Chapter 10

494 7 5
                                    


Nang sumunod na mga araw matapos sagutin ni Shayne si Jaime ay hindi na siya nito nilubayan. Kung lagi na itong nakabuntot sa kaniya noong nanliligaw pa lamang, tila mas lumala pa ito noong sagutin niya. Hindi na ito umalis sa tabi niya kahit ilang beses na niya itong pinagalitan dahil hindi na siya nakakapagtrabaho ng maayos.

Karamihan nga ng trabaho ay sa mga staff na niya at overseeing na lang ang ginagawa niya. Paano ba naman kapag nakita siya ni Jaime na nakatuntong ng hagdan or may inaabot na mataas na bagay, bigla na lang siya nitong hahatakin sa kung saan. Madalas tuloy naiwan ang mga tao niya. Mabuti na lang puro magaling at mapagkakatiwalaan ang mga tauhan niya, dahil kung hindi, malamang sa pinaggagagawa ni Jaime ay walang matatapos na trabaho sa condo nila.

Mabuti na lamang at ngayong araw na ito ay kinailangan nitong bumalik ng Manila dahil sa isang importanteng meeting. Maaga itong umalis kanina at sa dami ng kailangan nitong asikasuhin ay baka bukas o sa makalawa pa ito makakabalik. Ibig sabihin ay makakapagtrabaho siya ng maayos.

Pinagalitan pa nga niya si Jaime nang malamang natambakan na ito ng trabaho dahil sa paglalagi sa Tagaytay, ngunit ang tanging sagot lang nito ay ayaw nitong umalis doon dahil naroon siya. Ano pa ba naman ang isasagot niya di ba, gayong natunaw yata ang puso niya sa sinabi nito.

Mag-isa na lang sa sala si Shayne at nagpapaantok, namimiss niya kasi si Jaime. Kahit na wala na itong ginawa kundi bulabugin ang trabaho niya ay nasanay na siyang lagi itong nakabuntot sa kaniya. Sa araw na ito ay sa telepono lang sila nag-usap, dahil nga busy ito sa trabaho. Kailangan nitong tapusin ang mga iyon lalo na at next week ay lilipad ito patungong Singapore para sa isang business deal.  May bago kasi itong venture ka-partner ang isang kakilalang sa Singapore na nakabase. Isinasama siya nito kaya pansamantala, next week ay si Kristoff muna ang magsusupervise dito sa Tagaytay.

​"It's already late, bakit gising ka pa", ani Jaime na kapapasok lang.

Gulat na napalingon si Shayne sa pinto, hindi niya inaasahang babalik ngayong gabi si Jaime. Around eight nang mag-usap sila kanina at ayon dito ay may isa pang meeting  ito, kaya nakakagulat na bumiyahe pa ito pabalik ng Tagaytay.

​"What are you doing here?"

​"I missed you",  ani Jaime na nilapitan siya at naupo sa tabi niya.

Niyakap muna siya nito ng mahigpit at hinagkan sa ulo bago nahahapong sumandal sa upuan, bakas ang sobrang kapaguran sa anyo nito. Nakapikit ito habang nakasandal sa sofa at nakaakbay sa kaniya.

"Ang dami kong meeting, akala ko hindi na matatapos....I'm so tired", pagod na wika ni Jaime.

"Bakit ka pa bumalik dito?"

​"You're here and I missed you so much. Parang hindi na ako makakatagal pa ng isang araw na hindi ka makita"

​"Mr. Buenavista, ang lakas mo talagang mambola. Kumain ka na ba?", tanong ni Shayne dito.

Umiling lang ito habang nakapikit. Tumayo siya upang ikuha sana ito ng makakain ngunit hinila lang siya nito pabalik at niyakap.

​"Let's stay like this for a while baby, nawawala ang pagod ko pag kasama kita".

​"Pero hindi ka pa kumakain"

​"Later", ani Jaime na nakapikit na.

Ilang sandali pa ay payapa na ang paghinga nito, mukhang nakatulog na sa pagod. Napapailing na pinagmasdan na lamang ni Shayne ang lalaki...puwede naman kasing bukas bumalik pero pinilit pang bumiyahe kahit gabi na. Talaga nga naman.....sino ang hindi kikiligin sa lalaking ito. Dinampian niya ito ng halik sa labi bago  isiniksik  ang sarili rito at ipinikit ang mga mata.

LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon