Ep. 45: Walk On

1.6K 96 18
                                    

Tatlong buwan ang nakalipas ay naging tahimik na din ang buhay ko dito sa probinsya. Nakatira kami ngayon sa bahay ng lola ko at tinutulungan ko siya asikasuhin yung hacienda niya.

From a city person ay naging probinsyano na ako.

Hindi ako nakapag-aral dahil nga four months pregnant na si mama at anak ito ni tito Josh. Kahit papano ay may koneksyon pa din ako sa pamilya Wayar dahil sa maging kapatid ko soon.

Hindi ko rin maari iwan ang negosyo ni lola dahil matanda na siya at wala siyang katulong sa pag-aasikasu ng manggahan niya kaya ako na yung nag-volunteer na gumawa lahat.

Naging masaya naman ako sa simpleng buhay ko at malakas din ang kita namin sa manggahan. Sinisikap ko na mas lalago pa ang negosyo ni lola at hindi ko magawa ang lahat ng ito dahil din sa tulong ng anak-anakan ni lola na si Frank.

"Bas, okay na itong mga mangga. Pwede na natin ibenta." Sabi ni Frank sakin.

Andito kami ngayon sa storage room ng mga mangga at chini-check namin yung quality. Halos hinog na at pwede na ibenta sa market.

"Sige Frank, pwede na ito ibenta."

May mga buyer naman kami kaya madali lang ibenta ang mangga namin. Kumuha pa nga ako ng isa para tikman at sobrang sarap talaga. Mapapakain ka ng madami.

"Frank, yung mga di na natin pwede ibenta ay gawin lang natin ng shake ha para sa lahat." Sabi ko.

"Okay po."

Hinakot na ng mga tao ko ang mga malalaking basket ng mangga. Nilagay na nila ito sa truck at ihahatid na ito sa mga buyer namin.

Nagpaalam muna ako sa mga kasamahan ko na uuwi ako saglit para tignan ang kalagayan ni lola at pati na rin kay mama.

"Apo, magpahinga ka muna." Sabi ni lola nung dumating ako sa bahay.

Agad ko siya inalalayan dahil naglalakad siya na may tungkod. Baka mapano pa.

"Ikaw magpahinga lola baka madapa ka. Sige ka, maging pangit ka at hindi na kasing ganda ko." Biro ko.

"Naku apo, kung kaedad ko lang ikaw ay mas maganda pa ako kesa sayo."

Napangiti nalang ako sa lola ko na palaban. Ayaw talaga magpatalo.

Simula noong tumira kami ni mama dito ay magaan na ang loob niya sakin dahil daw nakikita niya yung sarili niya sakin. Dati kasi, hindi kami pumupunta dito dahil tinakwil si mama noong nabuntis siya ni papa kaya ayon, uuwi din pala kami dito at ang mabuting naidulot pa nito ay yung pagtanggap sa amin ni lola.

Kahit hindi ko siya nakilala ay naramdaman ko yung pananabik niya samin. Araw-araw siyang masaya kapag nakikita niya ko pero palagi naman niya iniinis si mama dahil pinalayas niya na buntis, pagbalik naman ay buntis pa rin.

Natawa na lang ako sa thought na iyon.

Pinainom ko ng gamot si lola habang hinihintay namin si mama matapos yung luto niya.

"Bas!! May bisita ka." Sigaw ni Frank nung papasok na siya ng bahay.

Agad ako pumunta sa may hagdanan at si Kim pala ang bisita ko. Every weekend bumibisita si Kim kahit babiyahe siya ng limang oras mula Cebu. Hindi naman masyadong malayo ang Leyte at kaya lang ng fast-craft bumiyahe ng four hours tapos one hour biyahe papunta sa amin.

"Pasok ka Kim." Niyaya ko siya.

"Apo, andiyan na ba yung boyfriend mo?" Tanong ni lola.

Palagi kasing inaasahan ni lola na pupunta si Kim dito every weekend. Matigas din kasi ang ulo ni lola kahit sinasabi ko sa kanya na nag-aaral pa si Kim at saka, hindi ko siya boyfriend.

Boyfriend For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon