11

4.6K 95 4
                                    

Chapter Eleven

"Hulia, paki-akyat sa taas ang mga gamit ni Monika. Sa kwarto na pinakita ko sa'yo kagabi." ani Tita Queenie. Kinuha ng kasambahay ang isang maleta at ang backpack ko.

"Pasensiya na po talaga kayo. Mukhang naabala ko po 'ata kayo, Tita."

"Naku! Hija, hindi. Tutal ay masaya ako na nandito ka, para naman may kasa-kasama ako sa mga gawaing pambabae..." lumapit ito at bumulong. "Alam mo naman puro lalaki ang mga kasama at kausap ko sa bahay. Ang Tito Francis mo tsaka sina Zach at Lliam."

Tumango-tango.

Pagkauwi ko galing school, hinanda ko na ang mga gamit ko. Hinatid ako nila Mama't Papa kila Tita Queenie bago sila umalis. Gusto ko din sana talagang sumama pero kamalas-malasan ay may pasok pa ako next week.

"Kumain ka na ba?"

"Opo." I said.

"Halika, ihahatid kita sa kwarto mo. Para makapagpahinga ka na din." sinundan ko ang hakbang ni Tita sa second floor ng mansion nila. May mga kasambahay pa ako nakakasalubong na yumuyuko sa amin kaya yumuyuko din ako.

Dinig ko ang tawa ni Tita Queenie sa gilid ko.

"B-Bakit po?" I asked. Lumapit ito sa'kin at hinaplos ang buhok ko. Ang lambot ng mga titig niya. Wala man lang nakuha na features ng mukha si Lliam sa kanya. Tita Queenie's face is so delicate and soft, 'yun bang mapapatingin ka sa kagandahan niya.

But, of course, My Mom is better.

Naglakad kami sa isang puting pintuan na may nakasabit na "Boys not allowed here." na sign, pink at glittery ang design. Nang binuksan ang pintuan, napatulala ako.

The room is so wide.

Kasya dito ang isang pamilya na may anim na miyembro. The Queen's size bed, may manipis na kurtina na nakalagay sa magkabilang gilid nito. The lamp is dim. Magkatapat ang kama at ang veranda, nakabukas pa nga ang slide glass door nito. Everything screams in wealth, rich and glamorous.

"Nagustuhan mo ba, Monika?"

I smiled at Tita. "Sobra-sobra na po ito, Tita. Maraming Salamat po."

Inayos ko ang mga damit ko sa malaking cabinet na creamy color ang shade. Marami kang paglalagyan sa loob. Kaunti lang naman ang dala ko.

Sana hindi umabot ng isang linggo na mananatili ako dito.

I felt something strange and horrible that I cannot explain through words.

Pagkatapos magbihis ng pantulog ay humiga na ako sa malambot na kama.Nakaka-relax ang scenery ng kwarto, para akong anak ng isang hari.

I giggled.

Bumuga ako ng marahas na hininga. Bukas ko na lang gagawin ang mga report and projects, na ipapasa sa Lunes. Kinuha ko ang cellphone ko para ihanda na ang mga searches ko about sa homeworks.

I was busy scrolling through google when a message popped into my IG account.

It was him.

zaachxh_95: You're already here, right? Welcome.

Seen.

zaachxh_95: I'm sorry, Monika. Please, forgive me.

Seen.

zaachxh_95: Reply back, baby. Hindi ako makakatulog.

I sighed. Ginulo ang buhok ko. Ang kulit, sobrang kulit niya.

cmonikpie: Sleep, Zach. Don't message me again.

I turned my cp off and drift my body to bed, hugging a soft pillow and a warm blanket covering the half of my body.

Wild Obsession (Zach Orcantillo Story) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon