7

4.7K 107 2
                                    

Chapter Seven

I looked away when I saw other girls are giving me a death glare.

Kumakain ako mag-isa sa canteen. Walang may lakas ng loob na tumatabi sa akin. Inayos ko ang glasses ko, pinagpatuloy ang pagkain.

"Akala naman niya magugustuhan siya ni Zach."

"Hindi niya ba nakikita ang pagmumukha niya? Huh, ang lakas talaga ng loob niya."

"Sino ba 'yan? Dalawang beses ko siyang nakikita na nilapitan ni Zach, kasabay pa niya! Tsaka si Lliam din!"

Sa totoo lang nakakawala ng gana. Paulit-ulit lang naman ang sinasabi nila. Hindi bulong 'yon, malakas ang pagkakasabi nila na talagang maririnig ko, at sa iba pang kumakain.

Hindi talaga nila alam na pinsan ko ang dalawa.

Maniniwala ba sila? Syempre hindi. Kaya nanatili na lang akong tahimik.

Isang pamilyar na babae ang lumapit sa'kin. Camilla. May kasama siyang mga alipores niya sa likuran na masama ang tingin sa'kin.

"Hey, nerd! Hindi porke't alam kong pinsan ka ni Zach at Lliam, eh hindi na kita kukulitin. Hindi ka welcome dito, you know..." hinawi niya pa ang buhok niya.

"Bakit? Ikaw ba ang may-ari ng school?" sambit ko.

She looked shocked. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko at hindi na siya pinansin. Narinig ko na naman ang bulungan ng lahat.

Oh, alam na nila na pinsan ako nina Zach at Lliam.

"How dare you to talk back at me?!" Camilla said. "Kapag kinakausap kita, huwag kang susumbat! Understood?"

"Teka nga, para saan ba ang bibig kung hindi kita susumbatan, Camilla? Okay sana kung pipi ako pero normal akong pinanganak, hindi katulad mo, abnormal."

Lahat sila ay napasinghap sa sinabi ko. Ang mga kasama ni Camilla ay sinimulan na siyang paypayan. Pulang-pula ang mukha ni Camilla. Para na siyang asong binuhusan ng tubig.

Nerd nga ako pero marunong akong lumaban kung kinakailangan.

Hindi sa lahat ng oras magiging mahina ako. Ang ayoko sa lahat ay ang api-apihin ako na parang basahan lang. Tao din ako, may nararamdaman. Lumalaban ako dahil kailangan kong maging matapang sa paningin nila.

Inubos ko ang juice at tumayo na. Binalingan ko muna siya ng tingin.

"Use your brain, Camilla. Huwag puro dada ng dada lang." aambangan pa sana ako nito pero tumalikod na ako.

Ang akala ko pa naman ay tapos na pero may humablot sa dalawang braso ko paharap.

Tamad kong tiningnan si Camilla. Ang dalawa sa kasamahan niya ay nakahawak sa braso ko. Ramdam ko ang madiin nilang hawak at ang matatalim nilang kuko sa balat ko.

Camilla shook her head, she walked towards at me. "Tsk, palaban ka pala. Mas lalo tuloy akong nagkaroon ng interest sa'yo, Monika. Good job." tinapik-tapik nito ang pisngi ko.

Magsasalita sana ako but she took my eye glasses. Kaagad nanlabo ang paningin ko.

"Ano ba?! Ibalik niyo sa'kin ang salamin ko!" pilit akong nagpupumiglas sa hawak nila pero mas lalo pa nilang hinigpitan 'yon.

I hissed in pain when their nails, dig deeper in skin.

"Uh-oh, wala ka na bang makita, Monika? Asan ako, huh..." humalakhak ito. "Lalaban ka pa? Girls, bitawan niyo siya. Hayaan niyo siyang hanapin ang salamin niya."

The two girls let go of my arms, I immediately walked to Camilla. Kahit na malabo ang mata ko, naaaninag ko pa din siya.

Nang may isang paa ay tumalisod sa'kin, alam kong isa din iyon sa alipores niya. Mabuti na lamang ay mahaba ang suot ko sa pang-ibaba, pero humapdi ang tuhod ko.

Ayoko ng ganito. Ano bang ginawa ko sa kanila para apihin nila ako? Gusto ko lang naman ng tahimik, maging isang normal na estudyante. Pero bakit nararanasan ko ang ganito?

May masama ba sa akin? May mali ba sa'kin? Hindi ko talaga maintindihan.

Sinubukan kong hanapin sa sahig ang salamin ko. Kinakapa-kapa ko pa ito, tanging liwanag lang ang nakikita ko.

Dinig ko ang malalakas na tawanan sa paligid. Namuo ang luha ko habang patuloy na kumakapa.

Wala na akong pakialam kung madumi o masugatan ang mga kamay ko, mahanap ko lang ito.

Habang patuloy ako sa paghahanap. Tumahimik bigla ang paligid. Tila hangin na lamang ang naririnig dahil sa sobrang katahimikan.

"Stop or I'll pull this trigger on your head, Camilla. Mamili ka."

Pamilyar ang boses na 'yon. Hindi ako nagkakamali.

Zach.

Tumulo na ang mga luha ko, nawalan na ako ng pag-asa na hanapin ang glasses ko. Baka sinira na ni Camilla.

Iniyuko ko ang ulo ko. I feel so weak and wasted.

Someone held up my chin. Isang lalaki, hanggang sa maramdaman ko na nilagay nito ang glasses ko. Pinikit-pikit ko muna ang mata ko hanggang sa naging malinaw ang paningin ko.

Zach!

I hugged him, scared yet thankful to him. Kung hindi siya dumating ay patuloy akong aapihin ni Camilla. Kung hindi dahil sa kanya, magmumukha akong kawawa sa mga paningin ng iba.

"S-Salamat..." I mumbled.

Naramdaman ko na rumagasa ang kamay nito sa likod ko, marahan na tinapik-tapik. Mas lalo akong naiyak dahil sa ginawa niya.

"It's okay, Monika. Wala ka na dapat ikatakot, nandito ako..." he said. Tumango ako at humiwalay sa yakap. Nagsalubong ang tingin namin.

"Salamat uli." inayos ko ang glasses ko. I turn my head to see Camilla, she looks so pale, also her friends in her back are shaking in fear.

What happened to them?

Hindi sila kumukurap-kurap. Tila may nangyari. Bumaling ako kay Zach, sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa.

"A-Anong ginawa mo?" tanong ko.

He just shrugged his shoulders and looked at them, bumalik ulit ang tingin niya sa'kin.

"Well, tinakot ko lang ng kaunti." he pinched my cheeks. Magtatanong pa sana ako kaso biglang lumapit ang katawan niya sa'kin at ang mga braso niya ay nasa beywang ko.

I gasped when he carry me in a bridal style.

"A-Anong..."

His eyes drifted on mine. Natutok ko sa kanya ang buong paningin ko. Inayos niya pa ang pagkakabuhat sa'kin kaya napahawak ako sa batok nito.

"Hangga't nasa puder kita, Monika. Walang mananakit sa'yo. Hindi ko hahayaan na saktan ka nila. Never." he said. Nagsimula na siyang maglakad pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

He looks like a prince, a knight, who saved my life by those wrecked witches.

---

Wild Obsession (Zach Orcantillo Story) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon