag-asawang muli dahil ayon dito ay wala na daw makakapalit sa Mommy niya sa puso nito.
BINABASA MO ANG
LOVE ME AGAIN
RomanceWith love comes trust....but what if that trust has been betrayed......will you be able to forgive and forget? Shayne fell in love and gave her all to the man she thought will love her forever, but was left broken in return. Not just her heart but a...