Chapter 7

455 12 0
                                    


Paglabas ni Jaime sa opisina ni Shayne ay nakasalubong niya si Kristoff, na mukhang kadarating lang.

"Jaime!", gulat na wika ni Kristoff.

"may kailangan ka ba?" nagtatakang tanong nito sa kaniya nang makita siyang palabas ng opisina ni Shayne.

​"Wala naman, may inihatid lang ako kay Shayne", ani Jaime na nilingon ang dalaga mula sa nakabukas na pinto sa likuran niya.

Nakarecover na yata ito sa pagnanakaw niya ng halik kaya ngayon ay matalim na ang matang nakatingin sa kaniya. Jaime just gave him a smile bago muling binalingan si Kristoff.

​"Oh...." Nakakaunawang sagot ni Kristoff na may malawak na ngiti nang makita ang bulaklak sa table ni Shayne

​"Ay bongga............may pa-flowers.........." nakatikwas ang daliri g wika ni Kristoff. Lumabas tuloy ang lihim nito kay Jaime.

Nakakunot noong tumingin si Jaime sa kaniya. Nangingiting tumango si Shayne sa katanungan sa mata nito.Hindi niya alam pero parang nagliwanag ang anyo nito sa kaalamang berde pala ang dugo ng kaibigan. Lalaking-lalaki kasi ang kilos ng kaibigan sa mga nauna nilang pagkikita.

He pulled out his cellphone to type something. Maya-maya pa ay narinig ni Shayne na tumunog ang cellphone niya.

From: Jaime

Nagseselos lang pala ako sa wala..........I'll see you later baby😘

​"Anyway, I'm leaving, I still have tons to do. " paalam nito kay Kristoff, pagkatapos ay lumingon uli sa kaniya.

"Bye, baby!", Jaime said looking at Shayne once more and giving her a wink.

Shayne just clenched her fist tightly, pinipilit huwag habulin si Jaime para gumawa ng eksena. Nakakahiya sa mga empleyado nila.

Nang tuluyang makaalis si Jaime ay tuloy-tuloy na pumasok ang kaibigan sa opisina niya.

"Anong meron?", nakataas ang kilay na tanong ni Kristoff habang nakahalukipkip.

​"Nothing", balewalang sagot ni Shayne.

​"Nothing ka diyan, bakit may pabulaklak?. Nanliligaw na ba siya sa iyo?" , tanong nitong nakaturo sa bulaklak sa table niya.

Hindi niya sinagot ang tanong nito ngunit sapat na iyon upang kumpirmahin ang hinala nito.

​"Oh my god!" kinikilig na tumili ito.

​"Makasigaw, parang may sunog!"

​"Ang haba ng hair mo girl, selos si Rapunzel sa iyo, Baka mag-suicide na yon sa inggit............ikaw na.......ikaw na ang magkaroon ng manliligaw na saksakan ng guwapo, sex appeal..........at ultra rich.....sagutin na 'yan girl.....ang suwerte mo Besh"

​"Some other time siguro.....I might have been happy kung may ganiyan akong manliligaw.....but not with Jaime.....", seryosong wika ni Shayne

"Care to tell me now kung Ano ba talaga ang inaagaw mo sa kaniya .....Ano ba ang nagyari sa inyo....you've been so grim since you met him again....that is kung handa ka na.....you need to let everything out of your chest Shayne......makakatulong sa iyo iyan"

Napabuntong hininga si Shayne sa sinabi ni Kristoff, tama naman ito. Besides he is her friend, alam niyang hindi siya nito huhusgahan sa nagyari sa kaniya. Tumayo si Shayne at lumipat sa sofa.

LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon