Montefalco
Gazing at every house in this subdivision makes me envious about the owners. Ang gaganda ng bahay dito. I want to live here, again. Hayss. Hanggang kailan ba ako magbabalik tanaw sa mga panahong nasa saakin ang lahat.
"huwag ka ngang sumimangot dyaan aurelia, para namang namatayan tayo sa lagay mo"
umirap nalang ako bago ko bilisan ang paglalakad para makapunta agad sa dati naming bahay na nasa dulo pa nitong subdivision. Pagkadating ko sa dati naming bahay ay nalungkot ulit ako, I used to design the whole house pero ngayon, mag-iiba na ang disenyo ng bahay.
"grab all the things we need aurelia, yung mga kailangan at importante lang ah!" eh kunin ko kaya yung bahay? masyado tong importante saakin. But, i promise na makukuha kita ulit soon.
"wag ka ng tumunganga dyaan, bilisan mo na"
dumiretso agad ako sa kwarto ko at kinuha ang mga paintings na niregalo saakin ng mga dati kong kaibigan, kinuha ko din yung mga stuff toys ko at iilang mga kacheche bureche ko, after 15 minutes ay nakuha ko na lahat ng importanteng bagay na narito sa dati naming bahay, habang naghihintay sa kuya ko na naghahakot pa ng gamit ay naagaw ng atensyon ko ang isang pick-up truck na tumigil na medyo may kalayuan rito sa kinatatayuan ko, at lumabas dun ang dalawang lalaki na di ko makita ang itsura dahil nga may pagkamalayo sila rito pero iisa lang ang sigurado ko, they are both handsome.
"sure ka na ba na lahat ng importante yung andyan?"
tumango lang ako sakanya at sumakay na sa passenger's seat habang siya naman ay sumakay na din at sinimulang i-drive ang owner na nung panahon pa ata ni FPJ nabuo. I wear my rose gold aviators and tie my hair into a low ponytail bago ko isinuot ang gray kong cap na nakita ko sa kwarto ko kanina, habang papalapit kami sa bahay kung saan tumigil kanina ang pulang pick-up truck ay kinakabahan ako, anyare ba? pagkatapat na pagkatapat doon sa bahay ay tila nagslow motion ang lahat nung nakita ko ang isa sa lalaki na bumaba sa truck at ang nakakagimbal pa ay nung nag-lock parehas ang mga mata namin sa isa't isa, tila walang susi! Argh!
"kuya, ba't ang bilis mong magpatakbo?!" napamaang naman si kuya sa sinabi ko at tinignan ako saglit bago ibalik ang tingin sa kalsada.
"kanina pa mabilis ang takbo natin baliw"
tumingin ako sa likod na kaagad kong pinagsisihan dahil nakita ko yung dalawang lalaki na tinitignan ang papalayong kotse namin. My gosh, did he saw my face? tumingin agad ako sa rear view mirror at agad na napasandal sa upuan dahil imposibleng makilala nila ako, nakalimutan kong suot suot ko nga din pala ang black mask na binili ko pa dati sa mall. Hayss. Saved by the mask.
Pagkalabas na pagkalabas namin ng subdivision ay napabuntong hininga ako at napiling magpatugtog nalang kesa alalahanin ang nangyari kani-kanina lang. Di ko namalayang nakatulog na pala ako kaya naman nung nagising ako ay di na ako nagulat nung nasa tapat na kami ng bahay ni tito Elias. He's my dad's older brother. Di nagtagal ay kinatok na ako ng pinsan ko kaya naman inayos ko ang pagkakasuot ng cap ko tsaka ako lumabas.
"hey aurelia, kamusta na ang only girl namin?" kaagad kinuha ni kuya Elizar ang cap na suot ko at niyakap ako na siyang kinalas ko naman agad.
"kuya eli, kanina lang tayo nagkahiwalay. Weird mo"
binuksan ko ang pinto sa backseat at kinuha doon ang karton na pinaglagyan ko kanina ng mga importanteng gamit, pagkatapos ay pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko ngayon. Kwarto namin nila mama ngayon. Inayos ko na ang mga gamit ko sa medyo malaking drawer na dating imbakan ng mga lumang gamit nila kuya eli.
"iwanan mo muna yan, kakain daw muna aurelia" tinapos ko lang ang paglalagay ng mga sando ko sa ibabaw ng drawer atsaka bumaba na para nga kumain.
YOU ARE READING
My Womanizer
Fanfiction(Azrael Ian Montefalco III fanfiction) Having everything i could wish for is exactly my dream-- a dream that has been shattered. Instead gaining everything, nawalan ako. Nawalan ako ng lahat ng hinihiling ko, but after losing everything, i gained o...