Chapter 5

474 13 0
                                    

Kanina pa nasa parking lot ng Diamond Hotel si Jaime, ngunit hindi siya makahanap ng lakas ng loob upang pumasok sa hotel. Alam niyang naghihintay sa kaniya ang mga ka-meeting na interior decorator para sa furnishing ng bagong tayong condo nila sa Tagaytay . Lingid sa kaalaman ng lalaking nakausap niya, sadyang ang Elegance talaga ang balak niyang kunin, sa katunayan nga ay hindi na nakipag-usap ang tauhan niya sa iba dahil sa utos niya.

Ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa ay dahil sa nag-iisang babaeng laman ng puso niya. Ang babeng pinangakuan niyang mamahalin, ngunit sinaktan lamang niya. Ang babaeng alam niyang ayaw na siyang makita o makibalita man lamang siya kaniya. Ang babaeng ipinangako niya sariling babawiin sa tamang panahon.

At ito na ang panahong iyon, the right time to claim what has been and will always be his. Alam niyang hindi siya basta-basta makakapasok muli sa buhay nito  ng walang dahilan, kaya ito ang naisip niyang paraan, ang kunin ang serbisyo ng kompanya nito. Nakatitiyak siyang matindi ang galit nito sa kaniya dahil sa nagawa niya rito, kaya gagamitin niya ang trabaho upang mapalapit siya rito. Hindi niya alam kung alam na nitong siya na ang bagong CEO ng Excellent Builders, ngunit nakatitiyak siyang kahit malaman nito iyon, ay hindi nito matatanggihan ang isang project na kasinglaki ng sa kanila.

​He plans on having her back in his life at whatever cost it takes, in whatever way possible. He will beg if needed, just to get her back. He was already tired of barely breathing each day since that day he chosed to let her go away. His life was pure hell since then.  He wants to start living again. Susuyuin niya uli ito upang mahalin siyang muli. He will not stop, no matter how long it takes, as long as at the end of it all, she'll be his again.

​Mula nang umalis ito ay isinubsob niya ang sarili sa pag-aaral at pagka-graduate ay sa pagtratrabaho. Sinasadya niyang pagurin ang sarili upang mabawasan ang kahungkagang nararamdaman. Kahit ang sumubok na makipagrelasyon ay hindi niya magawa. Occasional dates, yes, pero hanggang doon lang ang kaya niyang ibigay, no more no less.

Nang makaipon ng sapat na lakas ng loob ay bumaba na siya at pumasok sa hotel. Pagpasok pa lang ay nakita na niya kaagad itong nakaupo  sa isang sulok kasama ang lalaking siyang ka-transact ng kompanya nila.  Sa pagkakaalam niya ay magkapartner ang dalawa sa Elegance.

Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi siya nito makikita, ngunit siya ay malaya itong mapagmamasdan, kaya naman hindi inaalis ang mga mata ritong naglakad siya palapit sa mga ito. Napansin niyang  seryosong nag-uusap ang dalawa at hindi pa siya nakikita nga lalaki na siyang nakaupo paharap sa pinto. Napakuyom ang kamao niya ng makitang hinawakan nito ang kamay ng dalaga, ano ang meron sa kanilang dalawa? Are they together? No, hindi siya papayag, kung kinakailangang agawin niya si Shayne mula rito ay gagawin niya. He no longer have scruples left where she is concern.

​"Kristofff, pwede namang sa inspection na lang ako magpunta, kayo na lang ni Mr. Fernando Buenavista ang mag-usap ngayon to finalize the contract. Payagan mo na akong umalis please", pakiusap niya sa kaibigan. Umaasa pa din siyang hanggang sa huli ay pumayag itong huwag na siyang sumama sa meeting.

​"Ano ka ba naman Besh, nandito ka na, isa pa, Excellent Builders is a very big client and the big boss specifically requested na i-meet tayong dalawa since we are partners. One more thing, it is no longer Fernando Buenavista who is the CEO of Excellent. Three years ago, nag-take over na ang anak niya. Kaya nga di ba ang sabi ko sa iyo kahapon, super hot and sexy ng CEO. Mukhang pagod ka nga kahapon, lutang ang isip mo", ani Kristoff.

​Namutla si Shayne sa narinig, could anything get worse than this. Mukhang masyadong maliit ang mundo para sa kanila,  ang possibility na magkita sila ni Jaime, ay mangyayari na agad. Ano ba ang nagawa niya at mukhang pinaparusahan siya ng langit.

LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon