Ep. 12: Sunset

3.3K 141 31
                                    

Hindi ko talaga lubos maisip kung paano ako dinala ni Joss dito sa isang mamahaling resort. Ang huling natandaan ko ay sa bahay natulog si Joss dahil nagpupumilit siya tapos pinayagan naman ni mama. Pagkatapos, gumising ako, naligo, kumain at uminom ng gatas at... nakatulog?

Tama! Nakatulog nga ako pagkatapos namin magbreakfast. Pinlano talaga ito ni Joss.

"Nilagyan mo ba ng pampatulog yung kinain ko kanina?" Napatanong ako nang medyo na-sort out ko yung pangyayari bago ako gumising sa kwarto na ito.

Hindi sumagot si Joss at nagkunwari na hinanap yung t-shirt niya. Very obvious naman Joss na may nilagay ka ngang pampatulog.

"So, planado mo pala lahat 'to?"

Wow ha! Ignored to the highest level. Binato ko yung unan sa kanya at di pa rin niya ko pinansin. Talagang nagbihis siya pero hindi shirt kundi tank top.

"Kung di ka sasagot ay tatalon ako sa pool." Hindi pa rin siya kumibo. "Okay... paalala ko lang, hindi ako marunong lumangoy."

Aba! Ang tigas ng bungo niya! Di pa rin ako pinansin kaya lumabas ako ng kwarto at pumunta ako sa isang pool na medyo malalim.

Tumingin muna ako sa balcony ng room pero wala siya. Talagang iniinis niya ko kaya bahala na. Bibigay din yun kapag makita niya ko na nalulunod kaya tumalon na ako sa pool.

Ayon, nagstruggle na ako sa paglangoy dahil hindi nga ako marunong lumangoy. Kumakapa na ako dahil I'm struggling for my life pero wala pa rin tumulong sakin hanggang sa napagod na ako at nilamon na ako ng tubig.

Mamamatay na ba ako dahil sa katangahan ko? Sobrang bobo ko ngayon dahil ginawa ko 'to para mapaamin lang yung jerk na yun at wala siyang pake hanggang nakita ko na nagsplash yung tubig at nakita ko na may taong lumangoy papunta sakin, si jerk.

Hinawakan niya yung kamay ko para iangat ng konti and he brace my neck with his arm until we surfaced.

Napa-ubo ako todo dahil pumasok na yung tubig sa ilong ko. Agad niya ko niyakap ng mahigpit at naramdaman ko yung panginginig ng mga braso niya.

"Akala ko nagbibiro ka lang na hindi ka marunong lumangoy yun pala totoo. Kinabahan tuloy ako na nakita kita na nalunod. Di ko mapapatawad yung sarili ko kung may mangyari sayo."

Naramdaman ko yung pag-aalala niya sakin dahil sa mabilis ang tibok ng puso niya dahil napahigpit din ang yakap ko sa kanya. Mabuti nalang at niligtas niya ko sa katangahan ko.

Hinampas ko ng malakas ang likod niya at alam ko na masakit yun pero di siya nagreklamo. Nanginginig pa din yung mga braso niya.

"Okay na ako. Pwede na tayo umahon." Sabi ko sa kanya.

Pag-ahon namin mula sa pool at agad ko siya binatukan dahil hindi siya naniwala sa sinabi ko. Kahit masakit ay ngumiti lang siya sakin habang napakamot siya sa ulo niya.

"Ngayon, sabihin mo sakin yung ginawa mo."

Akala niya makakalimutan ko yun. Agad naman siyang bumaling ng tingin at nainis ako kaya sinipa ko siya. Tumayo ako at lalayo sa kanya nang bigla siya nagsalita.

"Oo, Bas. Nilagyan ko nga." Inamin na rin niya.

Pinaabot pa niya ko na magpalunod para aamin lang siya at para akong tanga sa ginawa ko.

Bakit ba nagpapatanga ako para lang sa kanya? Mas lalo tuloy ako nainis sa jerk na 'to.

"Bakit mo ginawa yun?" Medyo napataas yung boses ko.

Naghesitate pa siya na sumagot pero bumigay din naman. "Because I'm selfish."

Ha? Selfish? Di ko magets yung sagot niya sakin. Parang may question mark na sa ulo ko katulad sa mga anime na pinapanood ko.

Boyfriend For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon