Chapter 5: Get together with KathNiels! p2

1.9K 23 0
                                    

Last part na ng program at pagkatapos nito, uwian na. Grabeee, parang kani-kanina lang akong pumasok, ngayon uuwi na. Hayy.

Kasalukuyang nagmemessage muna ang mga admin para kay Dj at Kath. At itong si Isabel naman, ang cuuuute nagsasayaw pa sa gilid. At grabe, di na masyadong nakikinig ang daddy kasi busy sa kakavideo kay Isabel. Si Kath nalang ang nakikinig ano ba! Haha pero okay lang yun noh, parang dati lang din kasi na laging imahinasyon lang to, ngayon totoo na.

Admin 1: and to Dj, thank you dahil naging totoo ka sa mga words mo. From the moment na sinabi mong, "di man perfect boyfriend pero pagtatrabahuan na maging the best boyfriend" yun, dun ko masasabing saludo ako sayo. Solid grabe. Thank you sa lahat ng ginawa mo for Kath and of course, sa baby ng lahat, si Isabel. Enjoy your life as parents and couple of course. Basta, we, KathNiels, got your back. Always.

Nagpalakpakan naman ang lahat sa message ni ate admin. Meron pa ngang fans na naluluha dahil sa message.

Host: and of course, we won't end this get together without hearing their messages naman. Kath, Dj.

Binigay na sakanila ang microphone at syempre, si Kath ang mauuna.

Kath: happy 10th anniversary to us! KathNiels, uhmm nandyan kayong lahat simula palang. And thank you for that kasi until now, andito padin. Every milestone na meron kami ni Dj, di niyo kami pinabayaan. During mallshows, meet and greets, events at kung ano pa na nandun kami ni Dj lahat kayo full force talaga hahaha. From the banners, balloons, bubbleheads and lights palang, I can say waging wagi na kayo samin. Yes, we still remember that. Basta, andito lang kami para pasayahin kayong lahat gaya ng ginagawa niyo para samin. From the bottom of our hearts, thank you. We love you all.

Dj: KathNiels! Wassup? Hahaha di loko lang. Syempre, salamat sa lahat ng bagay na ginawa nyo para samin. Di man namin yun mapapalitan lahat pero isa lang ang pwede naming ibigay, at yun ay ang pagmamahal. Salamat din dahil hanggang ngayon, sinusuportahan niyo parin kami. At syempre salamat din dahil naisip niyo tong get together natin. Salamat dahil alam kong marami na sainyo ang may trabaho na, pamilya na naghihintay pero pinili niyo pading pumunta. Sa get together na to, masasabi kong, time flies. Tignan niyo naman oh. Dati mga dalaga't binata palang kayo ngayon, professionals na at may sariling pamilya na. Kami nga meron na eh hahahaha. Isang malaking pasalamat sa inyo, KathNiels. More get togethers like this. Mahal na mahal namin kayo.

Tahimik ang lahat pagkatapos ng message ni Dj. Grabe nakakaspeechless ang messages nila bes! Akalain nyo yun?!

Pero isa lang ang masasabi ko, sobrang worth it lahat ng pagiging fangirl ko.

Team FordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon