Ep. 69: High-Strung

1.5K 80 7
                                    

Hindi ko akalain na kasabwat ulit ni Kim si Pent. Siya pa ang bumili ng mga gamit ko.

"Of course, baby... kapatid ko siya at tutulungan niya ko ulit kagaya ng dati." Sabi ni Kim.

Gusto kong magalit sa kanila pero di ko pinakita. Ngumiti lang ako para itago yung galit na nararamdaman ko.

"Trinaydor mo ako Pent." Hindi ako sumigaw at normal lang yung pagkakasabi ko.

Yumuko lang siya at parang di niya ko kayang harapin. Tumayo si Kim at nilapitan ang kapatid niya. Napahawak pa sa balikat ni Pent at ngumisi.

"Ganun talaga, baby. Kapag kapamilya mo ang hihingi ng tulong ay talagang gagawin nila ito, di ba Pent?" Sabi ni Kim.

Tumango nalang si Pent at bigla siyang nilapitan ng mga tauhan ni Kim sabay ginapos ng kadena at nilagyan pa ng leash.

"Ayan! Mas maganda kapag ganyan ka Pent kasi para kang aso na sunod ng sunod sa mga gusto ko."

Tumawa si Kim ng napakalakas at napakuyom ako ng kamay. Kahit hindi ko nagugustuhan ang ginawa ni Kim sa kapatid niya ay pinakita ko sa kanya na nagustuhan ko yung ginawa niya. Kahit trinaydor ako ni Pent ay naging pamilya ko na din siya.

"Pwede mo din siyang utusan baby... sabihin mo, sit o roll over. Gagawin yan lahat ni Pent." Dagdag pa ni Kim.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya.

"Hon, gusto ko na matulog. Tabihan mo ko." Sabi ko.

Di mawala yung malaking ngiti niya sa mukha nung niyaya ko siya. Hinawakan ko pa nga yung dibdib niya para sundin na ang gusto ko.

"Okay baby." Hinila pa niya ng mahigpit sa katawan niya. "Kunin niyo na si Pent at ikulong siya." Utos niya sa mga tauhan niya.

Nung kinuha na si Pent ng mga tauhan niya ay pumunta na kami sa kwarto. Pagpasok pa lang namin ay hinalikan niya ako ng pagkatindi-tindi. May padila pa siya sa akin at sinalubong ko na din ng dila ko. Bigla niya ko kinarga at hiniga sa kama habang naghahalikan kami hanggang sa naramdaman ko na huhubarin na sana niya yung pantalon ko.

Tumigil ako. "Oops! Wag muna hon. I'm not such an easy person to get."

"Wag ka ng pakipot baby. Gusto na kitang kantutin." Sabi niya.

Naramdaman ko na din yung katigasan ng pagkalalaki niya.

"Di ba sabi ko, pagbibigyan kita sa hiling mo kung pagbibigyan mo din ako."

Nagpout lang siya sa akin at agad ko siya tinulak palayo sa katawan ko.

"Maliligo pa kasi ako hon." Sabi ko.

"Sige, hihintayin kita dito."

Tumayo na ako mula sa kama at pumunta ng bathroom.

Shiya!!!

Muntik na ako dun. Talagang gusto niya ko kantutin at seryoso din siya na maghihintay sa akin. Ayoko ko makipagsex sa kanya. Naisipan ko na bagalan yung pagliligo ko para makatulog siya sa paghihintay. Nagsabon na ako ng limang beses, iniwanan ko yung conditioner ko mahigit sampung minuto, at nilublob ko na yung sarili ko sa bathtub. Kailangan pagkatapos ko maligo ay tulog na siya.

Tama nga ako dahil sa paglabas ko ay tulog na si Kim. Nag tiptoe pa ako para lumabas ng kwarto at dahan-dahan ko sinara yung pinto. Agad ko hinanap si Pent kung saan siya kinulong hanggang sa napatingin ako ng bintana.

Sa labas talaga kinulong si Pent at kulungan pa talaga ng aso. Pupuntahan ko sana si Pent para tanungin siya kung bakit niya ko trinaydor pero paglingon ko ay si Kim na ang kaharap ko at napasigaw pa ako ng malakas dahil sa gulat.

Boyfriend For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon