1

12.2K 196 4
                                    

Chapter One

NABALIKWAS ako ng bangon ng maramdaman may malamig na tubig ang tumama sa mukha ko,

"MAMA NAMAN!" sambit ko ng makita ko ang mukha ni Mama na tawang-tawa. Pinunasan ko ang basang mukha ko ng kumot. Busangot ang mukha ko habang nakatitig kay Mama.

"Kanina pa kasi kita ginigising diyan, hala sige! Maligo kana--"

"Maliligo pa ba ako? Eh, basang-basa na ang damit ko pati katawan ko eh"

"Aba, pinipilosohan mo ba ako? Ikaw bata ka ha! Maligo ka na dun! Isa...Dalawa!"

"Tatlo...Apat...Lima!" tumakbo na ako sa banyo ng itinaas na nito ang tsinelas niya. Naisarado ko na ang pintuan habang tumatawa.

Nahimasmasan na ang diwa ko kaya pwede na yata akong maligo. Ganoon na lang palagi ang ginagawa sa akin ni Mama, bubuhusan ako ng malamig na tubig dahil kahit anong gawing pang-gising sa akin, hindi talaga ako magigising kung hindi tubig ang gawin mong pang-gising sa akin.

Tulog mantika nga sabi nila...

Sinimulan ko na ring maligo at kumakanta-kanta pa habang binubuhos ang malamig na tubig na galing sa tabo.

There's just no rhyme or reason
Only a sense of completion
And in your eyes, I see the missing pieces

I'm searching for, I think I've found my way home
I know that it might sound
More than a little crazy but I believe

I knew I loved you before I met you
I think I dreamed you into life
I knew I loved you before I met you
I have been waiting all my life...

Ilang minuto ring ang tinagal ko sa banyo dahil ninanamnam ko ang malamig na tubig. Masarap lang talaga bumabad lalo na mainit ang panahon.

White shirt at short denim jeans nalang ang sinuot ko at syempre hindi ko iiwanan ang nerd glasses ko, baka madapa ako bigla dahil malabo na nga ang mata ko.

"Morning Mama.. Morning Papa.." hinalikan ko sa pisngi ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko.

"Magkasalubong na naman ang kilay ng prinsesa ko" ani Papa.

Kumuha ako ng itlog at tinapay bago pinalaman "Si Mama kasi, binuhusan ba naman ako ng tubig ulit..."

"Mariana" sambit ni Papa pero tumawa lang si Mama habang nagtitimpla ng kape.

"Ma, ayoko sabi ng kape, gusto ko gatas!" reklaml ko. Kahit kailan hindi ako umiinom ng kape, sumasakit kasi ang tiyan ko kaagad.

"Aba, wala akong sinabi na iinom ka ng kape, para sa amin ng papa mo ito. Kung gusto mo ng gatas, bumili ka doon sa tindahan, ubos na ang gatas mo" umirap si Mama.

Napakamot nalang tuloy ako sa ulo at kinagat ang tinapay na may palamang itlog. "Huwag na, ayokong lumabas. Titiisin ko nalang ang pagkapaborito ko sa gatas." nagdrama pa ako.

"Aysus, huwag ng magdrama! Bibili nalang tayo ng gatas mo kapag nakasahod na ang Papa mo" tumango nalang ako at kumuha pa ng makakakain.

Nagtratrabaho si Papa sa isang malaking kompanya bilang Secretary ng CEO. Malaki-laki ang sahod ni Papa pero dahil sa pangangailangan namin sa araw-araw, mabilis rin itong nauubos, minsan naman ay nakakatipid rin kami.

Si Mama naman, tumutulong lang siya sa pag-aasikaso or pagtitinda sa isang SHOE SHOP, sakto naman ang sahod niya, pero nakakabwisit lang ang trabaho niya kasi minsan maliit or malaki ang sahod niya, hindi balanse!

Hindi naman kami mayaman at hindi rin kami mahirap.. Nasa gitna kami, may kaya lang talaga kami.

Mabuti nalang at ako lang ang nag-iisang anak nila kaya aaminin ko na minsan spoiled ako pero hindi naman madalas.

Wild Obsession (Zach Orcantillo Story) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon