25

4.7K 84 0
                                    

Chapter Twenty Five

Wala na akong pakialam kung basang-basa na ako. My body is shivering because of the coldness and wetness all over to my body.

Kinse minutos na ako dito. Magang-maga ang mata sa kakaiyak at masakit na din ang lalamunan ko. Ilang minuto lang ang pwede kong bilangin ay mahihimatay na ako.

Bakit ba kasi ako nagpadala sa emosyon ko? Dapat mas kinikilala ko muna siya bago siya pinapasok sa buhay ko. Eh, masisisi ko ba ang sarili ko? Pinaramdam niya sa'kin ang karapat-dapat kong sapitin at 'yung may kasama sa tabi mo kapag malungkot ka.

Ipinakita niya 'yon kaya nagtiwala ang sarili ko.

Pumasok sa isipan ko ang imahe ng posisyon nila kanina. Hindi ko matanggap, hindi ko masikmura. Ang dumi nila!

Ayoko na.

Nanginig pang muli ang katawan ko, kulubot na ang balat ng daliri ko. Tuyo na ang labi, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Niyakap ko ang dalawang tuhod ko para kahit papaano ay makakuha ng kaunting init do'n.

Hanggang anong oras pa ba ako dito?

Kung pwede na ring mamatay, go na. Para makasama ko sina Mama't Papa sa taas.

Suddenly, the raindrops stopped. Sa gilid ng mga mata ko ay may itim na sapatos akong nakita.Umangat ang tingin ko gano'n na lamang ang paglaki ng mga mata ko dahil sa nakilala ang pamilyar na mukha niya kahit nanlalabo ang mata ko.

"L-Liam..." I mumbled.

Hindi siya nagsalita. Nag-squat ito paupo para magpantay ang mukha namin. Namuo na naman ang luha sa mga mata ko. Hinaplos nito ang pisngi ko, ang lambot ng mga titig niya.

Na-miss ko 'yon.

"Let's go?" he lend his one hand, I immediately took it. Inalalayan niya akong tumayo bigla akong nahilo at napahawak sa braso niya. "Damn, you're shaking..." he said. Hinapit niya ako sa tuyong katawan niya, do'n naramdaman ang init.

Wala akong ideya kung saan ba kami pupunta pero ang alam ko, kahit na anong mangyari ay ligtas ako sa kanya. Ligtas ako sa pinsan ko, kay Lliam.

Nang makapasok ako sa kotse nito, nilagyan niya ako ng isang coat. Mabilis kong niyakap 'yon, ang sakit ng ulo ko na pumipintig-pintig at parang hinahati sa gitna. Nakita ko ang pag-upo nito sa driver seat pero hindi ko na nakayanan.

My vision gets blurry and I passed out.

"Monika..." a hand softly tapped my cheeks. I moved a bit and hummed. "Monika, gising..." Iminulat ko ang aking mata. Kinurap-kurap ko pa ang mata at ng luminaw ay nakita ko ang mukha ni Lliam na nakangiti.

"Wake up, sleepyhead. Kailangan mo pa uminom ng gamot." he said. Bumangon ako sa pagkakahiga, kaagad na nahawakan ang ulo dahil sa sakit.

"A-Aray..." I hissed. Bumaba ang tingin ko sa damit ko. Isang white oversized shirt at isang sweatpants ang suot ko. Pinalitan niya ba ako habang natutulog? It means nakita niya ang priba—

He tsked. "No, hindi ako nagpalit sa suot mo. Pinatawag ko yung babae diyan sa katabi kong apartment, siya ang nagpalit sa'yo."

Tiningnan ko lang siya. Totoo?

May kinuha ito sa ibabaw ng drawer, ang cellphone niya. Pagkatapos ay may ipinakita siya na litrato na natutulog ako na ganito ang damit ko habang may isang babae ang pinupunasan ang braso ko.

"Tsaka na ako pumasok sa kwarto nang matapos ka ng bihisan." Aniya at nilagay ang phone sa bulsa nito. Tumayo siya at umikot sa kabilang gawi ko. Nakita ang isang tray na may mga laman na almusal, amoy ko ang aroma ng kape at may mga tableta din do'n na nakalagay.

Wild Obsession (Zach Orcantillo Story) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon