Ep. 53: Surreptitious

1.8K 90 6
                                    

Bas' POV

Nasa office ako ngayon at inasikaso ko yung mga plano ko for the hotels. Ayoko biguin yung mga taong umaasa sa pagbabago lalo na yung mga empleyado. Habang nagtatrabaho ako ay pumasok si Aliyah.

"Sir Bas, ito na yung mga papers na pinakuha niyo."

"Iwan mo na lang sa mesa Aliyah at pwede ka ng umuwi." Sabi ko sa kanya.

"Okay po sir. Ingat po kayo." Paalam niya sakin.

Almost 10pm na kasi at overtime na din siya dahil sakin. Nakalimutan ko kasi sabihin sa kanya na pwede na siya umuwi pero I was too busy with my work.

Inaayos ko na yung mga tauhan para baguhin yung interior ng hotel at pati na rin ang pag-repaint nito. Masyadong madami pa rin ang gagawin at target ko matapos ito after five months. Yung mga empleyado na nagtrabaho sa hotels na pina-renovate ko ay nasa training sila for one month and with pay.

Narinig ko na bumukas yung pinto.

"Aliya, sabi ko umuwi ka na." Sabi ko nang hindi tumingin.

"Ang busy na talaga ng bagong chairman ng Sudaret Empire."

Napahinto ako at napatingin sa taong nagsalita.

"Kim, nakabalik ka na pala." Sabi ko.

"Oo. Umuwi ako agad para lang makita ka." Sabi niya sakin. "Four years ka hindi nagpakita at nababaliw na ako sa kakahanap sayo."

"I'm sorry, Kim. Kailangan kong umalis nung panahon na yun."

Lumapit siya sakin. "Halika nga dito."

Hinila ako ni Kim at niyakap ng mahigpit. Hindi na rin ako pumalag dahil may kasalanan din ako sa kanya. Nung umalis ako ay hindi na ako nakapag-paalam sa kanya kaya I'm feeling guilty din.

"I miss you so much, Bas."

Sweet ng boses niya habang sinabi yun.

Sa panahon na nasira ang buhay ko ay si Kim ang naging sandalan ko. Kahit nga nasa Leyte pa ako ay talagang bumiyahe pa siya para puntahan ako. And for those three months na hindi ako nag-aral at nagtrabaho ako sa hacienda ay isa na din siya na tumulong sa pamilya ko. Pero, may balak ako na ibagsak din ang Varodom.

Unang una, dahil ito kay Pent na nagtatago ngayon sa akon. Pangalawa, nung nasa New York ako ay nalaman ko na tumanggi ang daddy niya sa alok ni papa ko dahil lang sa lumabas yung scandal at ayaw niyang masira reputasyon niya kaya sa mga Saavedra at Wayar siya kumampi.

Gusto ko rin gawin sa daddy niya yung ginawa ko kay Katrina pero sa ibang paraan.

Pero, nagdadalawang isip pa ako ngayon dahil kay Kim. Hindi ko kayang masaktan siya at mawala sa kanya yung mahalagang bagay sa buhay niya.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya sakin.

"Hindi pa. Busy kasi ako."

Bigla na lang niya ko hinila palabas ng office ko.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa restaurant para kumain ng dinner. Gutom na din ako." Sagot niya sakin.

Nagwewelga na din ang tiyan ko dahil sa gutom kaya inayos ko muna yung mga papers saka ako umalis kasama si Kim.

~~.~~

Nasa restaurant kami na pag mamay-ari ng mama niya. Naka-reserve na kasi siya kaya wala na akong choice. Mag-iinarte pa ba ako eh gutom na rin ako.

Boyfriend For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon