Final Episode: I Love You

2.6K 99 45
                                    

Bas' POV

Everything goes smothly everyday. Yung mga business ko ay naging successful especially yung airline business na pinangarap ni dad. Nakipag-merge sa akin ng business si Pent for their TV network at hotels din. At least hindi na ako mahirapan sa pag-advertise sa JoBass Co. clothing line namin.

Ang buhay ng mga kaibigan ko ay tahimik at masaya na.

Sina Oreo at Tod ay naging sikat na models na din dahil naging stepping stone nila ang JoBas Co. pati na rin si Godt, sikat na model at artista na.

Sina Tae at Tee, katuwang pa rin namin sila sa mga business namin at binigay ko kay Tae ang CEO position sa JoBas Co. clothing line namin at si Tee naman ang nag-iisang on-hand designer namin. Under their supervision ay satisfied ako sa nakamit na tagumpay ng clothing line namin.

Si Pent?? Nakahanap na din siya ng love of his life at nagulat nga ako na si Art ang boyfriend niya. Akala ko kasi babae ang gusto makarelasyon ni Pent dahil laro-laro lang sa kanya ang makipagrelasyon sa isang lalake and look how it ended, kay Art lang pala ang bagsak niya. Minsan nga nahuli ko sila sa kumpanya ni Pent na nagse-sex sila sa office.

Kinausap ko na rin si Art tungkol diyan at tanggap naman niya yung past ni Pent pati na rin yung nangyari sa amin ni Pent. Sobrang awkward nga kapag mapag-usapan namin yun. Kitang kita ko naman kay Pent na seryoso siya kay Art dahil lagi sila magkasama. Kaya nga, ako nalang ang nag-aasikaso sa mga hotels under sa kumpanya ko dahil nandun siya palagi sa tabi ni Pent.

Si Copter naman... naging kapamilya ko na siya. Mag-isa na lang kasi siya sa buhay gusto naman ni mama na sa amin nalang siya titira. Nagtrabaho na rin siya under me as the head of IT security. Nakamit na rin niya yung hustisya sa pamilya niya at sina Kim at Katrina ang may gawa nung umamin na si Kim sa lahat.

Speaking of Kim, yes, hindi siya namatay pagkatapos ng lahat. Kasalukuyan siyang nakakulong dahil sa mga krimen na nagawa niya. Ang kaparusahan niya ay habang buhay mabibilanggo. Humingi na rin siya ng tawad at inamin na niya ang lahat ng ginawa niya. Kahit papano ay may kabutihan si Kim pero nadala lang siya sa selos at galit niya.

Unti-unti na nakarecover ang daddy nila Kim at nasa puder na ito ni Pent. Sa tuwing bumibisita ako sa bahay nila ay umiiyak yung daddy nila dahil nahihiya sila sa akin sa mga ginawa ni Kim. Pero, hindi naman ako ganun kasama at kaya kong magpatawad. I supported their father's treatment hanggang nakabawi na yung kumpanya nila.

Sina mama at tito Josh, na tinawag ko na rin papa dahil kasal na ako kay Joss,  they're having their life spending each other yun nga lang, kontrabida ang asawa ko sa kanila. Ayaw talaga ni Joss na may relasyon silang dalawa baka daw mauwi pa sa kasalan and that would mean na maging kapatid ko ang asawa ko sa papel. Sounds complicated right?

Hay naku! Typical Joss... ayaw niya may hahadlang sa relasyon namin.

Frank finished his internship at nagtatrabaho na rin siya for two years pero huminto siya dahil mas pinili niya bumalik ng probinsya para i-handle yung negosyo ni lola. If I know, gusto lang niya makasama si Mork dahil mahal niya. Hahahaha! Alam ko yan kahit di pa niya sabihin.

Lahat yan ay nangyari within four years.

Yung buhay ko? Well, hindi na naghintay si Joss at nagpropose siya sa akin. Naging asawa ko siya nung nagpakasal kami sa Thailand. Mga Thai kasi ang last name namin kaya doon nalang kami nagpakasal. Gusto ko sana sa California or sa ibang bansa pero yun ang gusto ng asawa ko.

We've been living a great life... of course, yung nakasanayan ay ginagawa pa rin namin bilang mag-asawa. May dalwang anak kami ni Joss. Sina Farm (3 y/o) at  Saint (2 y/o). Ginawa namin yung Artificial Insemination. Si Saint yung galing sa akin at si Farm naman kay Joss. Naging kumpleto na rin kami ni Joss at naitupad ko na rin yung gusto ni dad.

Boyfriend For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon