Kabuwanan na ni Shayne, araw na lang ang hinihintay at ipapanganak na niya ang mga anak nila ni Jaime......yes.....mga......dahil kambal ang ipinagbubuntis niya.After three years of being married, sa wakas ay pinagkalooban din sila ng anak kaya naman sobrang tuwa at excited nilang mag-asawa.
Dahil sa pinagdaanang miscarriage noon ay naging maselan ang pagbubuntis niya kaya naman nang malaman nilang buntis siya ay sobrang pag-iingat na ang ginawa niya.
Sa buong duration ng kaniyang pagbubuntis ay sa bahay na lang siya nagtrabaho, iniwan muna niya kay Kristoff pansamantala ang firm nila. Ilang beses din kasi siyang na-ospital dahil sa extreme case ng morning sickness kaya nagdesisyon sila ni Jaime na sa bahay na lang muna siya.
Kahit si Jaime ay halos ang bahay na rin nila ang ginawang opisina, lalo na nitong huling buwan ng pagbubuntis niya. Gusto kasi nitong naroon ito sa tabi niya kung bigla siyang manganak.
"Here's your juice baby", ani Jaime na inilapag ang juice sa tabi niya saka umupo sa kabila niya at nakisilip sa kaniyang ginagawa. Nasa pool siya sa likod ng bahay nila at kasalukuyang nag-e-sketch ng design para sa isang client nila.
"Hindi ka ba kailangan sa opisina?', aniyang binalingan ito. Itinabi muna niya ang ginagawa at inabot ang dala nitong juice.
"Not for the next two weeks.....tinapos ko na lahat ng dapat tapusin", anito at hinaplos ang maumbok niyang tiyan.
"How are they?"
Napaigik si Shayne nang maramdaman ang pagkilos ng mga anak niya.
"Okay ka lang ba baby?", nag-aalalang tanong ni Jaime nang makita ang pagngiwi ng asawa.
"Mukhang naglalaro ang mga anak mo", sagot ni Shayne na hinahaplos ang tiyan.
"Mabuti pa mahiga ka na muna......pumasok na tayo sa loob", ani Jaime na tumayo na at inalalayan siyang tumayo.
Hirap na siyang kumilos dahil sa sobrang laki ng tiyan niya. Tama nga siguro si Jaime, kanina pa rin kasi niya nararamdaman ang panaka-nakang pananakit ng tiyan. Mukhang kailangan na muna niyang mahiga at medyo kanina pa rin naman nagpaparamdam ang mga anak nila.
Kinahapunan ay nagising si Shayne sa pananakit uli ng tiyan. Kanina pa siya hindi mapakali........pasulpot-sulpot ang pagsakit ng tiyan niya..........hindi kaya nagle-labor na siya? Lumabas siya ng kuwarto nila upang hanapin si Jaime.
Nakita niya ito sa living room nila na kasalukuyang may binabasa sa iPad nito.
"Problem baby?", tanong ng asawa na mabilis siyang nilapitan.
Napangiwi si Shayne.....tumitindi na ang pananakit ng tiyan niya........
"Mukhang manganganak na yata ako.....", nakangiwing wika ni Shayne na mahigpit na napakapit sa braso ni Jaime.
"Shit......shit......hold on baby", anitong mabilis siyang pinangko habang tinatawag ang driver nila upang ihanda ang sasakyan. Mabilis din nitong inutusan ang isa sa mga maids upang kunin ang mga nakahandang gamit ni Shayne.
Mabilis niyang isinakay sa backseat ang asawa at tinabihan ito......
"Aray......Jaime.......ang sakit........", putol-putol na daing ni Shayne habang kagat ng madiin ang mga labi dahil sa sakit.
Halos bumaon na rin ang kuko nito sa kamay ni Jaime na hawak niya.
"Shhh.....baby.......konting tiisin na lang........Dante, pakibilisan please.....", utos nito sa driver......
BINABASA MO ANG
LOVE ME AGAIN
RomanceWith love comes trust....but what if that trust has been betrayed......will you be able to forgive and forget? Shayne fell in love and gave her all to the man she thought will love her forever, but was left broken in return. Not just her heart but a...