26

4.7K 88 1
                                    

Chapter Twenty Six

“Hello, this is your captain speaking. Welcome aboard. This is flight number 5549. We are presently flying at thirty-nine thousand feet on our flight from Philippines to Tokyo, Japan. The exact arrival time is 2:05 PM GMT. We hope you enjoy your flight.”

"Fasten your seatbelt, Mam. Thank you" I said in a soft and calming voice. The woman smiled at me and lock her seatbelt. Chineck ko ang seatbelt ng katabi niya, nginitian ko ang anak nito na nakatingin sa'kin. May lollipop na nakasubo sa maliit na bibig niya.

Then, she raised her two arms looking at me.

"Kapag laki ako, gusto ko tulad niya, Mommy..." a young girl said, giggling. "Ganda po ikaw, ati." Aniya. Hinaplos ko ang buhok nito at ngumiti.

"Mag-aral ka ng mabuti para maging katulad mo ako. Okay?"

"Opo."

Naglibot pa ako sa ilang pasahero. The flight will land-off in Japan. Marami ang mga turista, may mga iba din na Pilipino. International Flight ang kinuha ko kaysa Domestic. Isang taon pa ang hinintay ko at iginugol ang oras sa training.

Dapat ay walong linggo lang ang training pero dahil sa International Flight ang gusto kong kunin ay tumagal pa ng isang taon.

Tapos na ako sa 4 year course ko sa BS in Tourism and Management. Graduate na ako sa FAA at nakakuha ng certification bilang Cabin Crew ng HopeFly Airlines.

"Uy, Chloe. Anong ginagawa mo?" pagpasok ko sa cabin crew ward ay nakita ko si Chloe na nakiki- paglandian sa Foreigner na F.A. "Tama na 'yan, pagalitan talaga kayo ni Mrs. Valiente." siya ang Manager and Senior Crew namin.

Inilibot ko ang tingin, nakita na nasa kabilang ward siya sa harapan. Abala sa pakikipag-usap sa ibang crew. Umupo muna ako at hinintay ang take-off. Tapos na din ang safety demonstrations namin kanina lang.

Pangalawang taon ko na bilang F.A at nasanay na ang sarili sa harap ng maraming tao at pakikipag-interact sa kanila. Ganito naman talaga ang gawain ng isang Flight Attendant. You must be approachable to others and be presentable infront of them.

Ang mga kilos mo ay limitadong-limitado.

"We will be landing in Tokyo International Airport, which is called Haneda International Airport."

Tumayo ako at pumunta sa aerial row maging ang mga ibang Cabin Crew ay pumunta na sa iba't-ibang seats para mabantayan ang mga pasahero.

"Ladies and Gentlemen, we will start descending soon, please fasten your seatbelts."

As that captain said, we immediately check the seatbelts of the passengers, assuring it is locked for their safety. Humawak ako sa backseat ng upuan dahil ready to land-off na ang eroplano.

Sampung minuto ang hinintay ay matagumpay na nakarating ito sa Tokyo International Airport, Gate 2.

Mabilis ang kilos ng mga Crew papunta sa exit.

"Thank you for choosing HopeFly Airlines Flight. Please, enjoy your visit. Have a fun and safe trip."

Binibigyan namin sila ng ngiti at nagpapasalamat, ang iba ay ngumingiti habang may mga walang pake.

"Last flight na. Babalik ulit tayo sa Philippines." saad ni Chloe at tumabi sa'kin. "Ano, inuman ulit?"

I smiled. "Pass muna ako. Mukhang pagod ako ngayon eh. Akalain mo ba naman na apat ang flight natin, buti na lang ay may ka-shift sa gabi. Kaya makakapaghinga ako."

She pouted. "Bihira ka na nga lang umiinom eh."

"Babawi na lang ako sa susunod."

Natutunan ko ang uminom at pumunta sa mga bar kapag natatapos ang training o di kaya'y kapag mag-aya si Chloe kasama ang iba pang Cabin Crew kaya sumama ako.

Wild Obsession (Zach Orcantillo Story) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon