Ep. 59: Diversion

1.7K 91 25
                                    

Joss' POV

Masaya ang pakiramdam ko ngayon dahil mahal pa rin ako ni Bas. Pumayag na din siya na doon ako sa bahay nila matutulog na para lang dati. Hindi nga lang yun ang nangyari, nagsex kami at di ako nakapagpigil. Four years ako walang sexlife dahil naging busy ako sa trabaho at paghahanap sa kanya. Mabuti na lang ay di pa rin nagbago si Bas... maybe slight changes meron din.

"Dude, para kang naka-jackpot ngayon ah. May nangyari ba sayo kagabi?" Tanong ni Tae sakin habang inaayos namin yung store.

"Wala. Masaya lang ako."

Ayoko masira ang araw ko lalo nat I'm really in the mood. Kung pwede nga lang mag-quickie kanina pero nagmamadali si Bas.

"Nga pala, yung tickets for the meet and greet para kay Godt ay sold out na tapos yung launch natin ay all set na." Pinaalam sakin ni Tae.

"Very good. Tuloy tuloy na ang good vibes Tae kaya we'll do our best."

Tumango si Tae habang nakangiti siya sa comment ko. It was really a good morning for me.

Hapon na kami natapos ang pag-aayos namin sa store at mukhang clothing shop na ito. May ibang aura na din at inviting na ito sa mga customers. Kulang nalang ang i-display yung mga damit na ititinda namin. Si Tee na daw ang bahala nun sabi ni Tae kaya I give all my trust to friends.

"Daddy!"

Narinig ko ang sigaw ni Perth at tumakbo pa siya palapit sakin.

"Sorry kuya Joss. Mapilit kasi si Perth na puntahan ka after ng class niya." Sabi ni Frank.

"Okay lang Frank." Sagot ko sa kanya. "Kamusta ang school baby?" Tanong ko kay Perth na sobrang saya at kinarga ko siya.

"Okay lang naman daddy. I've been playing toys and also I wrote a letter to mommy." Sagot niya sakin.

Nakalimutan ko na nandito pala si Tae at nagulat siya kay Perth. Alam ko na kung ano ang iniisip niya.

"Dude, may anak ka na pala? Bakit di mo sinabi?"

Alam ko na yun ang itatanong niya pero di ako sumagot sa tanong niya. Inuna ko muna ang kapatid ko, siyempre.

"Daddy, let's go to mommy's office please."

"Sure baby. Pero, mauna muna kayo ni kuya Frank mo sa car dahil kakausapin ko muna si tito Tae mo."

"Okay daddy."

Nauna na silang umalis at pumunta kami ni Tae sa stockroom.

"Dude!! Sino ang mommy niya?"

"Si Bas."

"Whaaaat?!" Napalakas yung boses niya dahil sa natuklasan niya.

"Ano? Paano inire ni Bas ang batang yun?"

"Dude, isip isip din. Of course, artificial insemination ang ginawa ko. Nag sperm donor ako at ininject lang ito sa isang surrogate mother pero si Bas ang kinikilala niyang mommy."

Nalito tuloy si Tae sa sinabi ko dahil kita sa hitsura niya na parang napaisip siya ng malalim dahil pinanindigan ko yung kasinungalingan ko.

"Kaya pala kahawig mo yung bata. Okay lang ba kay Bas yun nung nalaman niya? Di ba di pa kayo...."

Napahinto siya at narealize na niya kung bakit ako masaya lately.

"Dude!!" Napasuntok pa siya ng mahina sa balikat ko. "Kayo na pala ulit. Talagang pinush mo yung sarili mo kay Bas."

Boyfriend For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon