12

4.5K 103 2
                                    

Chapter Twelve

Hapon kami umalis ni Tita Queenie. Naunang umalis sina Zach at Lliam, hindi ko naman alam kung saan 'yon pupunta. Wala akong pakialam kung saan din ang tungo nila.

Lalo na ayokong makausap ang Zach na 'yon.

"Bibili muna ako sa boutique, hija, bago tayo pumunta sa salon." Tita Queenie said. Tumango ako. Nasa loob na kami ng mall, medyo hindi ako sanay na madaming tao ang nakakasalubong ko. Palagi kong inaayos ang nahuhulog kong malaking salamin.

T-shirt and faded jeans with black rubber shoes lang ang sinuot ko, dala ko lang ay isang maliit na sling bag, sa loob 'nun ay ang cellphone at wallet ko.

Umupo na lang muna ako sa pabilog na sofa sa loob ng boutique na pinasukan ni Tita. Kung saan siya pumupunta, sinusundan ko lang ng tingin.

Ang saya niya habang isinusukat ang mga mahahabang dress.

Pasok din sa mga style ko 'yon kaso may mga see through, off shoulder, backless and slit ang iba. Hindi naman ako nakakaramdam ng inggit, ayoko lang magsuot ng mga damit na ganoon dahil nga sa hindi ko nakasanayan.

Tita Queenie's raised her hand to me. "Halika, hija." she said. I stood up and walked towards at her direction. Taka ko siyang tiningnan na may mga damit siyang pinapasukat sa katawan ko.

"A-Ah, Eh, Tit—"

"Bagay na bagay talaga sayo ang mga 'to, hija!" maligayang saad niya.

"Hindi po ako nagsusuot ng ganito." I said.

She just gave me a look and smiled. "Masasanay ka din hija. Sayang naman ang ganda mo at ang katawan mo kung hindi mo maipapakita sa maraming tao, di'ba?"

That's exactly my point.

I don't want other people see my body. I don't want to see their desires and greediness just because of my body. Sa akin ang katawan ko, desisyon ko kung ipapakita ko sa lahat o hindi.

Yes, I am so conservative to myself. Because that's what my Mom taught me. She said that my body is only for a man who sees my worth, love me for who I am, accepting my flaws. That man can touch my body, my heart and even my soul. 

A man who will be my husband.

I tried to complained to Tita Queenie's want. Hindi talaga ako nagsusuot ng ganito, masasayang lang ang mga damit dahil itatago ko lang 'yan.

"Tita, nakakahiya po. Hindi niyo naman po kailangan na ibili ako ng mga ganitong klaseng damit."

Hinaplos niya ang buhok ko.

"Para na din kitang anak, Monika, kaya huwag ka ng tumanggi. Ngayon araw lang ako nakaramdam na parang may isang anak akong babae." lumungkot ang boses nito kaya napaamang ako.

Dahil sa sinabi niya, hinayaan ko na lang ang mga ginagawa o binibili niya para sa'kin.

May apat na bodyguards ang lumapit sa'min, kinuha ang mga malalaking bags at binitbit. Hinawakan ni Tita ang braso ko. Nakikita ko naman na masaya siya sa ginagawa niya, ayoko naman siyang maging malungkot, kaya I'll let her do what she wants.

"It's salon time!" she said. Mabilis ang lakad niya na parang hinihila ako. Humihingi ako ng pasensiya kapag may mga nakakabanggaan ko.

Nang marating namin ang salon, isang bakla ang kaagad na lumapit sa'min. Blonde ang hair, maputi, mataas ang eyelashes, fuschia ang lipstick, matangkad na pero naka-heels pa.

"Mamita!!"

"Warla!!!"

They both hugged and kissed their cheeks, one by one. I just looked at them. Lumapit sa akin si Tita Queenie, hinawakan ang braso ko pagkatapos ay pinaharap sa bakla.

Wild Obsession (Zach Orcantillo Story) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon