Ang pagkikita nila ni Jaime sa greenhouse ay nasundan pa ng maraming beses. Madalas na magkasabay din sila during lunch sa canteen. Minsan naman ay magugulat na lang siya sa biglaang pagsulpot nito sa tabi niya sa mga pagkakataong hindi niya inaasahan.
Minsan magugulat na lamang siyang kasabay na niya itong naglalakad sa tuwing may pupuntahan siya sa loob ng campus. Minsan naman bigla itong sumusulpot habang nakaupo sila ni Janeza sa mga nagkalat na benches sa campus.
Madalas din siyang makatanggap ng kung ano-ano mula rito na ipinaabot nito sa kung kani-kanino. Hindi niya maiwasang kiligin sa mga pinapakita nito at hindi niya mapigilan ang paglalim ng nararamdaman para rito. Wala man itong sinasabi ay halata namang panliligaw ang ginagawa nito. Nagiging tampulan na nga sila ng tukso ng mga kaklase niya at mga kaibigan nito, dahil sa pagiging sweet at attentive nito sa kaniya.
Kasalukuyang silang nasa library ni Janeza nang biglang may umupo sa tabi niya sabay akbay sa kaniya . Napigilan lamang ang malakas na pagsinghap niya ng takpan nito ang bibig niya. Unti-unti namang kumalma ang pakiramdam niya ng makita ang ngising-ngising si Jaime sa tabi niya.
"Anong ginagawa mo rito?" pabulong na sita niya rito.
"Pinuntahan ka" nakangising sagot nito. Inarapan ito ni Shayne na tinawanan lang naman ni Jaime
"I just need to see you, dahil kung hindi, alam kong mami-miss mo ako".
"Ano bang pinagsasabi mo diyan" she hissed.
"Hindi kita masasabayan sa lunch sa mga susunod na araw baby. May practice kami para sa nalalapit na tournament, medyo magiging busy ako nitong mga susunod na araw. But I'll see you this weekend.... Pasyal tayo. "
"I don't think it's appropriate na sumama ako sa iyong mamasyal"
"Ouch, I'm hurt........... Wala ka bang tiwala sa akin?" Nakakunot ang noong nilingon ito ni Shayne ngunit napaismid lamang siya nang makitang nakangisi ito.
"Susunduin kita sa sabado," anito at kinintalan siya ng magaang halik sa pisngi bago ito tumayo at walang lingong lumabas na.
Napapangiting nailing na lamang si Shayne na sinundan na lamang ito ng tingin nang ma-realized niyang ninakawan siya nito ng halik......ang lalaking iyon talaga. Paano pa niya pipigilan ang sariling mahulog ang loob dito sa mga ipinapakita nito sa kaniya. Nararamdaman niyang importante siya para dito sa kabila nang wala pa naman itong ipinagtatapat sa kaniya.
Shayne felt giddy habang hinihintay ang weekend, dahil sa lakad nila ni Jaime. Ayon dito ay ipapasyal daw siya nito sa beach sa weekend. Dahil nasa Singapore ang Daddy niya ay malaya siyang makakaalis ng walang kasamang bantay. Hinahayaan kasi siya ng mommy niya dahil madalang naman ang ganitong pagkakataon kung kailan malaya siyang nakakakilos. Kaya naman ng magpaalam siya rito at sinabing mamasyal siya sa beach, tinanong lang nito kung sino ang kasama niya. Sinabi niyang kasama niya ang kaibigan niya, well technically, it's the truth dahil hindi pa naman nagtatapat si Jaime kaya maituturing pa lang silang magkaibigan.
Kinaumagahan ng Sabado ay nagkita na lamang sila ni Jaime sa harap ng fast food na malapit sa subdivision nila. Mabuti na ang ganito upang tiyak na hindi makarating sa Daddy niya na may kasama siyang lalaki.
"What did you tell your parents?"
"May Dad's not here, so I only ask for my Mom's permission. I told her I'll be going to the beach with a friend."
"Friend?" nanunuksong tanong ni Jaime na hindi naman na sinagot ng dalaga.
"You did not tell her that you're going out with your boyfriend?" Nakataas ang kilay na tanong ni Jaime. Mababakas ang amusement sa pagkakangisi nito.

BINABASA MO ANG
LOVE ME AGAIN
RomanceWith love comes trust....but what if that trust has been betrayed......will you be able to forgive and forget? Shayne fell in love and gave her all to the man she thought will love her forever, but was left broken in return. Not just her heart but a...