Ep. 42: Jeopardy

1.6K 80 7
                                    

Varodom...

Yes! Isa siya sa mga imbitado sa party ni tito Josh this coming Saturday. Hindi ko akalain na magkakilala pala ang ama nina Joss at Kim. At least may kakilala pa ako sa party maliban sa boyfriend ko.

"Sir Bas, nakaready na din yung damit na susuotin niyo. Kailangan niyo nalang pumunta sa mansion dahil dun kayo aayusan." Pinaalam sakin ni Ryan.

"Okay Ryan." Sabi ng boyfriend ko. "May utang ka pang paliwanag sakin."

"Pagkatapos nalang po ng party, young master." Sabi ni Ryan.

Mukhang hindi naman galit ang boyfriend ko kay Ryan kaya wala akong alinlangan na hayaan ko si Joss na kausapin siya. Alam ko na marunong na siya magpigil ng galit niya.

Binasa ko pa yung invitation at ay nakalagay pa dun na may acknowledgement sa partnership ng kumpanya ni tito Josh at nung isang kumpanya pa. Wala naman pangalan nakalagay kung sino ang representative.

"Baby, gusto mo ba isama sina Tae at Tee?" Tinanong ako ng boyfriend ko.

"Pwede ba yun? Hindi naman sila imbitado."

Gusto ko sana kasama ko sila sa party para naman the more the merrier... hindi yung kakanta nalang ako ng 'Alone' ni Celine Dion.

"I'll invite them."

Tinawagan na ni Joss sina Tae at Tee. Nakangisi pa siya at parang pumayag din sila.

~~.~~

"Bas, anak!"

Napasigaw pa si mama nung sinalubong niya ko sa entrance ng bahay ni tito Josh. Napayakap agad siya sakin.

"Akala ko hindi kayo dadalo." Sabi ni mama.

"No, tita. Kailangan din ni Bas na makita ka." Sagot ni Joss.

Napapisil tuloy si mama sakin. Kahit isang gabi lang kami nagkahiwalay ay parang 10 years ang peg ni mama sa pagkamiss sakin.

"Joss, gusto ka kausapin ng daddy mo." Paalam ni mama.

Tumango lang ang boyfriend ko. "Puntahan ko muna si dad, baby."

"Okay daddy."

Humalik pa siya sa noo ko bago niya pinuntahan yung daddy niya.

"Sir Bas, andito na po yung stylist." Pinaalam sakin ni Ryan.

"Okay, Ryan."

Hinila naman ako ni mama at sumunod kami kay Ryan hanggang pumasok kami sa isang malaking kwarto na maraming damit at sapatos.

Ano ba 'to? May collection ba dito?

Halos branded yung mga damit... nakakahilo yung mga Gucci, Louis Vitton, Chanel, at iba pa.

"Ryan, siya ba ang aayusan ko?" Tanong ng stylist.

"Oo. Si sir Bas."

Nilapitan niya ko and he assessed me from head to foot... lalo na yung mukha ko.

"Akala ko tomboy. Nagulat tuloy ako."

Tumawa si mama at kinurot ko siya sa gilid sabay inirapan.

"Sigurado ka ba na magsusuot lalake ka, dear?" Tanong niya sakin.

"Lalake po ako." Sagot ko.

"Okay, fine. Nakakadismaya lang talaga na magsuot panlalake ka."

Napa-roll eyes na lang ako sa stylist na 'to. Pinaupo niya ko at tinignan kung anong bagay na hairstyle ko. Wala din naman akong alam sa mga hairstyle na yan basta lang maayos lang yung buhok ko, okay na.

Boyfriend For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon