17

4.3K 80 7
                                    

Chapter Seventeen

Naitigil ko ang pagsusulat dahil sa  malakas na sigawan sa ibaba. Sinuot ko ang feather pink slippers ko at binuksan ang pintuan.

Sakto na may tumakbo na isang kasambahay papunta sa kwarto ko.

"Mam, kailangan niyo po bumaba." aniya.

Hindi na ako nagtanong, kaagad akong naglakad. Wala pa ako sa hagdanan ay tiningnan ko sila sa baba. Yakap ni Tito Francis si Tita Queenie, nakaupo silang parehas sa sahig, halos hindi nagwawala na si Tita, sina Zach at Lliam ay nakasabayan ko din.

Nagkatinginan pa kaming tatlo, ako ang naunang bumaba.

"T-Tito, ano pong nangyari?" nilapitan ko sila. Bigla akong niyakap ni Tita Queenie, tiningnan lang ako ni Tito Francis. Marahan kong tinapik-tapik ang likod ni Tita.

Humahagulgol na kasi siya.

Humiwalay ng yakap sa'kin si Tita Queenie, madiin ang pagkakahawak niya sa dalawang balikat ko. Punong-puno ng luha ang mukha niya, magulo na din ang buhok.

What is happening?

"Ang mga magulang mo..."

Doon ako natigilan. Nakaramdam na din ng sobrang takot at kaba.

"A-Ano po, Bakit po? Anong mayroon sa kanila?" histerya kong tanong.

She sobbed. "Patay na ang mga magulang mo, hija. Patay na sila." 

W-What?

No. Hindi pwede! Mali lang ang narinig ko. Hindi sila patay! Buhay ang mga magulang ko! Buhay sila.

I started to cry.

"No, nagbibiro ka lang Tita..." 

"It was an plane crash. Pauwi na dapat sila dito, kaso nagkaproblema ang eroplano na sinakyan nila." she said, pero parang walang pumapasok sa utak ko.

I'm still shocked. My mind went blank, I don't know what to do, without them.

Tumayo ako at tumakbo sa kwarto. Hinahanap ko kaagad ang cellphone at tinawagan sila.

Out of reach.

Ilang beses kong sinubukan 'yon. Nanginginig ang kamay ko, ang labo na ng paningin ko dahil sa luha. Out of reach pa din!

"PAPA!! MAMA!!!" sigaw ko at humagulgol. "HINDI! HINDI NIYO AKO PWEDE IWAN! AYOKO!" I said, screaming in agony.

Sila lang ang tanging lakas ko. Sila ang kakampi ko. Bakit? Bakit sila pa? Dapat sinama na nila ako. Manghihina lang ako dito, wala sila sa tabi ko.

I sobbed, catching my own breath.

May nagawa ba ako masama sa Kanya para kunin ang dalawang tao na mahalaga sa buhay ko?

Isang mainit na katawan ang yumakap sa'kin, isinandal sa dibdib nito. Nabitawan ko na ang cellphone, lupaypay na ang katawan ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas.

"Sshh..."

"Papa..." I mumbled.

Humigpit ang yakap nito sa'kin. Nalalasahan ko na din ang mga luha ko, ang sakit ng lalamunan ko lalo na ang puso ko. Para akong mahihimatay, gusto ko na ding mamatay makasama lang sila.

Wala din naman saysay ang buhay ko dahil wala na sila sa tabi ko.

Marahan na hinaplos nito ang buhok ko, isiniksik ang sarili sa katawan nito bago inangat ang tingin sa taong sinusubukan akong patahanin.

Wild Obsession (Zach Orcantillo Story) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon