Chapter 8

441 7 0
                                    


Magkasama sa pagpuntang Laguna sina Shayne at Jaime, upang tumingin ng mga furnitures para sa lobby ng condo. Gustong tangkilikin ni Jaime ang mga local furniture makers upang kahit paano ay makatulong naman sila sa kabuhayan ng mga ito, idagdag pa na magaganda ang quality ng mga gawa nila at hindi pahuhuli.

Since, hindi naman papasok sa opisina, ngayon lang uli nakita ni Shayne si Jaime in casual clothes. A light blue poloshirt na nakapaloob sa jeans nito and rubber shoes. Casual na casual yet taglay pa rin nito ang kakaibang power and authority na natural na sa binata. Biniro pa nga siya nito kanina nang mahuli siyang nakatingin dito na baka daw matunaw ito sa titig niya.

Maaga siya nitong sinundo kaya naman medyo inaantok pa siya.

​"Hey don't tell me plano mong tulugan ako. " Nakangiting wika ni Jaime na nilingon siya habang nagmamaneho.

​"Inaantok pa ako, ang aga mo naman kasing gustong mag-ikot"

"Para hindi pa masyadong mainit at para maaga din tayong makabalik", paliwanag ni Jaime.

"Hmmmppp, dapat i-charge kita ng OT nito", nagbibirong sabi ni Shayne.

"By all means.....gusto mo mag-charge ka pa ng bonus", sakay naman ni Jaime sa sinabi niya na kumindat pa.

"Hmmmpppp", irap ni Shayne sa binata bago tuluyang pumikit para matulog.

Jaime chuckled then softly said...

"Sige na nga...matulog ka na, I'll wake you up when we get there"

​Matamang pinagmasdan ni Jaime ang nakapikit na dalaga bago napapangiting ibinalik sa daan ang mga mya.

"Eyes on the road hotshot", Shayne said knowingly. Ramdam niya ang init ng mga titig ni Jaime kahit na nakapikit siya. Wala siyang planong madisgrasya kaya sinaway niya ito.

"Sleep baby, don't worry, you're safe with me. As if I will let anything happens to you".

Hindi na lang umimik si Shayne at hinayaan na lamang anang sariling tuluyang makatulog. Totoong inaantok siya, lately kasi ay binubulabog ng mamang ito ang isip niya kaya nahihirapan siyang makatulog sa gabi.

Nang makarating sa Laguna ay inikot lahat nina Shayne at Jaime ang lahat ng furniture shop. Iba-ibang shop ang inorderan nila ng mga furnitures na tuwang-tuwa. Lahat naman ay nangako na idedeliver ang order nila within two weeks na tamang-tama lamang para sa pagsisimula  ng project nila.

Bandang tanghali ay natapos na sila sa sadya nila kaya naman nag-aya na si Jaime na kumain at mamasyal muna. Since malapit na rin naman na sila sa Cavite, naisipan nilang sa Tagaytay na kumain at dadaanan na rin nila uli ang condo. Kailangan din kasing kumuha ni Shayne ng pictures ng iba't-ibang kuwarto at lugar sa condo upang matapos na niya ang overall designs. Sila ni Kristoff ang personal na magdedesign sa interior ng condo nina Jaime. Masyadong malaking ang project na ito upang ipagkatiwala lang nila sa mga junior designers.

Kasalukuyang nasa rooftop ng condo sina Shayne at Jaime. Gumagawa ng ilang sketches si Shayne para sa lugar na iyon. Iniisip niyang gawing garden ang taas upang pwedeng maging tambayan ng mga residente doon. Iniisip din ni Shayne na maglagay ng wooden swing sa isang sulok, tamang-tama may nakita siya sa isa sa mga pinuntahan nila. She made a mental note to call the supplier at idagdag iyon sa order nila.

LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon