29

5.3K 101 3
                                    

Chapter Twenty Nine

Matalim kong tiningnan si Zach dahil sa kakaiba nitong paninitig sa aking gawi. Nasa kalagitnaan ako ng pagtra-trabaho, nagpa-book talaga siya ng flight back-to-back para lang makita ako.

Gan'on siya mag-aksaya ng pera.

Umiling ako at tinarayan ko siya. Dalawang linggo na kami nagkaka-mabutihan at masasabi kong sobrabg saya ko, para bang nabuo ko na ulit ang sarili ko na matagal ng nawala.

Pagkatapos ng araw na nanghingian kami ng tawad sa isa't-isa, hindi niya tinuloy ang parusa sa'kin dahil ayaw niyang isipin ko na sex o init lang ng katawan ang habol niya sa'kin.

Bonus lang daw 'yon para sa kanya.

I smiled, remembering his words that day.

"I love you, Monika. Fuck. Kahit na gusto talaga kitang angkinin dito ay ayoko naman na isipin mo na sex ang habol ko sa'yo. Mahal kita...mahal na mahal. Ang makasama ka sa buong buhay ko ay sobra-sobra na sa'kin. A make love is just a bonus for our relationship. Alam kong bubunga ang pagmamahalan natin balang araw at gusto ko mangyari 'yon kapag handa ka ng maging asawa ko at ayos na ang lahat...'yun bang wala na tayong makikitang problema sa kaliwa't-kanan ng buhay natin..."

Lumibot muli ako para i-check ang mga seatbelts at electronic devices. May mga sinabihan ako kaagad naman silang sumunod. Nilingon ko si Zach na nakasunod pa rin ang tingin sa'kin.

Nasambit niya din sa'kin na maaari siyang hindi pumasok sa kompanya niya dahil siya naman na ang nagpa-patakbo nito at marami siyang assistant na kahit wala siya ay patuloy pa din ang kompanya.

He winked and smirked.

Nginitian ko na lang siya.

"Sa susunod na huwag mo ng gagawin 'yon! Sayang pera!" reklamo ko. Inayos ang maleta sa gilid ng pintuan. Off duty ko na at langhiyang Zach ay hinintay talaga matapos ang trabaho ko. Walong oras ang duty ko in one day kaya sinilip ko ang pwitan nito.

I pinched it.

He gasped.

"Masakit na 'ata 'yan dahil sa kakaupo. Tatayo ka lang kapag iihi, eh. Hindi ka ba nagsasawa na tingin ka ng tingin sa'kin?"

"Hindi ako magsasawang tingnan ka, Monika." He said and kissed my lips.

Nahawakan ko ang braso nito. He angled his face and sucked my lower lip, I parted my lips and gladly accept his tongue and kisses. Inalis ko na ang heels ko gamit ang paa dahil sumasakit na rin ang mga 'yon.

I missed his kisses.

Rumagasa ang kamay nito sa aking beywang at hinapit ako. His one hand went to my cheeks, slightly caressing it and my nape.

May pumasok bigla sa isipan ako. Ako ang humiwalay sa halik at tiningnan siya. Kita ko ang pagka-bitin sa mukha niya, aamba pa sana siya pero kinurot ko ang baba nito.

"Wait lang, may sasabihin ako..."

He raised his eyebrows.

"About Lliam..."

"What about him?"

Tumikhim ako. "Ayos na ba kayong dalawa? Nag-usap na ba kayo? Kailangan niyo ding mag-bati. Kahit na may alitan kayo pero sabay kayong lumaki at kinilala niyo ang isa't-isa bilang magkapatid. Kaya sa tingin ko ay mag-usap at mag-bati na kayo, Zach."

He pursed his lips.

"Ako ang bahalang kakausap sa kanya. Ano?" tinapik ko ang balikat nito.

Ilang minuto niya pa akong tinitigan hanggang sa dahan-dahan siyang tumango. Ngumiti ako at niyakap siya.

Wild Obsession (Zach Orcantillo Story) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon