>>FLASHBACK<<
Dj's Pov
Eto na ang pinakahihintay kong araw mga tol! Grabe papakasalan ko na din sa wakas ang babaeng pinakamamahal ko. Andito ako ngayon sa kwarto naghahanda para sa kasal. Suot ko na ang puting polo at ang vest. Three piece suit kasi.
(A/N: Yung three piece suit po is yung white polo, na may vest then the suit mismo)
Nanggaling na dito kanina sina Pat, Dom, Khalil tsaka si JC. Bale ang kasama ko dito ngayon sa kwarto ay yung mga kapatid ko (Padilla & Ford) andito din si Mama tsaka si Papa
Papa Rommel: Dj, anak, nais kitang batiin sa napakasayang araw nato. Ingatan mo si Kathryn, wag na wag mo siyang sasaktan, wag mo siyang papabayaan. Asawa na yan.
Dj: *nod*
Papa Rommel: Sigurado akong magiging masaya ang araw na to hindi lang para sa'yo kundi para sa ating lahat. Maligayang araw ng pagpapakasal, aking anak.
Dj: *hug kay Papa rommel* salamat pa.
Ate Roanna: *lapit at yakap kay Dj* Congratulations, baby boy!
Magui: Congrats kuya! I love you both!
Matapos ang sandaling iyon, binuksan ko na ang regalo ni Kathryn para sa akin. Binigay ito ni Lhexine kanina.
Dahan dahan kong binuksan dahil sa hinala ko, babasagin ito. Binasa ko muna yung mensahe niya para sakin.
"To the best guy ever, my partner, my tangi, and my love. Today is the day we've been waiting for! I can't wait to spend the rest of my life with you, love. I also can't wait to wake up and sleep next to you. I know you're gonna be the most loving, caring, understanding and faithful husband. Here's my gift to you. I hope you like it! I love you, my love! See you in the ceremony. I know you'll look so handsome! Love you!"
My Kathryn, sayo ko lang naramdaman ang sayang 'to. Well, hindi na rin ako makapaghintay na makasama ka habang buhay, mahal.
Jusko, ilang minuto nalang makikita ko na siya.
(Fast forward: Wedding Ceremony)
Kakatapos lang ng sermon ni Father at ito na, ang pagpapalitan namin ng vows.
Priest: okay, Mr. Ford, do the honor.
Dj: *nod* taong 2011, nakilala kita sa isang go-see sa ABS-CBN. Sino ba naman ang mag-aakala na ang babaeng nakita ko noon, eh, magiging asawa ko na ngayon? Ang sarap lang sa pakiramdam na tumagal tayo ng ganito, mahal. Sa inyong lahat, *tingin sa lahat* na nakawitness at sumuporta sa pagmamahalan namin ni Kathryn, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat dahil andiyan kayo bilang support system naming dalawa. Love, sa pagkakataong ito, gusto kong sabihin sayo na, ikaw ang pinakamagandang bride na nakita ko. *smile*
Kath: *teary-eyed*
Dj: hindi ko alam kung saan magsisimula, pero unang-una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa'yo dahil hindi ka sumuko sa mga panahong pinagdudahan nila ang pagmamahalan natin. I know love, na you're close to giving up, pero hindi, mas naging matatag ka and proud na proud ako sayo. *teary-eyed*
Kath: *umiiyak*
Dj: totoo nga pala yung sinasabi nila, na people who are inlove will always choose love over anything. And yun ang ginawa mo. Love, for better or for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health, til death, do us part.
Pinunasan ko na din ang mga luhang di ko namamalayang tumutulo habang nagsasalita ako. Ganun din si Kathryn.
Priest: Mrs. Ford, it's your turn.
Kath: uhm..hi tangi! *smile* this is it! Yung araw na pinakahihintay natin. Dati, as I could remember, we would always talk about this. And ngayon, nangyayari na sya! I'm so happy! First of all, gusto kong ipakilala ulit sayo ang Dj na nakilala ko noon. Mabait, maalaga, mapagmahal at makulit. *giggles* well, wala namang nagbago indeed, you became better! Except lang pala sa pagiging makulit. Bawasan mo na, love ha. Mama's boy as what I used to call you which is totoo naman! Who would have thought na ang panganay na anak at ang baby boy ni Mama Carla eh, ikakasal na ngayon? Wala akong masyadong may isasabi dahil for me, you're the best!
Dj: *smile at teary eyed*
Kath: for better or for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health, til death do us part. I love you, tangi.
(A/N: Guys sorry, di ko po kasi masyadong alam yung wedding ceremony. Please bear with me. Thank you.)
Priest: in this moment, I now pronounce you, as husband and wife.
Crowd: *cheering*
Priest: Mr. Ford, you may now kiss your bride. Do the honor.
Crowd: *cheering* *kinikilig*
Unti-unti na akong lumapit kay Kathryn at itinaas ang veil niya. Ang perpekto ng mukha! Jusko!
Nakangiti lang siya sakin na para bang may mga nakikita siyang kakaiba saakin.
Dj: *smiles sweetly* *taas ng kilay*
Kath: *nod*
Dj: *kissed Kathryn on the lips*
Crowd: *cheering* wohooo!
After ceremony, may photoshoot pang naganap dito bago pupunta sa reception.
--RECEPTION--
Andun na daw ang lahat sa reception, kami ni Kathryn naman, andito sa labas ng hall dahil may entrance pa kami kasama ang aming entourage.
Wedding Coordinator: Mr & Mrs. Ford, please get ready po. Enter po kayo in 5 minutes.
Narinig na namin ang kanta na hudyat para pumasok na kami.
Dj: let's go, love. *kuha ng kamay ni Kath*
Emcee: let us all welcome, our newly weds, Mr. & Mrs. Ford! Please give around of applause.
Crowd: *clap*
Emcee: to finally open the program, may I call on Mr. JC Padilla, the best man, as he give his speech to the couple. Mr. & Mrs. Ford, here's your wine glass. After his speech, do the toast.
KathNiel: *nod*
Emcee: Mr. JC, please go infront. Thank you.
Pumunta agad si Jc sa harap.
Jc: tol, ate Kath, congratulations sa inyong dalawa. Sa puntong ito, naabot niyo na ang happily ever after. Meaning, it's the start of something new! *laughs* de loko lang. Kuya, Ate, masaya ako dahil isa ako sa mga taong naka witness ng love story niyo. Siyempre gusto kong magpasalamat sa inyong dalawa dahil nandyan kayo parati di lang para sakin kundi para sa mga nangangailangan. Hindi ko na to papahabain dahil alam niyo naman ang gusto kong ipahayag. Basta salamat, salamat at salamat sa inyong dalawa. Mahal ko kayo. Cheers!
KathNiel&Jc: *cheers*
Matapos ang speech ni Jc, nag cake slicing tapos may kaunting program at kainan na.
Nag table to table kami for picture at nakakatuwa lang dahil sa kasal namin, enjoy ang lahat at nagkakasiyahan.
------
Next Chapter: Part 3
BINABASA MO ANG
Team Ford
FanfictionA KathNiel futuristic story especially made for you. Enjoy reading!
