Ep. 67: Serenity

1.6K 89 12
                                    

Joss' POV

Hindi pa rin natanggap ni Bas ang pagkawala ni tito. Tulala pa din siya at kinukulong ang sarili niya sa kwarto. Palagi lang siya nakahiga at di rin ako kinakausap kahit magkatabi pa kami natulog. Inintindi ko ang nararamdaman ng baby ko dahil hindi naman ako nawalan.

Yung kamalasan na nangyari sa buhay niya ay Kim ang punot dulo at siya pa din ang nagpapahirap kay Bas dahil pinatay niya ang daddy ng baby ko.

Tinulungan ko na lang si tita na asikasuhin ang lamay ni tito pati na rin yung burol. Hindi pa kasi nagsasalita si Bas kung ano ang plano niya para kay tito.

Dalawang araw na din walang kibo at tulala ang baby ko. Kahit pagod na ako sa trabaho, sa pagbisita sa lamay ni tito, at pagbantay kay Bas ay ginawa ko pa rin kahit pakiramdam ko na magkasakit na ako.

"Baby, kain na. Magkasakit ka kapag di ka kumain."

Dinalhan ko siya ng pagkain dito sa kwarto namin pero di siya bumangon. Pinilit ko na siya pero nakatulala pa rin siya kahit sinubuan ko na. Natatakot na ako baka maisipan ni Bas na magpakamatay dahil sa trauma at depression niya.

"Wag naman ganyan baby. Hindi lang ikaw ang nawalan. Yung mama mo, si Perth, ang pamilya mo... nawalan din sila at nasaktan. Kaya please, magpapakatatag ka." Sabi ko kahit pagod na pagod na ako.

Pakiramdam ko susuko na ang katawan ko.

"Pinarusahan ba ako? Wala naman akong ginawang masama."

Finally, nagsalita na din siya. Akala ko tuluyan na siya na depressed.

"No, baby. Sinubukan ka lang ng panahon kaya ganito ang nangyari." Sagot ko.

"Kamusta na ang lamay ni dad? Okay na ba si mama? Si Perth, umiiyak ba?"

Napayakap nalang ako sa kanya dahil alam ko broken ngayon ang baby ko at nagawa pa niyang isipin ang pamilya niya.

"Katulad mo din sila baby. Nasasaktan, natulala, umiiyak pero tinatagan ang loob ni tita para sa inyo ni Perth."

"Mabuti naman. Ayoko muna pumunta sa lamay. Hindi pa ako handa." Sabi niya at humiga siya ulit.

Hindi ko na siya pinilit at dinala ko na lang yung pagkain niya sa baba.

"Anak, kamusta na si Bas?" Tanong ni daddy sa akin.

Nandito sa bahay si dad para bantayan si Perth. Di pa kasi kaya ni tita na pagsabayin ang lahat. Kahit papano ay tinulungan namin ang pamilya ni Bas.

"Kuya Joss, is kuya ganda okay na?"

Lumapit ako sa kanya habang kumakain siya.

"Hindi pa, Perth. Hayaan muna natin si kuya Bas mo na mag-isa. Kailangan pa niya i-process ang lahat na nangyari sa kanya." Sagot ko kay Perth.

"Hindi ko na ba makikita si papa?"

Paano ko ba sabihin kay Perth na di na babalik si tito. Ayoko masaktan siya ulit nung nalaman niya na binaril si tito. Umiiyak daw siya at parang nagtantrums.

"Hindi pa sa ngayon. Nagpapahinga pa ang papa mo." I go with the flow na lang.

Bakit ba kasi nangyari pa ito? Ako naman talaga ang gustong patayin ni Kim at nadamay lang ang daddy ni Bas. Kung pwede lang ibalik ang oras na yun ay ako sana ang sasalo sa bala.

"Wag mo na sisihin ang sarili mo, anak."

Napansin pala ni dad na sinisisi ko ang sarili ko. Hindi ko kasi matanggap at nahihiya ako sa pamilya ni Bas. Yung tao na gusto pa makasama ni Bas ng matagal ang pinatay ni Kim.

Boyfriend For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon