Ep. 10: Temptation

3.3K 156 25
                                    

Tumawa ang monster na sinabi ko yung pinaka-awkward na moment ko. Sino ba naman maging kumportable na yung elepante ni jerk ay nagpopoke na sa butt ko.

Mas nagulat ako sa sumunod na nangyari yung paghalik niya sa pisngi ko at bumitiw sa yakap. Pero, niyakap niya ko ulit para tuksuin ng elepante niya kaya pumalag ako. Malakas pa din siya kahit nabugbog na siya kanina.

"Sabay na tayo maligo."

Kinilabutan ako nang bumulong siya ng napakasweet sa tenga ko habang yakap niya ko.

"Gusto mo mabugbog ulit?" Pinakita ko pa yung kamao ko para matako siya.

Pero iba ang ginawa niya. Hinimas niya yung braso ko hanggang hinawakan na yung kamay ko.

Bakit hindi ako nainis o nagreact sa panghimas ni Joss sakin? Parang gumusto din ang katawan ko. Hindi tama 'to!!

"Wag kang mag-alala. Wala akong gagawin sayo." Sabi niya sakin kahit yakap niya ko ng kaliwang kamay niya at nakahawak naman sa kamay ko yung isang kamay niya.

"Joss, maligo ka na. Gagamutin ko pa yung mga sugat mo."

Mas lalong humigpit yung pagyakap niya sakin na parang ayaw niya ko pakawalan. Naguluhan ako sa sarili ko dahil hindi man ako pumalag.

"Isang minuto lang Bas... isang minuto lang na ganito muna tayo." Sabi niya sakin.

Hinayaan ko na lang na yakapin niya ko kahit nadisturb na ako sa elepante niya na parang hinahanap yung lagusan ko.

Magaan ang pakiramdam ko sa yakap ni Joss na parang I find my human comforter. Yung init ng katawan niya ay nagpapakalma din sa katawan ko pero pinipigilan ko yung tawag ng kalibogan dahil yung elepante niya, please! Patulugin na!

"Tapos na ang isang minuto." Sabi ko. "Maligo ka na."

Bumitaw siya sa pagyakap. "Bas, paliguan mo ko. Masakit talaga katawan ko."

Heto na naman yung acting baby niya. Hindi ko rin kayang i-reject dahil niligtas niya ko kay Tae kanina kaya heto, nag tachycardia at tremors na ako sa pagpaligo niya.

Ang kina-iinisan ko ay sinasadya niyang basain ako para maligo na din ako. Pero di ako nagpapatalo, kahit basang basa na ako ay pinaliguan ko pa din siya at wala sa isip ko na maligo na kasabay siya.

"Bakit di mo sinabunan yung ari ko?"

Shiya!!!!

Talagang ako pa ang gagawa niyan? Tinulak ko siya at muntik na siya babagsak sa sahig. Napatawa na tuloy ako at binigay ko sa kanya yung sabon.

"Ayan! Siguro naman abot mo yung sayo."

Aalis sana ako kaso hinila niya ako. Sobrang basa ko na dahil hinarap niya ko sa may shower.

"Ayan, basa ka na din. Maligo ka na."

Parang natutuwa pa siya!! Wala na din akong choice kundi maligo. Pareho naman kaming lalake at walang malisya din dahil hindi ko naman siya gusto.

Tinanggal ko na yung polo uniform ko at pantalon pero suot ko pa din yung underwear ko. Nagpatuloy nalang ako sa pagligo dahil nasa harap ko na yung shower.

Naramdaman ko na hinawakan ni Joss yung strap ng brief ko at agad niya binaba.

"Joss!!!!" Napasigaw ako sa ginawa niya.

Hinatak ko yung underwear ko dahil sobrang awkward. Nasa likod ko pa naman siya.

"Tanggalin mo na yan. Pareho naman tayong lalake."

Boyfriend For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon