Ep. 3: Unexpected Visitor

3.7K 177 31
                                    

Bas' POV

Pinatay ko yung phone ko dahil parang pusa na nakipag joog-joogan sa bobong dahil sa notifications. Ang iingay! Naloloka na din ako sa mga friend requests at comments ng mga tao. Hindi ko kasi alam na totoo pala ang sinabi ni Tee na popular ako sa campus.

Ayoko muna tignan yung Facebook!

Kaya, I made myself busy through studying. Advance reading is life. Kahit dalawang linggo pa ang nakalipas since the school started, ayoko na makakuha ng grade below 1.5 so I kept on striving hard, para naman 'to sakin at mas lalo na para kay mama.

"Anak, may bisita ka."

Ha?! Bisita? Sino naman kaya ang pupunta sa bahay ko? At saka, Sunday kaya ngayon.

"Sino daw ma?"

"Di niya sinabi yung pangalan niya. Basta kaibigan mo daw."

"Okay, ma. Lalabas na ako."

Hindi si Oreo yung bisita ko dahil kilala ni mama si Oreo. Sinara ko na lang yung libro at bumaba.

SHIYAAAAAA!!

Anong ginagawa ng taong 'to na pinaglihi sa sama ng loob? Wala naman kaming lakad at sinabi ko sa kanya na wag ako distorbohin kapag Sunday.

Gusto kong bumalik ng kwarto kaso nakita niya ko. Tinititigan niya ko na parang kutsilyo yung mga mata niya.

"Bakit ka naparito?" Tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Umupo siya sa couch na may butas pa sa gilid. Tinignan niya yung bahay namin at napangisi siya.

Oo na, mahirap lang kami. Hindi ko naman sinabi na mayaman kami katulad ng mga royalty sa Eurpoe. Ano kaya gusto niya ngayon?

"Di mo ba ako sasagutin? Maari ka ng umalis."

"Anak!!" Napalakas yung boses ni mama. "Wag maging bastos sa bisita."

Hindi ko alam na bumalik si mama sa sofa at may dalang juice para sa halimaw na 'to.

"Pasensya ka na kay Bas. Minsan wala sa mood."

Ako pa talaga ang wala sa mood? Bakit di mo tanungin yang bisita ko na palagi wala sa mood. Gusto ko na nga sakalin yan.

"Okay lang po Tita."

Huwooow! Magalang pala siya? O baka kakagaling lang niya nagworkshop? Napa roll eyes na lang ako.

"Ano pala pangalan mo?"

"Joss po, tita."

"Joss, dito ka na maglunch. Malapit na din maluto yung pagkain."

"Sige po, tita."

Minsan kakainis talaga si mama dahil very hospitable kapag may bisita. Dapat nga sipain na yan si Joss palabas dahil ginawa lang niya kong alipin.

Tinignan niya ako at ngumisi siya para inisin ako. Lumapit ako sa kanya at sinipa ko yung binti niya. Napa-aray siya. Buti nga!

Pumunta ako sa maliit na kitchen namin para tulungan si mama maghanda. Nang naluto na yung pagkain ay tinawag ko na si Joss para maglunch.

Hindi masarap yung lunch ko dahil kasalo namin ang monster. Magaling talaga siya mag acting lalo na mukhang mabait siya sa paningin ni mama. Magalang at madali siyang kausapin ni mama habang ako, nahihilo na sa pag roll eyes.

"Aray!"

Sinipa ako ni Joss sa binit. Grabe ang sakit!

"Ano nangyari sayo anak?"

Boyfriend For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon