Ep. 15: Positivity

2.6K 126 46
                                    

"Bas, wag mo na isipin yung sinabi ni dad kanina." Sabi ni Kim sakin habang papunta kami sa kwarto niya.

Tumingin ako sa kanya at gusto ko na siyang tanungin tungkol sa mga sinabi ng daddy niya. Kahit ako napatanong na din kung laruan lang ba ako para kay Kim.

Nang nakapasok na kami sa kwarto niya ay hinawakan ni Kim yung braso ko.

"Bas, seryoso ako sayo. Sana naman wag mong isipin na pinaglalaruan lang kita."

Psychic ba siya? Dahil alam niya yung iniisip ko ngayon tungkol sa kanya?

Hindi man ako sigurado kung anong iisipin ko pero pinairal ko pa din yung puso ko na magkagusto kay Kim.

"Paano ako makakasiguro na hindi mo lang ako pinaglalaruan?" Di ko alam talaga kung ano yung itatanong ko.

Hinawakan niya yung mukha ko at tumingin sakin. Yung mga mata niya ay talagang napakaseryoso at parang sinasabi sakin na pagkatiwalaan ko siya.

"Bakit ang hirap mong paniwalaan ako?" Tanong niya sakin.

"Dahil siguro sa nasaktan mo ko."

Yes, siya yung dahilan kung bakit ayaw ko na magtiwala ulit sa mga lalake. Halos lahat sila ay laro lang sa mga taong nagkagusto sa kanila.

"Bas, crush din kita noong una kitang nakita. Kahit gusto ko nang magpakilala sayo ay natakot lang ako na baka may sabihing masama yung mga tao sayo kaya I'm saving you from shame." Paliwanag niya sakin.

Medyo nainis ako sa sinabi niya dahil ang babaw naman ng rason kung bakit niya ko binasted.

"Eh di duwag ka pala. Mabuti nalang at binasted mo ko dahil hindi mo ko kayang ipaglaban."

Ayan, drama na yung sagot ko. Kahit gusto ko umiyak ay parang namanhid na din yung puso ko. Napagdaan na kasi. Pero, gusto ko pa din si Kim dahil asadong siopao naman talaga ako kapag si Kim na eh.

"That's why I'm defending you from my father." Sabi niya sakin.

Ha? Sa pagkakaalam ko ay nag-aalala lang yung daddy niya para sakin. Kung alam ng daddy niya na isang playboy pala si Kim dati ay wala naman talagang ipaglaban kanina dahil wala namang sinabi yung daddy niya na ayaw niya sakin.

Na-gets ko pa nga yung daddy niya na sana titino si Kim.

"No, Kim. You're father wants you to be serious when it comes to relationship. Ayaw lang niya na gawin mo lang akong laruan." Pinaalam ko na sa kanya.

"Ginawa ko lang yun dahil alam ko na gawin niya sakin yung arrange marriage." Sabi niya sakin.

Haiz! Bakit ganito mag-isip si Kim? Kinakain siya ng negativity sa tuwing iniisip niya yung hinaharap.

"Sa sobrang pag-iisip mo o sa mga iniisip ng ibang tao ay gusto mong iwasan at di mo na alam kung nasasaktan na yung mga taong nagmamahal sayo." Sabi ko.

Natahimik siya sa sinabi ko at parang nakonsensiya ako ng kaunti. Di ko naman kaya na hayaan ko na lang siya na ganun mag-isip.

"Subukan mo kaya isipin yung kasalukuyan, Kim. Wag palaging uunahin kung anong mangyari bukas o kung anong masamang iisipin ng ibang tao. Just be it."

Boyfriend For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon