Ep. 5: First Kiss

3.6K 186 36
                                    


Saturday, late na ako nagising dahil dumating sa bahay ang asungot. Sino pa ba eh di yung JERK!

Dito siya sa bahay natulog dahil madami siyang pinagawa sakin kagabi. Pati ba naman yung pag-order ng mga bagong release na Gundam Wing figures ay ako pa ang gumawa.

12 Hours Ago —

"Bas, andito si Joss."

Ano?!! Talagang hindi niya ko tatantanan sa pagiging alipin ko. Porket binilhan niya ko ng Florsheim shoes noon Monday ay inisip niya na nabili na niya ako.

Bumaba na lang ako at nakita ko na nakaupo na may dalang bagpack. Tinawag ko na siya at pinaakyat ko papunta sa kwarto ko.

Agad siyang humiga sa kama sabay tapon ng bag niya.

"Saan naka park yung Volvo mo?"

Dapat sabihin ko yung brand ng kotse niya dahil naging valuable na din sakin yun. Ikaw kaya araw-araw ka sunduin ng Volvo hindi kaya mag sepanx ka kung isang araw lang ay di ka nakasakay.

"Hindi ako nagdala ng kotse. Iniwan ko lang sa condo ko."

"So, nag jeep ka?"

"Oo, kaya nga 7pm na ako dumating dito dahil naligaw pa ako."

Ha?! Totoo ba ang narinig ko? Nagjeep talaga siya. Mabuti naman at nagawa niyang nakarating dito sa bahay. Parang kawawa naman dahil na-imagine ko yung pag angkas niya sa mga jeep na puno.

"Fisrt time ko nga umangkas sa jeep."

Tuluyan na akong nagulat dahil yung ini-imagine ko ay totoo pala.

"Umalis ka nga diyan sa kama. Madumi ka pa." saway ko sa kanya habang hinihila ko siya paalis ng kama pero pumapalag pa siya.

Biglang kumatok si mama at natumba ako dahil agad tumayo si jerk.

"Anak, sorry. Hindi ko alam na may ginagawa pala kayo."

Wow Ma! Talagang iniisip mo na makikipag-sex ako sa jerk? It's a big NO!

"Ma, ang dumi ng isip mo." Tumayo ako at lumabas ng kwarto papunta sa lamesa.

Umupo na si jerk at ngumisi pa siya sakin pati na rin si Mama. Bakit parang magkasundo sila? Iniinis talaga nila ako.

"Joss, sorry kung hindi masarap yung pagkain namin. Tuyo at pancit canton lang naihanda ko. Di ko man alam na pupunta ka dito."

Mas mabuti nga na tuyo at pancit canton lang ang ulam para makaganti din ako sa kanya. Alam ko pihikan siya sa pagkain kaya help yourself, jerk.

"Okay lang Tita. Basta ikaw ang nagluto, masarap na yan."

Aba! Sipsip ang jerk. Nagsimula na kaming kumain at hindi ko inaasahan na kinamay lang ni Joss yung tuyo. Napansin ko na sanay siyang kumain ng tuyo.

Damn! Bakit parang gusto ko yung awra niya ngayon na asal mahirap siya kagaya namin? Kinamay lang din niya yung pancit canton. Napangisi nalang ako at kumain.

Boyfriend For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon