4

6.3K 126 2
                                    

Chapter Four

Maaga ng nagising si Monika dahil ayaw na niyang mabuhusan pa ng malamig na tubig na ginagawa ng kanyang ina.

Mabilis siyang umayos  ng  makarinig siya ng mga yabag. It was her Mom and Dad, kita niyang gulat ang mga ito ng makita siya at ang agahan na siya ang nag-asikaso. Lumapit siya rito at isa-isa binigyan ng goodmorning kiss sa pisngi nila.

"Goodmorning Ma.. Goodmorning Pa, tara na, kain na tayo" nauna na siyang naglakad patungong mesa at umupo.

"Naniniwala na ako sa himala, hon!"

"Ako rin. Biruin mo nagising siya ng maaga at nagluto pa ng agahan. This is miracle" Tinawanan na lang niya ang mga pinagsasabi ng kanyang magulang

"Ang OA niyo naman, porke't maaga lang nagising at nagluto lang ako ng agahan, himala na kaagad? Di ba pwedeng baguhin ang nakasanayan lalo na't may pasok na ako simula ngayon" Sinubo niya ang egg sandwich at humigop ng mainit na sabaw ng mushroom.

"Oo nga pala! Hindi ba't susunduin ka nina Zach at Lliam? Bilisan mo ng kum--"

Napaigtad silang tatlo ng may busina sa labas ng bahay, siya na ang nagpresinta na tingnan kung sino iyon. Nang mabuksan niya ang pintuan, nasilaw siya sa liwanag. Hindi sa liwanag ng araw, kundi sa liwanag ng kumikintab na kotse.

Ang sakit sa mata ah!

Kumurap-kurap pa siya at bumaba roon ang magkapatid na sina Zach at Lliam.

Parang nagslow-motion ang mga galawan nito sa paningin niya. Para bang nasa isa itong pelikula dahil sobrang gwapo ng dalawang magkapatid na ito.

Makalaglag eyeglasses.

Papalapit na sila ng papalapit sa direksyon niya. Ang popogi! Mga pinsan ko ba talaga ito? Speaking of pinsan...Pinilig niya ang ulo at sinapok ang ulo.

Gaga ka talaga Monika, huwag mong masyadong hangahan ang mga pinsan mo!

Pero kasi ang gwapo talaga. sabi ng isa niyang isip.

Hindi pwede! saad ng kabilang isipan niya.

"What's wrong my dear cousin?" Bumalik sa realidad ng marinig ang boses ni Lliam. Tiningnan niya ang dalawa at nakakabighani ang taglay na kagwapuhan nila.

Tumikhim siya, inayos ang kanyang makapal na eyeglasses at yumuko. "Masyado atang napaaga ang punta niyo rito...."

"Di yata sinabi sayo ni Mom, the classes will be start at exactly 7am. Dapat kami ang nagtatanong sayo kung bakit hindi ka pa nagbibihis..." Lliam said.

Anong oras na ba?! Tumingin siya sa kanilang orasan, It's 5:45 in the morning. "5:45 palang ah, masyadong maaga para sunduin niyo kaagad ako"

Lumapit sa kanya si Zach at ipinakita ang relo nito "It's 6:58.." tumingin ito sa likuran niya "Eh paano ba naman, hindi naman kasi gumagana yang orasan niyo. It sucks at time of 5:45. Look"

Lumingon siya at tama nga si Zach, hindi umiikot ang kamay mg orasan. "S-sige. Magbibihis na ako" Hindi na niya hinintay ang sagot at mabilis na umakyat paitaas.

Hindi na siya naligo, naghilamos na lang siya at pinili ang white longsleeve then long red skirt na aabot hanggang tuhod niya, pinaresan niya ng sandal na kakulay ng paa niya. Inayos niya ang eyeglasses at sinuklay na lang niya ang buhok niyang mahaba at mabilis na kinuha ang bag niya at sinukbit ito sa likuran niya bago mabilis na tumakbo paibaba.

"Tara na, late na tayo! Ma, Pa! Alis na kami!" siya na ang naunang lumabas ng bahay at patakbong tinungo ang kotse pero natigil siya at sinapok ang ulo. Masyado kang excited Monika!

"What a cute outfit!" mabilis siyang lumingon, it was Lliam. Tiningnan siya nito mula taas hanggang pababa. "Nice..." halatang pinipigilan nito ang pagtawa.

"Anong nakakatawa sa suot ko?" tanong niya. Umiling naman ang dalawang magkapatid at nauna ng sumakay sa kotse.

"Hop in, were late" Zach said. Sumunod naman siya at doon pumwesto sa likuran. Ang dalawa ay nasa harapan. Mas mabuti na iyon. Kahit mga pinsan ko pa iyan, she has a bad feeling for them.

Hindi niya lang mawari kung ano iyon. Naguguluhan siyang tumingin sa dalawa ng patuloy itong tumatawa habang nakatingin sa daanan.

At alam niyang dahil iyon sa suot niya. Wala siyang problema sa kanyang damit at inaamin na may pagkamanang ang kanyang damit kaya madaling malaman sa dalawang ito na siya ang pinagtatawanan.

She tightly hold her bag and look outside of the car. Mga tao ngayon, pati sa pananamit hinuhusgahan ka na.

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa Holland University, pagkababa niya ay narinig niya ang tilian at bulungan habang nakatingin sa direksyon nila. Mukhang ang pinagtitilian ay ang magkapatid habang siya ay pinag-uusapan ng kung ano-ano.

"Eww! Nerd! Panget naman!"
"May manang na pala rito sa school! Hahahahaha!"
"Hi Lola!"

Hindi na niya iyon pinansin, tumingin siya kina Zach at Lliam na kumakaway at nagbibigay ng flying kiss sa mga kababaihan.

Napangiwi siya ng mapatingin sa mga kababaihan na parang mahihimatay sa kilig at grabe kung makasigaw. Hindi naman talaga makakaila na marami ang nagkakabaliw sa dalawa niyang pinsan. Yumuko nalang tuloy siya dahil iba ang tingin ng mga estudyante sa kanya, para gusto siyang kainin ng buhay.

Oh God! Palakasin niyo po ang loob ko!

"Let's go couz?" mabilis siyang lumayo ng bumulong sa kaniyang tainga si Lliam. Tumawa lamang ito pero biglang nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagkangiwi.

"Fuck! Bakit mo ako binatukan?!" Napatingin siya kay Zach na madilim ang tingin sa kapatid niya bago tumingin sa kanya.

Natakot siya kaya umiwas siya ng tingin at yumuko. "Stay away from her or else..."

"Or else what?"

Hinintay niyang sumagot si Zach pero nagulat siya ng marinig niya ang sagot nito. "Or else I will kill you with my bare hands. Understand?"

Gulat siyang nag-angat ng tingin at kitang-kita niya ang tagisan ng tingin sa dalawa. Lumipat sa kanyang tabi si Zach at hinawakan ang braso niya. "Let's go. We are fucking late and it's because of you!" tinapunan siya ng matalim na tingin bago siya hilahin na hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng pinsan niya.

Tumingin siya sa likuran ng makitang kinawayan lang siya ni Lliam at nagthumbs up ito sa kanya.

A-ano i-iyon? Bakit nagthumbs up siya?

---

Wild Obsession (Zach Orcantillo Story) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon