Chapter 9: Sorry

2.8K 26 1
                                    

Dj's Pov
Kanina pa lumabas si Kathryn at 1am na ngayon pero di parin siya bumabalik. Saan na kaya yun? Oo, ang g*go ko para sigawan yung anak ko. Kaya nga nagsisisi na ako ngayon.

Bumaba ako para hanapin si Kath at Isabel dun pero wala naman sila dun. Tinignan ko na sa mga guest rooms sa baba wala naman. Tinanong ko na sina Ate Che, di naman nila nakitang lumabas ang dalawa.

Kaya umakyat nalang ulit ako at tinignan ang iba pang guest rooms pero wala. Binuksan ko na din ang extra room wala din dun. Aha! Mukhang nasa room ni Isabel lang sila.

--

Kanina pa ako naghahanap andito lang pala talaga! Nakita kong nakasiksik si Isabel sa mommy niya.

Lumapit ako sa kanila at mukhang malalim na ang tulog nila kaya di ko na sila ililipat sa room namin kasi baka magising pa.

Dj: *kiss sa noo ni Isabel* I'm sorry, baby. *kiss sa noo ni Kath* I'm sorry, mahal. Mahal na mahal ko kayo.

--
Morning

7am palang ngayon at gusto kong bumawi sakanila dahil siyempre, alam ko naman ang feeling na pinapagalitan. Sa kanilang dalawa talaga ako may kasalanan. Pinagalitan at sinigawan ko si Isabel tapos nagkasagutan pa kami ni Kath. Wow Daniel! Masaya ka ba sa ginawa mo? Siyempre hindi! Kaya nga babawi ka eh.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa paborito naming breakfast resto para bumili ng siyempre breakfast namin. The usual order lang naman.

Kuya Waiter: Sir, hintay lang po kayo ng 5 minutes?

Dj: ah sige tol, okay lang. Dun lang ako sa may gilid oh.

Kuya Waiter: sige po. Ihatid ko lang po diyan.

Habang naghihintay ako, palihim akong nagdadasal na sana pagdating ko dun sa bahay ay hindi pa sila gising.

Kuya Waiter: Sir, eto na po yung order niyo.

Dj: ay salamat ah.

Kuya Waiter: okay po. Thank you, come again.

Pauwi na ako pero dumaan muna ako sa isang flower shop para sakanila. Kumbaga peace offering hahaha.

Ate (nagtitinda): Sir, ano pong kailangan niyo?

Dj: ate, dalawang bouquet po. Isang one dozen at isang half dozen.

Ate: magkakaibang kulay po yung dalawa?

Dj: ah opo. Yung sa one dozen, red po lahat. Tapos yung sa half dozen, puro pink po then kung pwede palagyan ng stuffed toy.

Ate: sige po sir Daniel.

Dj: ate mga ilang minutes po?

Ate: meron ng one dozen na red roses ready na. Yung pink nalang.

Dj: ah sige po. Heto po *abot ng pera*

Habang ginagawa ang bouquets, tinext ko si Ate Che kung gising na ba ang dalawa eh 8am na. Pero buti nalang, hindi pa daw. Kaya pa to! Pinahanda ko nalang din yung mesa para naman ready na agad.

Ate: sir eto na po. Thank you po.

Dj: *smile* salamat ate.

--
Back at the Ford's residence

Binigay ko na kay Ate Che ang mga pagkain para mahanda niya tapos ang bouquets pinatong ko nalang sa upuan ko.

Umakyat ako at sumilip muna para tignan kung ano na ang nangyayari. Ayun tulog padin sila. Kaya bumaba nalang ako at nanood ng tv habang naghihintay sakanila.

Team FordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon