30

5.6K 95 0
                                    

Chapter Thirty

"So, what is your decision, Lliam? You agreed to the proposal of Zach?" I asked. Ininom nito ang kape bago tumango.

"Yes. Kapag nag-merge ang kompanya naming dalawa, malaki ang impact 'nun at mas makikilala. Sa estado kasi ng kompanya ko kailangan ko rin ng mga partnerships and shares from other companies so that it will become bigger. Pinag-uusapan na namin ni Zach ang mga kailangang gawin, kalahating porsyento o higit pa ang kaya niyang ibigay sa company ko..." He said.

"Do'n ka pa rin sa company magii-stay?"
Tumango siya. "Of course. May iba din akong ginagawa at kailangan kong bantayan ang lahat ng mga workers in their duty time." aniya.

Sa isang linggo ako, dalawang beses akong binibisita siya sa apartment. Gabi ako pumupunta dahil 'yon ang oras ng uwi niya. Pinayagan naman ako ni Zach na pumunta kay Lliam, hinahatid at sinusundo ako.

Sa tingin ko ay ayos na ang lahat.

Nakausap ko na si Tita Queenie about sa kanila. Sinabi ang lahat ng pinagdaanan ko sa loob ng dalawang taon. Gan'on pa rin si Tita, mabait at maunawaain. Nasa bahay pa rin sila naninirahan ni Tito Francis kasama ang kanilang mga kasambahay. Kaya sinabi ko din na minsan ay bibisitahin ko sila.

Marami pang tinalakay si Kuya Lliam sa'kin about nga sa pakikipag-partnership niya kay Zach. Nung una kasi ay ayaw niya pero dahil nga sa nagsisimula pa lang siya ay pumayag na.

"Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita?" Lliam asked. Tumayo ito pero mabilis ko siyang pinigilan.

"Hindi na. Kakain naman ako mamaya sa bahay, eh."

"Sure?"

I nodded.

Umupo ulit siya. Tiningnan niya ako ng ilang segundo na ikinapagtaka ko.

"B-Bakit?"

"Wala lang. Namimiss ko na ang kakulitan mo dito sa apartment ko. Naninibago ako sa tahimik. Ikaw lang naman ang nagpa-paingay dito at nagbibigay saya." He chuckled.

Aww.

Tumawa ako. "Bakit kasi hindi ka pa maghanap ng girlfriend? o di kaya naman ay mag-alaga ng aso, maraming pets para umingay dito."

"Wala pa akong nahahanap eh."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Baka naman high standards ang hinahanap mo sa babae? Naku, Kuya Lliam."

"Hindi ah..." Ininat nito ang braso sa sandalan ng sofa. "Siguro, wala pa sa ngayon. Tsaka gusto ko muna abalahin ang sarili ko sa trabaho. Sa oras kasi na  nagka-girlfriend ako ay sa kanya ko ibuhos ang lahat ng oras, panahon at atensyon ko."

"Sana ol" sambit ko.

He scoffed.

My phone vibrated. Kinuha ko ito sa purse bag ko. Nakita ang isang mensahe ni Zach.

To: Bossy Zach

  Nandito na ako.

"Nandiyan na 'ata ang sundo mo." Lliam said. Tumango ako at binalik muli ang phone sa bag. Sabay kaming tumayo at nilakad ang direksyon papuntang pintuan. Hinatid niya ako hanggang sa ibaba. Nang nasa gate na kami ay nilingon ko siya.

"Balik ulit ako dito, next week."

He nod his head and smiled. "Take care, Monika. See you next week."

Lumapit ako at binigyan siya ng yakap. Humiwalay ako sa yakapa at tinalikuran siya. Nakita ko ang sasakyan ni Zach sa kabilang gilid ng kalsada. Sa loob ay siya na ang nagbukas ng pintuan ng passenger seat.

Wild Obsession (Zach Orcantillo Story) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon