Ep. 31: Vexation

2K 89 42
                                    

"Gising ka na, baby?"

Minulat ko yung mata ko dahan-dahan at umaga na pala. Inaantok pa ako kasi ako dahil nga napagod ako kagabi. Yakap ako ni Joss ngayon na nakahubad pa din pagkatapos namin maligo after our wild sex.

"Yes daddy." Sagot ko.

Bumangon siya nagbihis pero naramdaman ko na masakit ang pwet ko nang bumangon.

"Masakit pa rin ba baby?"

Tumango ako dahil masakit pa rin. Ikaw kaya pasukan na kalaki-laki, hindi ka kaya masasaktan?

"Gusto mo pa bang gumala?"

"Gusto pa sana pero masakit talaga daddy." Pag-amin ko.

Tumabi siya sakin at hinalikan yung noo ko.

"Ganyan yan pag-first time mong makipagsex. Sa susunod, hindi na." Sabi niya sakin at hinampas ko pa siya.

Kumuha ng damit si Joss at binigay sakin. Nagbihis na din ako at tatayo sana ako pero binuhat na lang niya ko bigla papunta ng dining area.

"Magluluto muna ako ng breakfast." Sabi niya sakin at pumunta na siya ng kitchen.

Napahawak pa ako sa butt ko habang nakaupo dahil masakit siya. Hindi ko na alam kung ilang rounds kami nagsex basta ang importante, nasatisfy niya ko.

"Daddy, pakikuha naman ng phone ko... please."

Ngumiti siya sakin at sinunod naman niya ko. Agad ko tinignan kung nagreply na ba si mama sa message ko sa Instagram pero hopia. Ano na ba kasi nangyari kay mama? Talagang inenjoy niya yung trip niya at kinalimutan ang anak niyang iniwan sa Pinas.

Binuksan ko na din yung message ni Kim.

Baby, san na kayo? Andito ako sa Burnham park naghihintay sayo.

Hala! Nakalimutan ko na sasama pala si Kim sa amin. Paano ko sasabihin sa kanya na hindi kami tutuloy dahil dinatnan ako ng sex-hangover. Bahala na nga.

Kim, sorry. Hindi kami tutuloy. Masakit ulo ko ngayon. Mamaya ay uuwi na din kami.

— Ganun ba? Puntahan na lang kita diyan.

Wait. Pupunta siya dito? Teka lang, hindi pa ako ready.

Sa Cebu nalang tayo mag-usap ulit. Masakit talaga ulo ko.

Hindi siya sumagot at hindi naman din niya nakita ang reply ko dahil walang nakalagay na seen sa message ko. Kinabahan tuloy ako na baka sa susunod niyang text ay nasa baba na siya.

Tinignan ko ang boyfriend ko na nagluluto ng eggs at hotdogs. Nagugutom tuloy ako. Baka epekto 'to ng after sex namin, HUNGER!

Natapos din nagluto si Joss at nilapag niya yung plato para sakin. Napa-nganga nalang ako sa presentation ng pagkain dahil nasa gitna yung jumbo hotdog sa dalawang sunny-side up eggs at nilagyan pa nkya ng ketchup sa may tip ng hotdog.

Kahit sa pagkain, naughty din ang boyfriend ko.

"Daddy, baka pupunta dito si Kim."

Agad niya ko inirapan dahil pinaalam ko sa kanya yung pagpunta ni Kim dito.

"Pinapunta mo siya dito?" Medyo galit ang boses niya.

"No. Sinabi ko sa kanya na hindi tayo tutuloy gagala at ayon, pupunta siya dito kahit ayaw ko."

Pinakita ko yung conversation namin at parang hindi niya gusto na pumunta dito si Kim.

"Nasa baba na daw siya." Pinaalam niya sakin.

Boyfriend For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon