15

4.7K 97 1
                                    

Chapter Fifteen

"Region VI-A CALABARZON, The region is located in southwestern Luzon, just south and east of Metro Manila and is the second most densely populated region in the country..." I shifted to the next slide.

"Giving you some history about this, CALABARZON and MIMAROPA were previously combined together as Southern Tagalog, until they were separated in 2002 by virtue of Executive Order No. 103. Executive Order No. 246, dated October 28, 2003, designated Calamba City as the regional center of CALABARZON. Next slide, Taal, in particular, is considered the "Heartland of Tagalog Culture" and is currently the present "center" of Tagalog culture and people."

Binigay ko pa ang mga Provinces na kabilang sa CALABARZON at ang mga Tourist Destinations nito.

Graded Presentation and Observation ang ginagawa namin, kaya kailangan talaga ng puspusan na pagrere-search sa mga Regions ng Pilipinas.

"That's great, Ms. Roduluvick. I'm so impressed at your work. Please give her a warm of applause." our teacher said.

I smiled at them. Naupo na ako sa desk ko, pinakinggan ang iba pang magre-report ng presentation nila. 27 kami na nagta-take ng BS in Tourism and Management. Pang-labimpito akong nag-present, medyo malapit lapit na matapos.

After the two subjects, It's already break time. I've decided to stay in the room, reading some cultures of other countries. Ang sunod na presentation namin ay about sa kultura ng mga ibang bansa. Hindi lang basta kultura, kun'di mga destinations, the provinces, state of their economy, etc..

"Zach's here!" matinis na sigaw ng isang kaklase ko. Mabilis silang umayos sa kinauupuan nila, kaunti lang naman kami sa loob dahil ang iba ay nag-lunch break.

I glanced at the door, I saw Zach is holding a bouquet of red roses in his one hand, looking directly into my eyes and walked towards at my desk.

"Hi." he greeted. Nakakapanibago ang ngiti niya, lalo pa siyang pumogi kapag ngumingiti siya. Maaliwalas ang mukha niya. Bumaba ang tingin ko sa bulaklak na hawak niya.

Inilapag niya 'yon sa desk ko, tiningnan ko lang ulit 'yon.

"P-Para saan 'to?" I asked. My eyes are still on the red roses. I heard his chuckles so I shifted my gaze to him.

He bit his lower lip. "I'm courting you, Monika." he said.

Rinig ko ang pagsinghap sa paligid, nagsimula din ang mga bulungan. Tumingin lang si Zach sa gilid ng balikat nito, tumahimik bigla ang buong klase.

"Bakit?"

"Because I like you. I really want to court you kahit na abutin ako ng taon, marinig ko lang ang sagot mo." he said. "I can wait for years, Monika. I'll wait for your answer."

Hindi ako nakapagsalita.

Pagkatapos 'non umalis na siya. Nilagay ko na lang sa ilalim ng desk ko ang bulaklak nang dumating ang teacher namin.

"Lliam!" kaagad kong tinakbo ang distansya namin. Saktong dismissal time na kaya sasabay na lang ako sa kanya. Mabuti na lang ay nagkasalubong kami sa Management Department.

"Hey."

Sinabayan ko ang lakad niya. Ang bag nito ay hawak niya at nakasabit lang sa balikat. Isang tingin lang ang iginawad niya sa'kin.

Wala naman talaga akong sasabihin. Gusto ko lang siya makasabay, tutal ay parehas din naman kami ng inuuwian na bahay.

Tumikhim ito.

"Zach's already courting you, huh." pagsisimula niya. I turned to him, and nod my head. Marahas siyang bumuga ng hininga na para bang may dala siyang malaking problema.

"B-Bakit?" I asked.

Nakalabas na kami ng main entrance, palakad na sa parking lot.

"Pumayag ka?"

Natigilan ako.

"Bigla na lang kasi siyang pumasok sa room namin, dala ang bulaklak. Doon niya sinabi na liligawan niya ako."

"Wala kang sinagot sa kanya?"

Tiningnan ko siya. "Nanahimik na lang ako. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya." napakamot ako tuloy sa ulo.

Dapat ba talagang may sasabihin ako? Eh, sa nagulat lang ako. Bigla-bigla na lang kasi siya mag-desisyon, hindi niya pa nga ako tinatanong tungkol doon.

He tsked. Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako.

Pagod ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Inayos niya muna ang buhok bago nagsalita.

"Silence means yes from him, Monika."

Napapikit ako doon.

"Kaya kailangan kapag may ginagawa siyang mga bagay na hindi ka niya tinatanong, sumagot ka o magbigay ka ng opinyon. Ganoon kasi si Zach, mabilis siyang magdesisyon hindi muna nagtatanong." he said.

"M-Magagalit ba siya kapag tumanggi ako sa mga bagay na gusto niya?"

Isa ding malaking katanungan 'yon sa akin. Hindi ako marunong tumanggi sa lahat, pero ngayon, natuto na ako. Na hindi sa lahat ng bagay pwede kang um-oo, marunong ka din dapat tumanggi.

"It depends on him. Misteryoso ang manliligaw mo, insan."

Magsasalita pa sana ako nang maramdaman na may tumabi sa'kin.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Zach asked. I just gave him a look, then back again to Lliam. He's looking at Zach with his tired eyes.

"Nag-uusap lang kami." saad ko.

Gulat ko siyang tiningnan ng inalis nito ang bag ko at binitbit sa isang kamay niya.

Pilit kong kinukuha 'yon.

"Akin na, hindi naman mabigat."

He tsked. "This is my responsibility, Monika. Let me do this." he said.

Si Lliam ang nauna papunta sa kotse, kaya sumunod ako. Tumabi sa'kin si Zach habang sumisipol-sipol.

Umangat ang tingin ko sa kanya na kaagad ko ding iniwas nang nagkasalubong ang paningin namin.

Hanggang sa makasakay ako sa backseat at nagsimula na siyang magmaneho, patuloy pa din ang pagsipol niya.

Is he happy? About what? For courting me?

Kailangan kong makausap ang mga magulang ko tungkol sa panliligaw niya bago ako mag-desisyon na kausapin siya.

Pero kung para sa'kin, payag naman ako. Wala naman masama kung bibigyan siya ng chance. Kung aabot 'man ng ilang taon ang panliligaw niya sa'kin at hindi pa ako handa na ibigay ang sagot ko.

Then, he's willing to wait.

Sa ngayon kasi pag-aaral muna ang iniisip ko. Tsaka ang pangarap ko bilang isang Flight Attendant. Alam ko na kapag pumasok ako sa isang relasyon, kaunting oras lang ang maibibigay ko dahil hindi madali ang pagiging F.A.

But, if he's willing to wait my answer till I'm ready to have a relationship with him, then I might say, I'm lucky because there is someone who's just waiting for me even if it takes long years.

---

Wild Obsession (Zach Orcantillo Story) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon